Chapter 5

143 2 0
                                        

Nanlaki ang mga mata ko ng lumingon sila tiyang Anita sakin pero labis kong ipinagtataka kung bakit ganun nalang ang reaksyon nila sa sinabi ko

"May dumi po ba ako sa mukha?" takang tanong ko sa kanila sabay himas himas ko sa aking pisngi

Napailing-iling na lamang si tiyang at ipinagpatuloy ang kanyang niluluto "himala at humingin ng meryenta si sir"sabat ni Melisa habang tinatapos ang pag hihiwa ng carrots sa mesa

Lumapit ako kay Melisa upang usisain ang kanyang sinabi " bakit?"tanong ko kay Melisa pero napangiti lamang siya  sa tanong ko

"Kase!!" Aniya ni Melisa sabay pabitin na sabi niya

"Ano?" aniya ko sabay kasamang pangigigil na iminumongkahi ang mga katagang iyon

"Kase, ni kahit kailan ay hindi humingi si Sir ng meryenda sa amin. Tila pumuti na yata ang uwak kaya nangyari ang inaasam ni tiyang anita na mangyari" paliwanag ni Melisa habang pinagpapatuloy ang paghihiwa ng mga gulay

"Tiyang" aniya ko habang may pagaalala sa aking boses at lumingon naman siya sa akin ng tawagin ko siya

"Bakit" aniya niya ng hindi lumilingon sakin habang pinagpapatuloy ang paghahalo ng kanyang niluluto

"Ano naman ipapakain ko dun sa damulag na iyon" aniya ko--"shhhhh" napalingon ako bigla ng biglang may sumabat sa aming usapan mula sa aking likoran

"Huwag ka ngang nagsasabi ng masasama kay sir Timothy Lara, baka marinig ka noon"saad ni Sonya na may pagbabanta sa kanyang boses

Agad ko namang tinikom ang aking bibig, pero ang pinuproblema ko e kung ano ang papakain ko kay Damulag este Thimothy pala

"Pero ano ngang papakain ko kay sir? Hindi ko naman alam kung ano ang hilig niya" pagaalala ko habang ang mukha naman ni Sonya ay nakangiti na parang nanalo sa luto

"Yan lang ba ang penoproblema mo? Watch ang learned" sabay bukas niya sa ref na siyang nasa kanyang giliran

Hindi ko alam kung anu-ano ang pinaglalabas ni Sonya sa loob ng ref sadyang nakatayo lang ako habang tinitingnan siya sa kanyang ginagawa. Naku naman wala akong talento sa mga ganyang bagay sadyang hindi lang talaga ako pinagpala sa pagluluto

Ilang sandali pa ay tapos na si Sonya sa kanyang ginagawa "representing Sonya delicious Sandwitch with blueberry drink" aniya ni Sonya habang nakabuka ang mga kamay nito at nakapinta sa mukha nito ang kaligayahan at kagalakan

"Sige na iakyat mo na yan sa taas, tutal ikaw naman ang gumawa jan sa Sandwich na pinagsasabi mo. Sabihin mo nalang kay sir na may ginaganwa ako at tataposin ko pa ang mga labahin sa labas " aniya sabay napatango naman si Sonya. Alam kung tuwang-tuwa si Sonya kaya pinaubaya ko nalang sa kanya, syempre patay na patay yun kay sir ehhh

Agad na akong nagtungo sa likoran ng bahay kung nasaan ang laundry room at napagplanohang doon makapagtago. Ayoko ko ngang nakikita si Sir, nahihiya na ako sa kanya hindi lang sa brief kundi sa pagtulo ng laway ko ng makita ko siyang nakatopless sa harap ko. Humiling ako noon na sana kainin ako ng lupa pero hindi didinig ng diyos ang panalangin ko, di joke lang

Ilang araw na ang nakalipas pero ang pagkakaalam ko'y wala si sir ssa bahay dahil sa may shoot ito. Ngayon ko lang kasi nalaman na modelo pala si sir Timothy sa isang sikat na modeling company sa Pilipinas. Hindi ako tsismosa ahhh!! Sadyang narinig ko lang talagang naguusap sila Juliana at Melisa kanina habang nagtutupi ako ng mga gamit na nilabhan ko

Habang tintapos kong tupiin ang mga damit nila Madam at Donya, iniakyat ko ito sa taas upang ilagay iyon sa kanya kanya nilang aparador. Inuna ko munang ilagay ang mga damit ni sir Timothy sa kanyang kwarta at isinunod naman ang mga gamit ni Madam Matilda

Kumatok muna ako sa kwarto ni Madam bago pumasok at doon ko siya nadatnan na nagaayos ng kanyang sarili "Madam ipapasok ko na po mga damit na nilabhan ko" tanging tango lang ang siyang sagot ni Madam kaya hindi na ako nagatubiling magaksaya ng panahon na kausapin siya, baka pagalitan pa ako no kung makikipagtsismisan ako sa kanya

Tanging si Madam lang at ang kanyang anak sa si sir Timothy lang ang siyang nakatira sa kanilang mansion dahil sa ang asawa ni Madam ay nasa labas ng bansa at ang isa namang anak ni Madam ay gumagala kung saan saang lupalop ng mundo

Hindi ako tsismosa ahh!! Sinabihan lang ako ni Sonya sa mga ganung bagay, pero biglang napukaw ang aking atensiyon ng marinig ko ang telepono ni Madam na tumutunog

"Kringgggg!!!!" agad naman itong dinampot ni Madam at sabay sinagot ang taong tumatawag sa kanya

Pero pinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa at piabayaan si madam na kausapin ang taong tumawag sa kanya

"Sige, sige. Kailangan niyo ba ngayon?.... Okay ipapadala ko na lang."

Sakto ko namang natapos ang paglilipat ng mga gamit ni Madam sa kanyang aparador bago niya natapos ang tawag at mariin siyang napabaling sa akin na may pagkaseryoso ang nakapinta sa kanyang mukha

"Ikaw!" aniya niya sakin, sabay kaway at pinalapit sa kanya

"Ano po yun, Madam?" aniya ko na parang tuta na napakabait

"Ano nga bang pangalan mo?" tanong niya sakin

"Lara po" mahinhin kong sagot sa kanya, at kitang-kita ang nakaguhit na ngiti sa kanyang labi

"Lara, pagkatapos mo diyan sa trabaho mo. Puntahan mo ang kwarto ni sir Timothy mo at kunin ang isang set ng damit sa kanyang kama tapos puntahan mo sa garahe si mang Nestor" aniya niya sabay lunok sa kanyang laway "ako ng bahalang mag paliwag kay Nestor kung ano ang gagawin dali, vamonous!" aniya Madam sabay palakpak

"Okay po Madam" saad ko at tumalikod sa kanya upang puntahan ang kwarto ng amo kung damulag

Pagdating ko sa kwarto ni sir Timothy ay nakita ko ang set ng damit na siyang nakalatag sa kama niya, hindi ko to napansin kanina noong pumasok ako ahhh! Lara maga minamaligno ka na

"Ang ganda namang damit nito" aniya ko na puno ng paghanga, naiimagine ko tuloy kung ano ang itsura ni sir Timothy kapag suot niya ang damit na ito.

Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin na parang na alapaap ako na nakalutang , pero natigil ako sa panaginip ng biglang may bumukas ng pinto at doon ko nakita si Sonya na nakangiti "bakit?" mariin kong tanong kay Sonya

"Inaantay ka na ni Mang Nestor sa baba" dali-dali ko namang binitbit ang mga gamit na siyang nakalatag sa kama at mariing bumaba

--------------------------------------------------------------

Sa lahat ng gustong bumasa sa story ko na " Devastated Wife" happy po ako kung babasahin niyo ang una kung gawang story

Thanks for Reading

Please vote and follow me in Wattpad

@DancingFucker😘😘😘

That Model is my HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon