Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kong bakit pero nang malaman kong umalis si Samantha upang may ka meeting ay nagtatalon ang puso ko dahil sa tuwa. E sino naman ang matutuwa sa nangyari, sa tuwing nakikita ko si Samantha ay nagiinit ang ulo. Pero iwan hindi ko maipaliwanag
"Timothy, hindi kaba maliligo" aniya ni Madam kay sir, kung saan mariin lamang itong nakatanaw sa amin habang kami ay naliligo. Bahagya itong nakasuot ng shades kong saan hindi ko alam kong saan siya naka tingin, sana tinitingnan man lang niya ako nag effort pa naman akng lakasan ang loob ko para isuot tong two piece na pinasuot sakin ni Julian
Ngayon ko lang nalaman na marunong palang makisama si Madam Matilda, istrikto man siya pagdating sa bahay ay kasalungat iyon dito sa beach. Hindi ko alam na may ganitong ugali palang tinatago si Madam Matilda
"Lara, ayain mo kaya si sir! Para naman ganahan ako sa pagligo ko rito" biglang saad ni Sonya sakin kong saan kaming tatlo ni Juliana at Sonya ay naguusap-usap habang sila naman ni Tiyang ay kasama kila Manong Nestor at Mang Pedring, kumbaga para kaming grupo-grupo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Sonya, wala siyang pinipili ahh
"Ano kaba Sonya, kung ayaw ng tao maligo huwag ng pilitin" matigas kung usal kay Sonya kung saan biglang nagsisimangot ang kanilang mga pagmumukha na animoy parang nabigo sa pagibig. Dapat na silang magising sa katutuhanan, na ang prinsipi ay para sa prinsesa hindi sa alipin
Tumalikod ako sa kanila upang tingnan si Sir pero laking gulat ko ng makitang papunta si Samantha sa kinaroroonan ni Sir Timothy na siyang matamang nakatanaw samin, bakit agad siyang bumalik akala ko ba may me-meetingin siya
Napalapit si Samantha kay sir sabay napayakap ito sa lalaking nakatayo na siyang nakatanaw samin, biglang napabaling si sir Timothy sa kanyang likoran dahil sa nagulat ito dahil sa may taong biglang yumakap sa kanya. Nakita ko ang mga ngiti ni sir Timothy na animoy di mapagsidlan ang tuwa
Iniwas ko ang aking tingin dahil sa bigla na lamang may mga butil ng luha na siyang tumulo galing sa aking mga mata, hindi ko alam kong bakit ako lumuluha. May sakit ba ako na hindi ko alam, bakit bigla na lamang naninikip ang dibdib ko
Kailangan ko na yatang magpachick-up baka may sakit na pala akong hindi ko alam
Hindi ko alam kong bakit nangyayari sakin to! Pero ang tanging nararamdaman ko ngayon ay nasasaktan ako, nasasatan akong nagpabalik-balik sa aking isip ang nakikita ko
Mahal ko na ba si sir? Gusto ko na ba siya? Bakit sa dinamirami ng lalaki sa mundo bat siya pa?
Bigla akong napapahid ng luha ng maramdaman kong lumapit sakin si Sonya
"Bes, anong ginagawa mo. Akala ko ba aayain mo si sir, tingnan mo dumating tuloy si Maam Samantha" pagbibirong aniya ni Sonya na may halong pagtawa nito mula sa kanyang mga binigkas, pero hindi man lamang ako natawa sa kanyang sinabi kaya laking katanongan ang siyang nabuo sa kanyang mukha pero hindi ko hinayang makapagtanong pa si Sonya at nagpaplanong umalis
Hindi ko na nakaya ang nararamdaman ko ng kaya bigla akong napaahon sa dalampasigan upang tumakbo, dahil sa pagnakita ako ni Sonya na umiiyak ay baka magtaka pa iyo kong ano ang dahilan ng pagtangis ko. Hindi ko man alam kong ano talaga ang dahilan pero kalian kong makapagsarili man lang para malaman ko kong ano ba talaga tong nararadaman ko
Nakakita ang malaking bato mula sa dulo ng resort, agad akong naglakad roon upang makapagisip-isip at tanongin ang aking sarili kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya
Mataman akong nakatanaw sa baybayin ng dagat kung saan naririnig ko at nasasaksihan ang bawat hampas ng alon sa bato, at nagkikislapang tubig ng dagat dahil na mismo sa liwanag ng araw na siyang tumatama sa dagat
BINABASA MO ANG
That Model is my Husband
RomansaKaya kayang ipaglaban ni Timothy ang pagmamahal niya sa babaeng iba ang estado ng buhay kesa sa kanya Paano niya kaya ipapakita sa kanyang babaeng mahal na si Lara na hindi siya susuko rito at handa siyang bitawan ang lahat para lang sa babae na ka...
