2:43 am
Nanlalabo pa ang tingin ni Cassey nang magising siya ng madaling araw.
Nagising siya hindi dahil sa masamang bangungot kung hindi ay dahil sa 'di pangkaraniwang nararamdaman niya sa katawan; umiinit ito na para bang naglalagablab at ang laman naman niya sa loob ay marahang pinipilipit.
Masakit...
Ang 'di maipaliwanag na karamdaman ay ikinabahala ni Cassey. Bigla siyang nataranta at nagsimulang magpanik.
Humihingal na napaupo si Cassey sa sariling higaan at hinanap ang kaniyang ina upang humingi ng tulong.
"Ma..."
Pero wala ito sa loob ng kwarto niya. Hindi niya nahahagilap ang presensya nito.
Sa paglipas ng bawat segundo ay mas lalong umigting ang lagablab ng init sa katawan niya, kinakapos na rin ito sa paghinga na animo'y sinasakal siya. Para siyang sinusunog ng buhay at kinakatay.
"T-tulong!" Sigaw niya.
Kinuha nito ang sariling cellphone sa bulsa at sinubukang kontakin ang ina. Nanginginig pa ang kamay nito habang itinitipa ang numero ng ina niya. Pero nang tawagan niya ito ay hindi niya magawang konektahin ang ina dahil sa ito ay hindi raw sakop ng signal.
Sa galit niya ay naihagis niya sa tabi ang cellphone at inilaan ang natitirang lakas sa paghingi ng saklolo.
"Tulong!"
Sa kabutihang-palad, ang sigaw niya ay kumuha sa pansin sa doktor na dumaan sa labas.
Kung kaya't dali-dali itong pumasok upang saklolohan si Cassey na humihiyaw sa sakit na nadarama.
BINABASA MO ANG
Thomas, [Book One]
Horror"Mahal kita at kailanman hindi kita ipagpapalit." Date Started: March 21, 2018 Date Finished: June 22, 2018