3:34 am
Nanginginig ang kamay ni Cassey niyang pulutin niya amg kaniyang cellphone, nanginginig dahil sa kaba at pagkasabik.
Alam niya sa sarili na imposible itong nakikita niya na isang patay na at tumatawag sa kaniya, pero dahil sa mga nangyayari sa buhay niya nitong mga nagdaang mga araw ay may parte ng kaniyang isipan ang nagsasabing totoo ito.
Ang puso niya'y nalulumbay at wala itong ibang sininisigaw kung hindi ang presensya ng minamahal niyang si Thomas. At itong nakikita niya ay ang sagot sa lahat ng mga panalangin niya, ang tawag mula kay Thomas ay magpapagaan sa kaniyang mabigat na loob.
BINABASA MO ANG
Thomas, [Book One]
Horror"Mahal kita at kailanman hindi kita ipagpapalit." Date Started: March 21, 2018 Date Finished: June 22, 2018