Day 22.5

8.4K 346 98
                                    


3:41 am

Mas lalong nanlamig si Cassey nang mag-request si Thomas ng video call. Imposibleng-imposible pero hawak-hawak na niya ang ebidensya na nagagawa nga ito ng kaniyang yumaong minamahal. Ang puso niya'y kumakabog ng triple kumpara sa normal na ritmo nito, ang kamay naman  niya'y nanginginig at nanlalamig, at ang mukha niya'y pawisan.

Isang pindot lang ay makakausap na niya si Thomas ng kaharap. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ito ganap at may malawak espasyo sa gitna nila.

Ngunit may palalagpasin pa ba siya?

Kung kaya't agad niyang tinanggap at sinagot ang video call request ni Thomas.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon