093: Narration

1.2K 48 31
                                    

Suvi's

"Hoy, Suvi, okay ka lang?"

I went back to my senses pagkatapos akong kalabitin ni Kath sa tigiliran ko. Nilingon ko siya saka tinanguan lang.

"Ah oo, okay lang ako. Ano pa bang kulang? Ako na gagawa." Agap ko referring to our project na malapit na naming matapos.

Imbes na sagutin niya ako, tiningnan niya lang ako ng makabuluhan saka kinunutan ng noo. Hinipo niya iyong leeg at noo ko, nagbabasakali kung may sakit ba ako pero wala naman. May iniisip lang talaga ako.

"Wala ka naman sigurong sakit, diba? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon? May problema ka ba, Suvi?" Nag-aalalang tanong pa ni Kath.

Bumuntong hininga ako ng malalim. Hindi naman pwedeng itago ko lang 'to sa sarili ko no. I'd probably die because of this. Joke lang. Over naman 'yung mamatay. I'd probably lose my mind kung wala talaga akong pagsasabihan nito.

Nilingon ko muna iyong mga kagrupo namin ni Kath. They were busy talking as well. We're taking a little break kasi kaninang umaga pa lang kami abala sa paggawa nitong project. Lumipad iyong mga mata ko sa kinaroroonan ni Jeno. Hindi pwedeng dito ko sabihin kay Kath ang tungkol sa bumabagabag sa isipan ko. Baka marinig ni Jeno, magkaibigan pa naman sila ni Jaehyun.

I looked at Kath again and smiled. "I'll tell you later. Baka may makarinig sa atin."

I checked the time and our break is almost over. Ten minutes break lang 'yung napag-usapan namin kaya nung sinabi ni Hannah, isa rin sa kagrupo ko, na tapos na iyong pagpapahinga we immediately went back to work.

Eric and I were busy painting the base of the cell, sila Hannah and Kath ay busy sa pagmold 'nung clay para sa parts nito. Habang si Jeno naman ay busy sa wires para sa lights na ilalagay rin namin sa labas ng cell para hindi naman ito magmukhang boring.

Everyone are doing their respective jobs kaya wala talaga kaming problema sa cooperation ng members. Cooperation palang 100% na. Ang galing talaga pumili ni Hannah ng members. Buti nga at hindi si Haechan ang pinili niya imbes na si Jeno eh, baka puro daldal lang ambag 'non dito.

Habang nagfofocus ako sa pagp-paint, may biglang nagdoorbell sa labas kaya naman muntik ko nang masira iyong base ng cell dahil sa gulat. Natabig ko iyong lalagyan ng paint kaya nagkalat ito sa buong kanang kamay ko.

At dahil hindi pa bumalik ang kaisa-isa naming katulong dito sa bahay, bubuksan ko na sana iyong pintuan ngunit eksakto namang bumaba si mommy galing sa itaas kaya siya nalang iyong nagbukas nito.

Eric went up to me na may dalang tissue. I was about to say thank you dahil nag-offer siya ng roll of tissue ngunit laking gulat ko nung siya na mismo ang nagpunas sa pinturang nasa kamay ko. My jaw dropped at his sudden action.

Not long after bumalik na si mommy na may kausap na pero hindi ko iyon pinansin dahil napako iyong atensyon ko kay Eric. Pati sina Kath, Jeno at Hannah ay nagulat din sa ginawa ni Eric.

"Naku, hijo, nag-abala ka pa talagang pumunta rito at ihatid ito." Rinig kong salita ni mommy.

I snapped out of my thoughts and glanced at my mother.

"Jaehyun hyung?" Gulat na bulalas ni Jeno.

Nang marinig ko iyong pangalan niya, my eyes automatically went wide at mabilis na naglakbay sa lalakeng nakasunod kay mommy. He's wearing a suit at parang kagagaling lang sa isang pormal na okasyon.

"Uy, Jeno," tawag niya sa nakababatang kaibigan saka ako binalingan. Kitang kita ko ang paglipad ng kanyang mga mata sa kamay ko na hawak ni Eric kaya agad ko iyong binawi saka tumayo para harapin siya.

A ghost of smile appeared on his lips. Or baka naman nag-iilusyon lang ako?

"Hi, Suvi." Nakapanghimulsa niyang bati sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko. My heart started beating so fast and the butterflies inside my stomach went wild. Para akong hinahabol ng isang gutom na leon sa bilis ng pagtibok nito.

What the hell is he doing here?

"Anong ginagawa mo rito, hyung? Magkakilala rin pala kayo ni Suvi?" Kuryusong tanong ni Jeno sa kanya.

Ramdam na ramdam ko si Kath mula sa likod ko, she's probably throwing daggers at me right now. Wala siyang alam na pumunta si Jaehyun dito sa bahay kahapon at lalong lalo na't wala siyang alam na lumalabas kam ni Jaehyun na kaming dalawa lang ang magkasama.

"May pinapabigay lang si dad kay Tita Savannah, Jeno. How about you? Hindi ka pa ba uuwi? I can drop you off your house." Sagot naman niya sa kaibigan.

Umiling naman si Jeno saka ngumiti. "Huwag na hyung. Susunduin naman ako ng driver namin mamaya."

Tumango lamang si Jaehyun. I flinched when he glanced at me again. Ngumiti lang siya saka binalingan ulit iyong mommy ko.

"Kumain ka na ba, hijo? Tamang tama darating na rin iyong pina-deliver kong mga pagkain. Dito ka na magdinner!" Alok ni mommy sa kanya saka ito iginiya sa living room kung saan kami gumagawa ng project.

Ang mokong hindi man lang umangal sa alok ni mommy. Sinunod niya lang ito at wala nang iba pang sinabi.

"Upo ka muna dyan at ihahanda ko lang iyong mesa para sa inyo." Tugon ni mommy bago umalis papuntang dining area.

"G-guys, back to w-work." Nauutal na anunsyo ni Hannah sa amin. Sino bang hindi mauutal? The grandson of the university's president is here with us habang gumagawa kami ng project.

Agad naman kaming bumalik sa paggawa ng kanya-kanya naming trabaho na para bang walang nanonood sa amin na ibang tao. I cleared my throat and went back to my place saka kinuha iyong natitira pang tissue. Naramdaman kong tumabi si Eric sa akin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Feeling ko kasi may mga matang nakasunod sa lahat ng kilos ko.

"Ako na," rinig kong sabi ni Eric habang pinupunasan ko iyong kamay ko na puno pa ng paint.

Umiling ako saka nginitian siya. "Don't bother anymore, Eric. I can handle this. Continue your work nalang."

"Pero-"

Bago pa madugtungan ni Eric iyong sasabihin niya, hindi na iyon natuloy dahil sa isang pack ng wipes na biglang naglanding sa harap ko.

"Dry tissues won't help, kid. You should've handed her wet tissues." Biglang komento ni Jaehyun sa 'di kalayuan. Napanganga ako sa gulat dahil sa biglaang paghagis niya 'non.

Eksakto namang tumunog iyong doorbell, probably the food delivery na tinutukoy ni mommy kanina. Mabilis siya tumayo saka tinuro iyong pintuan habang nakatingin sa akin.

"Continue your project. Ako na kukuha sa labas." Bilin niya saka lumabas na ng bahay leaving everyone with shock plastered on our faces.

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon