Day 27.1

5.8K 208 26
                                    

3:07 am

"D-doc! T-tulungan mo 'ko!" Pakiusap ni Cassey nang pumasok ang doktor na nakauniporme.

Dali-dali naman siyang dinaluhan nito at inasikaso. Ang karayom ng IV fluid na nakabaon sa kamay niya ay tinanggal ng doktor at mabilis siyang kinarga nito at binuhat.

Hinang-hina na si Cassey nang makalabas sila ng kwarto. Agad na naman siyang  inilapag at pinaupo ng doktor sa wheelchair na nakahanda sa may bungad ng pintuan.

Mula sa bulsa ng doktor ay hinugot nito ang sisidlang bote ng gamot at hiringgilya. Sinidlan ng doktor ang hiringgilya ng katamtamang laman ng kemikal saka ito ay diretsahang itinurok sa leeg ni Cassey na hilong-hilo at sumusuka na.

Ilang saglit pa ay gumana ang gamot. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Cassey at humupa ang naglalagablab na init animo'y pinalamig na ito. Ang namimilipit niyang laman naman ay lumuwag at nakakahinga na siya ng maayos.

"S-salamat." Wika niya sa doktor at pinilipit ngumiti.

"Walang anuman." Tipid na sagot ng doktor.

"S-saan po tayo pupunta?" Tanong ni Cassey nang itulak ng doktor ang wheelchair.

"Ihahatid na kita. Kailangan mo pang masuri."

Hindi na kumibo pa si Cassey at nanatili na lang sa kinauupuan. Mas pinili nitong mamahinga lalo pa't kakaayos lang ng pakiramdam niya.

Ngunit labis ang pagtataka ng dalaga nang mapansin niyang pumapatay-sindi ang ilaw. Ang pamilyar na amoy ng nabubulok na laman ay biglaang nasinghot niyang muli at nakakarinig na siya ng nakakakilabot na tawa, iyak, at bulong mula kung saan.

No'ng una, akala niya ay guni-guni lamang ito at epekto mg itinurok. Pero nang makita niya ang nabubulok na kamay ng doktor na tumutulak sa wheelchair ay labis siyang nagimbal sa takot.

X E N O N ' S   N O T E

Hiringgilya (n.) — syringe

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon