Day 25.2

6K 241 108
                                    

11:29 pm


Mag-isa lamang si Cassey sa kwarto niya dahil sa umuwi muna ang ina niya para kumuha ng mga kagamitan nila. Wala rin naman kasi ang ama niya pwedeng pag-utusan dahil sa may lakad itong importante.

Kahit mag-isa lamang siya ay hindi pa rin siya tinatamaan ng antok. Ang isipan niya ay punong-puno ng mga tanong palaisipan sa buhay niya.

Mga tanong na kinakailangan ng kumpirmasyon. Tanong na hindi niya alam kung masasagot pa o hindi na.

Thomas....

Ngunit ang malalim na pag-iisip at ang mapayapa niyang gabi ay natigil at nagambala nang binulabog ng tatlong katok ang pintuan.

"S-Sino 'yan?" Kinakabahan niyang wika.

Walang sumagot.

Balak na sana niyang magtanong ulit at lalakasan na ito upang marinig ng nasa labas nang bigla itong bumukas.

At hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa pintuan.

"T-Thomas?!"

Napabangon si Cassey mula sa kinahihigaan nang masilayan nito ang mukha ng kaniyang nobyong yumao. Putlang-putla ang mukha nito, ngunit naroon pa rin ang kagwapuhan sa kaniya. Puno ng pagsusumamo ang mukha ni Cassey na sana'y mayakap ang lalake sa pagkakataong iyon.

Nakapako lang ang kaniyang tingin sa maamong mukha ni Thomas. Ayaw niyang umiwas ng tingin o kumurap dahil sa ayaw niyang mawala ito sa kaniyang paningin.

Sinalubong niya ito ng yakap at gano'n na rin si Thomas na sabik na sabik din kay Cassey. Kapwa sila magkayakap ng mahigpit habang si Cassey ay umiiyak—umiiyak 'pagkat nami-miss na talaga niya ang yakap ng nobyo, ang presensya, ang amoy, at ang mga mumunting halik nito.

"T-Thomas. H'wag mo 'kong iwan. Please?"

"H-hindi pwede Cassey."

"P-pwede 'yon! Pilitin natin!" Humihikbing pagpupumilit ni Cassey.

"T-tahan na," hinaplos ni Thomas ang mahabang buhok nito, "Masyadong marami na ang ginawa mo para sa 'tin. Pinapahirapan mo lang ang iyong sarili. Tama na Cassey."

"P-pero, ayokong mawala k—"

Naputol si Cassey nang bigla siyang salubungin ng isang mapusok na halik; halik na matagal na niyang inaasam na mararamdaman—ang halik ni Thomas.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon