Day 27.4

5.7K 190 33
                                    

3:30 am

Sumisigaw at umiiyak na humihingi ng tulong si Cassey habang ito ay tumatakbo papalayo sa babae.

Panay ang paglingon niya upang sipatin kung naroon pa ba ito. Pero, hindi gaya sa doktor kanina ay naroon pa rin ang babaeng duguan at nakabuntot sa kaniya habang dala-dala ang palakol.

Pero, isang maling galaw lang ay nadulas bigla si Cassey dahil sa aksidente nitong naapakan ang dila na naiwan sa pasilyo. Nawalan siya ng balanse at siya'y agarang bumagsak, napakamalas pa at ang mukha niya ay nahampas sa maduming sahig kaya malakas itong napadaing sa natamong sakit.

Nahihilo ang dalaga nang sinubukan niyang bumangon upang magpatuloy, ngunit naabutan siya ng babaeng duguan.

Bago pa man nakakilos si Cassey ay naunahan na siya ng babae. Hindi niya napaghandaan ang walang pag-aalinlangan pagtaga sa kaniya ng palakol.

Bumagsak ang palakol sa kanang hita ni Cassey. Nabiyak ang laman nito at pumulandit ang masaganang dugo, dahil dito ay napasigaw ang dalaga at napaiyak sa natamong sugat.

Labis siyang nanlumo nang hindi na niya nagagawa pang igalaw ang hita na siguro'y dahil sa napuruhan ang buto nito sa loob.

"Ta-tama n-na..."

Samantalang ang babaeng tumaga kay Cassey ay ibinaba muna ang hawak na palakol at walang kahirap-hirap na sinakal ang dalaga. Dalawang kamay nito ang nakapulupot sa leeg ng kawawang Cassey at ilang saglit pa ay kaniya itong binuhat at itinapon.

Nabatbat si Cassey sa pader at muling bumagsak sa sahig. Umiiyak itong napahiyaw dahil sa parang nabali ang kaniyang braso at ang malaking sugat naman niya sa hita ay napuruhan nang mabatbat siya sa pader.

At ang dugo niyang malapot ay nagkalat na sa sahig 'pagkat walang sawa kung bumulwak ng dugong masagana iyong sugat niya.

Sa kabila ng natamong sugat at gumapang pa rin si Cassey at kumuha ng suporta sa pader upang makatayo. Ilang minuto itong natiis at ininda ang sakit sa katawan para lang makatayo.

At matagumpay nga niyang nagawa ito gamit ang kaliwang paa.

Pero nang lumingon siya ay naroon pa rin ang babae. Malaki ang ngiti nito habang hawak-hawak ang palakol at nagsimula na namang humakbang papalapit sa kaniya.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon