Day 25

6.2K 228 29
                                    

5:32 am

Nagising si Cassey sa puting silid. Nanlalabo pa ang kaniyang paningin nang igala niya ang paningin sa paligid upang suriin ito.

Ngunit kalaunan ay napagtanto niyang naroon pa rin siya sa loob ng kwarto niya sa ospital.

"A-anak..."

Laking-gulat ni Cassey nang makita niya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang ina sa kaniya tabi. Kaya mabilis siyang napaiwas at muntik pang mahulog sa higaan dahil biglang sumakit ang kaniyang sikmura at pati na rin ang kaniyang kaliwang binti na may benda pa rin, buti na nga lang at mabilis kumilos ang kaniyang ina at nagawa siyang abutin bago pa mahulog.

Ang masilayan ang sariling ina ay kaakibat ng pagbabalik-tanaw ng mga nakakakilabot at nakakadiring kaganapan no'ng nakaraang madaling araw. Ang karanasang hindi niya lubos magawang kalimutan.

Nagtataka naman ang ina ni Cassey sa kung bakit gano'n ang reaksyon ni Cassey nang makita siya. May kung anong kumirot sa dibdib niya hindi niya alam kung bakit, basta't nasasaktan talaga siya sa nakikita niyang sitwasyon ng sariling anak.

"Cassey? Bakit? Anong problema anak? May masakit pa ba?" Nag-aalalang wika ng ina habang inaalalayan itong umayos.

"O-okay lang po ako." Pabulong na sagot naman ni Cassey at umayos pabalik sa pagkakahiga.

Nakita niya kung paano nasaktan ang kaniyang ina dahil sa reaksyon niya. Kaya umayos siya at malalim na pinagnilayan ang nangyari sa kaniyang bangungot.

Totoo ba 'yon?

Napahawak si Cassey sa kaniyang lalamunan at hinaplos ito. Inaalala ang nakakagimbal na pagpasok ng inaagnas na laman sa lalamunan niya.

Napahawak din siya sa kaniyang sikmura at nakaramdam kaagad siya ng panhahapdi roon. May kung anong magaspang siyang nararamdaman sa loob na siguro'y isang benda. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniyang tiyan.

Anong aksidente na naman ang nangyari na hindi niya alam?

"Na-natagpuan ka nilang duguan dito k-kahapon. A-ayon sa doktor ay sinaksak mo r-raw ang sarili mo Cassey. B-bakit mo naman ginawa 'yon anak? Umuwi lang ako saglit, pero bakit ga-gano'n ang nangyari?"

Muling nagbalik ang alaala niya sa kung paano siya inatake ng sariling ina; paano siya hinablot nito at inihagis kung saan.

"A-ano—" napadaing si Cassey dahil sa kumikirot ang tiyan niya sa tuwing lumalakas ang pagsasalita nito, "h-hindi k-ko po 'yon alam."

Puno ng pagtataka sa kung bakit nangyayari iyon kay Cassey. No'ng una ay tumalon siya sa bintana na wala siyang kaalam-alam, ngayon naman ay sinaksak niya ang sarili.

Lahat ay purong palaisipan sa kaniya. Lahat ng iyon ay hindi niya magawa sa sarili.

Posible kaya na iyon na nga?

"Anak, kung may problema ka...
Sabihin mo lang sa 'kin, okay? Nandito lang ako." Sabi ng ina niya at hinaplos nito ang buhok ni Cassey.

Tango lang naman ang sagot ng dalaga at mahigpit na hinawakan ang kamay ng ina. Tahimik na nagpapasalamat na buhay ito at hindi totoo ang kaniyang nakita na may gilit ang leeg nito.

Bahala na kung siya itong may sugat, basta't wala lang mangyayaring masama sa kaniyang ina.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon