Day 24.1

7K 262 49
                                    

3:34 am

Nanatili ang mata ni Cassey sa pintuan at pilit inaalisa kung sino ang nasa likod no'n. Wala siyang kaide-ideya 'pagkat pati sa anino nito ay hindi niya maturo kung sino.

Pero kalahati ng isipan niya'y nag-iisip na ito ay isang nurse o doctor na bumibisita sa mga kwarto ng pasyente.

Ngunit bakit sa madaling araw pa?

Nasundan muli ang katok at kumpara kanina ay mas malakas ito dahik sa parang isang buong palad na ang inihahampas. Malakas na nga, ngunit hindi nito nagawang gisingin ang ina niyang tahimik na natutulog habang makadapa sa sofa.

"Ma, gising! Pakibukas no'ng pintuan. Bakit mo kasi ni-lock 'yan." Naiirita niyang bigkas.

Ngunit hindi ito nagising at nanatiling tahimik na natutulog.

Gustuhin man niyang bumangon at sarilihin ang pagbukas ng pintuan ay hindi niya pa rin magagawa. Hirap pa siya lalo pa't hindi pa tuluyang magaling ang binti niya.

Hanggang sa ang isang katok ay naging hampas na, animo'y buong braso at kamao na ang ginamit nito na nagdulot ng kaba sa babae—hampas na halos ikawasak ng pintuan. Sa sobrang lakas ng hampas ay umuuga na ito at may kung anong naririnig siyang mumunting tunog ng kahoy na nabiyak.

Ang pintuan ay winawasak.

At laking pagtataka niya na hindi man lang nagigising ang ina niya.

"Ma?!" tawag niya, "Ma! Gising!"

Tumigil ang paghahampas, ngunit ang buong kwarto ay biglang binalot ng malansang amoy na para bang may nabubulok na bangkay. May naririnig din siyang tunog ng mga langaw sa paligid.

Labis ang pagkatataka ni Cassey 'pagkat kanina ay wala ito. Napatakip kaagad ito ng bibig at ilong gamit ang unan niya dahil sa nakakabaligtad-sikmura talaga ang amoy na nakapaligid sa kaniya.

Hanggang sa mapansin niyang may kung anong pumapatak sa sahig.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon