Chapter 12

130 2 0
                                        


Pinipigilan akong lumabas sa cottage naming ni Juliana dahil sa napilitan akong isuot ang two piece na dala niya kanina. Wala naman talaga akong magagawa dahil sa pilit niya akong pinasok sa cr, kung saan hindi niya ako palalabasin kong hindi ko daw suot ang two piece na hawak niya

"Juliana naman!" nangungusap na mata ang pinakawalan ko para lang mapilit ko siyang huwag ipasuot sakin ang pulang two piece na to, pero bigo akong kumbisihin siya na huwag ituloy ang plano niya

"Lara, minsan lang naman to tsaka ano namang meron kung magsuot ka ng ganyan. Tingnan mo nga yang si Maam Samantha hindi nga nahihiya na mas hamak namang mas maganda ang katawan mo kesa sa kanya" usal niya, kung dinadahilan niya yan para masuot ko to at ginagamit niya pa si maam Samantha para palakasin ang loob ko naku! Hindi siya magwawagi, okay lang naman kong hindi ako mapansin ni sir. Tsaka hindi magkakaroon ng interes sakin si sir kasi magkaiba kami mayaman siya at ako isang hamak na dukha

"Juliana naman ehhh!" nakaismid lang niya akong tinignan na wariy hindi talaga siya papayag sa pakiusap ko, wala talaga akong magagawa sa kagustohan ni Julian. Para siyang anak mayaman, spoiled brat!

Sinara ko nalang ang pinto dahil sa wala talaga akong magagawa, si Juliana na matigas ang ulo sa aming lahat. Kung siya nga natiis niyang hindi kausapin si Melisa na loob ng mahabang byahe, ako pa kaya na pakusap lang kaya haler anong magagawa ko

Walang ganang lumabas ako ng banyo kong saan nadatnan ko si Juliana na nagbabasa ng dyaryo sa kama, nakakainis siya kung anu-ano ang pinagagawa sakin kala mo naman hindi mahirap. Sino ba ang nagpauso na magsuot ng two piece sa beach uupakan ko

"Ang ganda mo naman dyan Lara, tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin" pinakita niya sakin ang sarili ko sa salamin sabay nagagalak na aniya ni Julian habang may palakpak pa, naku kung hindi ko lang to kaibigan makukutosan to sakin.

"Masaya ka na?" walang gana kong aniya sa kanya habang ang mukha naman niya ay hindi parin nagbabago ang ekspresyon, nanatiling masaya parin ang nakapinta sa kanyang mukha. Naku! May saltik ata ang taong ito

"Naku! Nagiinarte na naman siya ohh, ikaw na nga tong maganda tignan sa suot mo ikaw pa tong galit sakin" tatawa-tawa niyang aniya sakin "Halika na nga" syempre hindi ko na kailangang tingnan ang katawan ko, ilang taon ko na kayang tong natitigan

Hinila ako palabas ni Juliana kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod kung saan man siya pumunta

Bago kami pumatungo sa lugar kung saan sila Sir Manuel ay huminto muna kami at bahagyang humarap sakin si Juliana sabay may kinuha sa dala niyang bag, naku ano na naman kaya ang gagawin ng babbeng to sakin

"Kailangan mo ata to" pinakita niya sakin ang isang damit na butas-butas na animoy para atang moskitero sa bahay probinsya namin, magsusuot pa ako ng ganyan e wala naman akong maitatago niyan

"See Through ang tawag rito, kaya suotin mo na para hindi ka masyadong mahiya" ibinigay niya sakin ang see through na hawak niya, naku naman nakakahiya pag nakita ako ni sir Timothy ng nakaganito ako baka kung ano ag masabi niya sakin

Sinuot ko nalang ang binigay ni Juliana na see through at agad kaming nagtungo sa kinaroroonan nila sir Manuel, hindi ko maramdaman ang tibok ng aking puso ng papalapit na kami sakinaroroonan nila. Kasi naman baka kung ano ang magiging reaksyon nila pagnakita ako, baka sabihin nilang pangit ang suot ko at hindi bagay sakin. First time ko lang kasing magsuot ng ganito ehh kaya hindi ako sanay

Nang makalapit na ako kila tiyang ay wala man lamang siyang reaksyon sakin tilay sanay na siyang makakita ng ganitong tao, napangiti lamang siya ng makita ako kaya gumaan naman ang loob ko. Akala ko kasi sasawayin niya lang ang katawan ko

That Model is my HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon