Day 24.2

6.8K 244 24
                                    

3:36 am

Hinanap ni Cassey ang pinagmumulang tunog ng kung anong pumapatak. Hindi alintana ang nakakasulasok na amoy sa kaniyang pursige sa pagtutunton nito. Parang hinihila talaga ang kaniyang atensyon.

At nakita nga niya ito.

Ang pumapatak ay nagmumula sa sofa—sa gilid ng sofa. Masusi niyang tinignan ito upang kumpirmahin kung tama ba ang kaniyang unang akala.

At laking gulat niya nang malamang dugo nga ito.

Dugo....

Sinundan niya ng tingin ito at mas lalong kinabahan si Cassey dahil sa ito'y nagmumula sa ina niyang nakadapa sa sofa na natutulog.

"M-ma.."

"Ma' gising!"

At bigla itong gumulong.

Ginimbal siya nito nang bigla na lang na gumulong ang ina niya mula sa sofa at walang kabuhay-buhay na bumulagta ito sa sahig. Dilat na dilat ang mga mata niyang purong puti.

Do'n na napasigaw si Cassey at lubos na natakot sa hitsura ng ina niyang nakakaawa. May gilit na ang leeg nito na kung saan bumubulwak ang masaganang dugo—ang pinagmulan ng dugo!

Nanginginig sa takot si Cassey habang buong-lakas na sinisigaw ang pangalan ng ina niya at tumatawag na rin ng tulong mula sa kung sino mang makakarinig mula sa labas.

"Tulong! Tulungan n'yo ang Mama ko!"

Ngunit wala talaga. Mistulang nabingi ang mundo na ni isang tawag niya ay hindi napakinggan.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon