3:42 am
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Cassey nang masilayan niya ang mukha ni Thomas.
Masuyo niyang hinalikan ang screen at hinaplos ang mukha ng lalake. Kahit hindi niya dama ang malambot na balat nito ay ramdam niya pa rin ang pag-ibig ni Thomas sa kaniya.
"I love you..." Sabi ng dalaga habang umiiyak.
"Cassey."
Mas lalong naluha si Cassey nang marinig ulit ang boses ni Thomas.
"Cassey."
"Cassey."
"Cassey."
"Cassey."
"Mamamatay ka na!"
Isang kakaibang boses ang kumawala sa bibig ni Thomas, animo'y tatlong boses ng tao ang pinaghalo na hinugot pa mula sa kinakailaliman ng lupa.
Bahagyang napasinghap ang dalaga at napaatras dahil sa nasaksihan. Hawak-hawak at kaharap pa rin ito ang cellphone habang ang tuhod at kamay ay hindi na niya kontrolado.
Labis na nanginginig na ito.
Sa paghaharap nila ay bigla na lang nahulog ang magkapares na mata ni Thomas at ito'y gumulong kung saan. Ang butas na naiwan ng mga mata niya ay may sumilip at napalitan ng pares na dilaw ang kulay. Ang buhok nito'y biglang humaba at nagulo. Ang mukha'y biglang lumapad kasabay ng pagkulubot ng balat nito.
"Diyos ko po!" Bulalas ni Cassey.
Napaubo ang kaharap ni Cassey at dugo'y kaniyang isinuka. Kasama na roon ang mg ngipin nito na nabubulok at ang mga maliliit na bulateng nagmula sa sikmura niya.
Nakayuko pa ito habang sinusuka ang lahat at tanging napapanood ni Cassey ay ang umaangat na balikat nito.
Hanggang sa bigla na itong umangat at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
Thomas, [Book One]
Horror"Mahal kita at kailanman hindi kita ipagpapalit." Date Started: March 21, 2018 Date Finished: June 22, 2018