Chapter 8

145 1 0
                                    

Hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari kanina sa loob ng building kung saan nasaktan ako tungkol sa sinabi sakin ni sir kanina na isa lang akong katulong, hindi ko akalaing gagawin yun ni sir Timothy. Sobrang sama naman talaga ng ugali niya

Lara tigilan mo na yang kakaisip mo sa ganyan kahit anong gawin mo ay hindi magbabago ang pagtingin ni sir Timothy sayo, is aka lang hamak na katulong

Mariin akong napasuntok sa unan na hawak-hawak ko, iniisip ko n asana si sir nalang ang unan para naman mabugbog siya dahil sa pangiinsulto niyang ginawa sakin kanina

"Lara, ano na namang inaarte arte mo jan?" tanong ni sonya sakin habang pinapahid niya ang cleanser sa kanyang mukha. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ko sinusuntok ang unan kaya ganoon nalang ang kanyang reaksyon

"Wala!" pagsisinungaling ko sa kanya sabay talikod upang mawala ang inis. Baka si Sonya ang mapaginitan ko, magiging dahilan pa iyon ng pagaaway namin

"Sus, baka naman may nangliligaw na sayo jan sa kabilang bahay di mo lang sinasabi sakin" aniya ni Sonya sabay sundot niya sa aking tagiliran sabay napaigtad naman ako sa ginawa niya

Wala talagang magawa sa buhay ang babaeng to, bumangon ako upang makaharap siya. Alam kung pinapasaya niya lang ako

"Wala nohhh! Sino namang lalaking magkakainteris sakin" aniya ko sabay talikod sa kanya, di ko na lang sasabihin kay Sonya ang nangyari sakin kanina sa room baka yun pa ang maging dahilan para magalit siya kay sir at maturn-off rito

Nakatulog ako dahil sa kakaisis sa sinabi ni sir pati narin sa panaginip ay hindi ako nilubayan kaya hindi tuloy ako nakatulog ng maayos, baka nagsilakihan na yung mga eyebag ko


Kinaumagahan ay naatasan ako ni tiyang Anita na tumulong sa kanya sa pagluluto, nagpapasalamat ako kay tiyang dahil sa nagagawa niya parin akong turuan kaya natoto ako kung paano magluto. Bigla kong naalala ang nangyari sakin nooong kinausap ako ng lalaking gwapo kahapon, natatawa ako sa mga kilos niya. Para siyang na engkanto na di ko malaman

Napapangit ako habang hinihiwa ang mga reakado kung saan gagamitin sa pagluluto ng menudo

"Anong nginingiti-ngiti mo jan Lara?"intrigar ni tiyang sakin habang bakas rin sa kanyang labi ang saya na tilay nahawa ito sa pagngiti ko, kaya bigla na lamang napaismid at itinigil ang pagngiti

Halata na ba masyado? Naku Lara baka gusto mo na yung lalaki kahapon

Napailing-iling ako sa aking naisip, Lara wag kang ambisyosa katulong ka lang as in katulong!!! Period malabong magkagusto sayo yung modeling salaula nay un, hindi niya type ang kagaya mo

Napapaisip ako tungkol sa ginawang pagakabay sakin ni sir kahapon, masaya siguro sa pakiramdam kong totoo talaga ang pagakbay na iyon. Yung tipong para kang nasa alapaap na lumulutang na tilay walang iniisip ni katiting na problema

"Lara!" pukaw ni tiyang Anita sakin kaya napatingin ako sa kanya ng diretso, pero hindi ko kita ang pagkadismaya sa kanyang mukha baka mahiwa ka niyan paalala sakin ni tiyang kaya ipinagpatuloy ko ang paghihiwa ng sibuyas

"P-po?" reply ko sa kanya

"Kanina nakangiti kang pumasok sa kusina, tapos ngayon nakatulala ka na habang hinihiwa yang rekados" napalapit siya sakin siya sakin

"May sakit ka ba? Halika nga" hinipo niya ako sa aking noo para suriin kung may sakit ba ako, dinamdam niya muna sandali kong mainit ba ako pero napailing-iling siya matapos niyang gawin yun

"Naku! Tiyang okay lang po ako" aniya ko sa kanya sabay kinuha ang kamay niyang nakahawak sakin. Tapos ay kinuha ko ang kutsilyong nakalagay sa lagayan "ano pa po yung iba kong hihiwain, tiyang?"mariin kong tanong sa kanya habang namimili ng mga gulay sa basket at sinusuri na rin kung may mga bulok ba itong kasamang nabili

That Model is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon