Chapter 2

230 4 1
                                    

Nang marinig ko sa labas ang mga nagtitiliang mga katulong ay agad akong dumungaw sa labas upang tingnan kung ano nga ba ang nangyayari sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila kaya lumabas ako ng kwarto at iniwan ang mga tinutupi kong damit na siyang dapat kong ilalagay sa cabinet na ibinigay sakin ni tiyang Anita

Habang nagpapalakad patungo sa kinaroroonan nila Milesa, Sonya at Juliana ay kitang-kita ko ang mga ngiti na siyang nakapaskil sa kanilang mga mukha. Para silang napindotan ng golden buzzer sa Pilipinas Got Talent dahilan kung bakit ganun nalang kong sila makangiti.

"Naku! Ang gwapo talaga ni sir" kinikilig na aniya ni Julian habang nagwawalling pa

"Sa tuwing nakikita ko siya parang buo ang araw ko" tulalang aniya ni Sonya habang nakatingin sa kesami. Pero si Melisa naman ay parang walang pakialam sa mga nararadaman nina Juliana at Sonya

"Naku! Sonya, Melisa. Tigil-tigilan niyo yang pangangarap niyo, hindi type ni sir ang mga katulong" maldita niyang saad sa kanilang dalawa ni Sonya at Juliana habang ako naman ay nanatiling nakangin sa kanilang tatlo. Para namang pinaglihi si Melisa sa ampalaya kung bakit ganun nalang maka-react kay sir. Teka-teka sino ba yang sir na yan at bakit grabe sila kung makapantasya sa amo namin

"Oo nga Juliana at Sonya. Alam niyo namang may asawa si Sir, huwag niyo nang pagiisipang pantasyahan si Sir kayo lang ang masasaktan sa huli" matapos kong sabihin iyon ay nagsitawanan naman si Sonya at Juliana habang si Melisa naman ay mataray na napailing-iling habang tinitingnan kaming tatlo

"O siya tama na yan. Magsibalik na kayong lahat sa trabaho at baka pagalitan pa tayo ni madam, at ikaw naman Lara bumalik ka na sa loob at magpahinga marami ka pang gagawin bukas" aniya ni tiyang saka naman nagsikilos ang lahat na parang dipindot na laruan kung kailan gagalawin saka pa kikilos

Nang makabalik ako sa loob maida quarter ay tinapos ko muna ang pagtutupi ng mga damit ko. Malaki ang pagpapasalamat ko kay tiyang at mapapagaral ko na rin ang mga kapatid ko, gusto ko mang mag-aral pero di kaya ng itay na sustentohan ang pangangailangan namin

Teka! Tama na nga yang kadramahan ng buhay ko baka umiyak lang ako rito at magtaka pa ang tiyang kung bakit ako umiiyak

Nang matapos akong magligpit ay napatingin ako sa salamin kaya nakita ko ang mukha kong pinagmana sa lupa. Alam ko namang iba ang mukha ko sa inaakala ng iba sadyang maiitim lang ang pamamalat ko, pero nagpapasalamat naman ako sa aking ama dahil kung hindi sa kanya hindi ako pagpapalain ng kaunting ganda.

Kaya sumama ako ng maynila dahil sabi saking ng isang kapit-bahay namin kapag pumunta ka ng maynila ay puputi ka raw tapos marami ka raw makikitang gwapo. Kaya ng ikwento iyon sakin ng kapit-bahay naman ay inimagine ko pa lang naglalaway na ako

Pero tingin ko pa lang sa sarili ko parang hindi na ako magbabago. Ito na yata ang kulay ko, sadyang hindi yata kami nabahiran ng dugong espanyol sa panahon ng pananakop ng espanyol sa pilipinas kaya ganito ang itsura ko. Maitim na parang may lahing igorot pero tuwid naman ang buhok ko di sa inaakala niyo

Napaupo naman ako sa kama matapos na titigan ko ang aking sarili sa salamin at sabay namang napahiga matapos ng ilang sandali



Napamulat naman ako ng mata ng maramdaman kong may kumagat saking langgan sa tenga ko. Kaya yan tuloy nasira ang sweet dreams ko with Coco Martin charot!!! Ang landi ko talaga pati ba naman sa panaginit nilalandi ko pati artista. Napabangon ako ng maramdaman ko na natutuyo ang lalamonan ko kaya hindi na ako nag aksayang magtungo sa kusina upang kumuha at uminon ng tubig dahil sa nararamdaman kong patungong pagiging desyerto tong lalamunan ko

Kumuha ako ng baso sa isang stall na nasa malapit sa lababo at agad kong binuksan ang gripo upang punuin ng tubig ang basong hawak ko. Pero pagtikim ko pa lang ay parang naibahan ako sa lasa ng tubig rito sa manila kumpara samin, lasang Chlorine ang tubig rito di tulad ng samin na parang nature spring

Mariin kong pinagmamasdan ang ref na nasa loob ng kusina, for the perst tym ngayon lang ako nakakita ng totoong ref. Sa probinsya kasi hanggang sa T.V ko lang siya nakikita tapos black and white pa yung ang T.V tapos ngayon nakikita ko na siya ng personal

Napahawak naman ako sa ref tapos niyakap ko iyo dahil sa tuwang-tuwa akong makita siya. Pagiiponan ko to tapos bibilhan ko sila tatay ng ganito kalaking ref, napapangiti ko siyang niyayakap dahil sa hindi ko masukat ang saya sa aking puso. Papikit-pikit pa ako habang yakap-yakap ang ref na sinabi ko kanina

"What are you doing!" mariin naman akong napadilat sa mga mata ko at sinuri kong totoo ba ang naririnig ko o baka namamalik dinig lang ako

Napatingin naman ako sa bandang pintuan ng kusina kung saan narinig ko ang maskuladong boses na siyang narinig ko kinana lang

Agad naman akong napaigtad ng makita ko ang isang lalaki na siyang nakapamiwang sa pintuan ng kusina habang ang kilay nito ay nagsasalobong. Naku namam lara kung anu-ano ang ginagawa mo, tingnan mo napapahamak ka sa sarili mong kagagawan

Napatayo ako ng tuwid mula sa pagkakayakap at tiningnan si sir ng nakangiti. Alam kong si sir yun noh napakagwapo at ang ganda ng pangangatawan parang gusto ko ang tipo niya. Naramdaman kong tumulo ang laway ko kaya agad kung hinigop iyon

"What are you doing, di ka pa ba aalis?" taas kilay na tanong ni sir kaya parang mabait na pusa akong umalis palabas ng kusina. Pero bago yun ay iniwas niya ang kanyang sarili sakin na parang ayaw niyang magdampi ang mga balat namin. Gwapo nga anh arte naman

"Kung hindi ka lang gwapo at amo ko. Kanina pa kita kinutosan jan.." pabulong kong aniya pero hindi ko sinadyang marinig niya yun

"Anong sinabi mo!" ayan na naman yung boses niyang kasing taas ng paris tower.

"Ano po sir?"pagmamaang-maangan ko, pero yung kilay niya talaga bes diko kerie "wala naman po akong sinabi ahh" pagsisinungaling ko. Naku kung nilalakasan ko pa yun baka tanggalan pa ako ng trabaho nito at di ko na mabilhan sila nanay ng ref at magpapagaral ang mga kapatid ko dahil lang sa mga sinabi ko

"No!"napailing-iling si sir " umalis ka na"aniya niya na may pagkamaldito sa tuno ng pananalita

Napatingin pa ako sa kanya bago umalis at pumasok ng maids quarter

-----------------------------------------------------------

Sa lahat ng gustong bumasa sa story ko na " Devastated Wife" happy po ako kung babasahin niyo ang una kung gawang story

Thanks for Reading

Please vote and follow me in Wattpad

@DancingFucker😘😘😘

That Model is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon