Suvi's
While I was busy taking notes and concentrating in class, a crumpled paper suddenly landed on top of my desk.
Palihim kong binalingan si Kath sa likuran ko at kuryusong tiningnan. I'm pretty sure siya ang may pakana sa paghagis ng papel na 'to. Siya lang naman ang may guts na magbiro during lecture hours.
She just showed me her playful grin at saka itinuro 'yung papel gamit ang kanyang nguso. Pabibo rin 'tong babaeng 'to no? Kita niya naman sigurong seryosong edukasyon ako today. Pero alam ng lahat na hindi ko matitiis ang babaeng ito kaya tumango nalang ako para matahimik iyong kaluluwa niya.
May bagong pokemon tayong huhuntingin mamaya bes (;
Napailing nalang ako at saka nilukot ulit iyong papael sabay hagis pabalik kay Kath 'nung hindi nakatingin iyong subject teacher namin sa amin.
Narinig ko siyang humalakhak pero hindi ko nalang pinansin. Akala ko kung ano nang mensahe niya 'don. 'Yun naman pala, lalake ulit. Tungkol na naman sa mga natitipuan niya. Kaya nagiging updated na rin ako sa mga pinagkakaguluhan ng mga students dito sa school dahil sa kanya. She got tons of list of those beautiful creatures at memorise niya pa lahat.
When the bell rang, isa isa na kaming nagsi-alisan sa classroom para kumain ng lunch sa cafeteria. Kath was with me and she then began to ramble about those cute guys na nakakasalubong niya kung saan saan.
But there was this one person she mentioned that really caught my attention.
"Narinig ko sa usapan ng principal at head ng university kanina, bes, dito daw mag-aaral 'yung apo ng head." She said dramatically like it's the most interesting story ever told.
For the very first time in forever, napaisip ako sa chismis ni Kath. Nakikinig naman ako sa mga kwento niya everyday pero never ko itong isinasaisip ng matindi o mabother man lang sa mga ito. Ngayon lang.
"At bakit ka naman napadpad doon?" Sabay taas ko ng kilay sa kanya.
Ang layo kaya ng building namin sa opisina ng president ng university namin. Ano 'yon? Bigla nalang ba siyang naligaw sa sariling paaralan?
Sinimangutan niya naman ako. "Duh. I'm not that creepy to eavesdrop sa office naman! Inutusan kasi ako ni tita doon thats why." Saka niya ako inirapan.
Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Defensive masyado eh. Kath's aunt works here too which explains why knows so many things. Other than that marami pa siyang reliable sources dito and not just her aunt.
"Balita ko, bes, gwapo daw 'yun eh. Baka oras na rin 'to para magkacrush ka. Oh 'di kaya jowain mo na rin 'pag nagkataon?" She suddenly said out of the blue.
Agad nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi niya. Is she out of her mind? Magkatabi lang naman kaming dalawa, kailangan pa bang lakihan 'yung boses?
I covered her mouth at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Balak mo ba akong i-blackmail ha? Choke slam kita dyan eh." Sabay bitaw ko sa bibig niyang walang preno. Ang gaga tinawanan lang ako. Inirapan ko nalang at dumiretso na kung saan siniserve iyong lunch namin.
Nang nakakita na kami ng bakanteng table, pinaiwanan ko muna kay Kath kasi nakalimutan kong manghingi ng soup at bumili ng soft drinks. 'Nung nakita ko kasi 'yung siniserve nilang pagkain ngayon puro dry so I needed something liquid.
Ngumiti ako sa in-charge ng cafeteria sabay tanggap 'nung soup na hiningi ko.
"Thank you p– ay hala!"
Iyong canteen in-charge na nagbigay sakin 'nung soup saka pati na rin ako ay napasinghap sa 'di inaasahang pangyayari.
Nakakalat sa sahig iyong soup na hiningi ko buti nalang stainless iyong nilagyan kaya walang nabasag. Nakahinga naman ako ng maluwag 'don.
As usual, people around us started to stare and murmur nonsense things. Pero sa halip na asikasuhin ko iyong nagawa kong gulo, ibang bagay ang umagaw ng atensyon ko.
'Isn't that President Jung's grandson?'
Agad napaigting iyong tenga ko sa narinig. Gulantang akong napabaling sa lalakeng kaharap ko, na siya ring dahilan kung bakit natapon sa sahig iyong sabaw ko.
My eyes widened when our eyes met. Wider and bigger than I normally make my eyes whenever Katherine spits stupid things out loud in public. Habang iyong lalakeng nasa harapan ko naman ay halata sa mukha na nagulat din sa nangyari ngunit nanatili lamang kalmado sa kinatatayuan niya.
My eyes traveled down to his identification card to make things sure.
Jeong Jaehyun.
Halos bawian ako ng hininga nang mapagtanto kung sino siya at kung gaano ka-makapangyarihan ang pangalan niya rito sa campus.
Their family is known to everyone. They own lots of properties, from schools to hospitals. Kahit hindi celebrities, nagiging kabilang na rin sa industriya dahil sa kayamanan at impact ng pamilya nila sa bansa. Reporters and different media teams flock to them para lang makakuha ng kahit anong impormasyon.
Bigla akong nagising sa diwa nang bigla siyang nagsalita. I stood up straight and focused on him.
"I'm very sorry for my clumsiness, miss. Ikukuha nalang kita ng bago." Paumanhin niya pero natameme lang ako. Binalingan niya iyong hiningan ko ng soup na bigla namang nagpanic at agad itong binati in her most polite tone.
He just smiled and then proceeded to what really his purpose was. "Give her another bowl of soup, please. And one fresh milk for me too. Thanks."
Awtomatikong tumango iyong lady in-charge sa utos 'nung apo ng may-ari ng unibersidad sa kanya. She moved fast para kumuha ng bagong sabaw and ordered somebody else para linisin iyong kalat dito.
Habang naghihintay ako, I suddenly remember Kath kanina 'nung naglalakad kami patungo rito. Palihim ko namang pinasadahan ng tingin iyong lalakeng nakatabig nung sabaw na hawak ko kanina.
So ito nga talaga 'yung sinasabi ni Kath na apo ng presidente sa unibersidad na 'to?
Umiwas ako ng tingin at napamura sa kaloob looban ko.
Tangina, ang gwapo nga.
BINABASA MO ANG
Vivi | nct
FanfictionA girl who has been liking this guy from afar, anonymously sending nerdy jokes and puns, and who has no intention of expecting anything in return. Pero palaging tandaan, walang usok na natatago mula sa kamay. NCT Jaehyun Epistolary Completed and Ed...