059: Narration

1.1K 44 16
                                    

Suvi's

"What? Why?" Tanong ni Kath mula sa kabilang linya.

"Basta! Huwag ka nang magtanong dyan. Promise ililibre kita ng kung ano at saan mo gustong kumain." Agap ko at medyo naguguilty na dahil may date siyang naghihintay sa kanya.

She went silent for a while. Mukhang nag-iisip pa tungkol sa favor ko.

Simple lang naman iyong pinapagawa ko sa kanya. She doesn't need to exert such effort. She just needs to be careful and cautious around hee surroundings. Dito sa school din naman nagtatrabaho 'yung tita niya kaya madali lang ito para sa kanya.

Then I heard her sighing on the other line. "Fine. Basta ililibre mo ako, ha?"

A smile crept on my lips and nodded excitedly. "Sure, no problem."

"Okay, sige na. Ibababa ko na 'to. Muntik ko nang makalimutan may date pa pala akong naghihintay sa loob!" Aniya saka nagpaalam na.

Napailing nalang ako. 'Yung babaeng 'yun talaga. Noon sabi niya future asawa raw siya ng pinsan ko pero pagkatapos lumipas ang ilaw araw nalaman ko nalang na crush niya pala 'yung supladong kaibigan ni Jungwoo. Tapos ngayon may ibang ka-date na naman siya. Oh well, Kath will always be Kath.

I decided to go to the cafeteria para bumili ng tubig. Bigla akong inuhaw dahil sa pagpaplano ko kung paano ko mase-set up na walang palya si Jaehyun at 'yung ex niya. I know I don't have the right to do this but I just really want them to settle their problem para matapos na 'tong connection ni Vivi kay Jaehyun. 'Yung connection ko kay Jaehyun.

Sa totoo lang, this is getting uncomfortable for me. Nararamdaman kong hindi na 'to tama at healthy para sa akin kaya tatapusin ko na. I don't want anything else from him but friendship at hanggang doon lang dapat iyon. Doon lang dapat.

Nang makapasok ako sa loob ng cafeteria, didiretso na sana ako sa bilihan ng tubig pero napahinto ako dahil lahat ng mga kaibigan ni Jaehyun kasama siya ay doon nakatambay malapit sa bibilhan ko ng tubig. Kung siniswerte nga naman ako ngayon oh.

Hindi naman pwede na hindi nalang ako bibili. Ayokong ma-dehydrate at saka nandito na ako sa loob so there's no turning back anymore. Tubig lang naman ang pakay ko eh kaya bakit ako matatakot?

I walked past them na parang wala lang sa akin but deep within me, I know this is far from just feeling nothing. Akala ko makakalampas ako sa kanila nang matiwasay at payapa, akala ko lang pala ulit 'yon.

"Uy, Suvi!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig 'yung pangalan ko. I cursed my cousin's name in many languages under my breath. Walang hiyang baklang butiki talaga.

Huminto ako sa paglalakad at saka pilit siyang hinarap na nakangiti.

"H-Hi." I nervously greeted him back.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jungwoo causing his friends to turn their eyes at me too.

I would be lying kung sasabihin kong hindi ko naa-appreciate ang pagmumukha nilang lahat. They're all attractive no wonder why girls flock to them. My eyes then wandered at Jaehyun's. He was looking at me too kaya napakurap-kurap ako at nag-iwas kaagad ng tingin. Binalingan ko ulit ang pinsan ko saka tinuro 'yung bilihan ng snacks at drinks.

"Bibili lang ako ng tubig." Sagot ko.

Tumango lang 'yung tiki at tinantanan na ako. "Ah okay. Bili ka na."

Para naman akong nabunutan ng tinik when they continued minding their own business after that.

Bumili ng kaagad ako ng tubig and while waiting for my change naramdaman kong may tumabi sa akin. Akala ko bibili lang din kaya hinayaan ko lang. But not until nagsalita ito.

"How are you?" I heard him asked beside me.

I froze when I realized who it was. Jaehyun was smiling down at me showing his deep dimples on both sides of his cheeks. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayong nakaharap ko na ulit siya bilang Suvi, sa totoong pagkatao ko.

I cleared my throat and nodded. "Ah, okay naman ako."

"That's good." He casually said.

Eksakto namang binigay na 'nung in-charge sa canteen 'yung sukli ko. Natuwa ako dahil makakaalis na ako. Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

"Alis na ako. Salamat ulit." After saying that, nagmadali na akong lumabas ng cafeteria.

Kailan ba ako hindi mauutal at kakabahan sa harapan niya? See how I acted back there? Iyon ang kinailangan kong iwasan bago ko pa pagsisihan ang lahat.

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon