004: Narration

1.4K 51 10
                                    

Suvi's

Tinakpan ko iyong magkabilang tenga ko dahil ang ingay ingay ni Kath sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binilisan pa ang paglalakad sa hallway. Ang kulit kasi nito.

"Huy! Talo ka kagabi eh! Pili ka na sa consequence!" Giit pa niya at pilit na sinasabayan iyong paglalakad ko.

Nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

"Huy babaita! Truth or dare lang naman!"

Umiling ako habang tinatakpan pa rin iyong tenga ko. Akala niya maiisahan niya ako sa mga trip niya sa buhay? No way.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang bruhang abot langit 'yung ngiti.

"Ayoko. Ayoko. Ayoko." Tugon ko ngunit imbes na lubayan niya ako ay mas lumapad pa ang kanyang ngisi.

"Pero nakipaglaro ka pa rin laban sakin kagabi. Remember, may usapan tayo bago tayo nagsimula na may consequences sa talunan pagkatapos ng game. And unfortunately, ikaw 'yung natalo." Aniya saka sinundan ng malakas na tawa.

Malalim akong bumuntong hininga at inirapan nalang siya. Bakit ba kasi ako ipinanganak na bano sa video games ng nanay ko? Ako tuloy kawawa pagdating kay Kath.

"Then what's the dare if ever iyon ang pipiliin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumisi ang bruha at nagkunwaring may iniisip. I impatiently stomped my foot on the ground while waiting for her to decide.

"Ano na, Katherine?"

Tiningnan niya ako at hilaw na ngumiti. Napakamot siya sa kanyang ulo at marahang tinapik ako sa balikat.

"Hehe. Mamaya na 'yung dare, Suvi. Wala pa akong maisip eh."

K glared at her. Pasuspense pa 'to eh wala pa naman palang naisip na dare.

"Pili ka nalang muna sa dalawa habang pag-iisipan ko rin kung anong ibibigay kong dare sa iyo kung dare man ang pipiliin mo." Dagdag pa niya.

Para sa ikatatahimik niya...

"Dare." Matapang kong sagot sa kanya.

Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya, halatang nagulat ngunit agad din namang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Ngumisi siya at sinusundot-sundot iyong tagiliran ko.

"Uy! Hindi na siya kill joy!" Asar niya.

"Stop it, ibabalibag talaga kita dyan." Inis kong banta sa kanya sabay tabig ng kamay niya.

"Ang brave naman ng binibining ito! May pa-dare nang nalalaman." Saka humagalpak ulit siya ng tawa.

Ano bang gusto niyang piliin ko? Truth? Aba, baka gamitin niya lang 'yong pang blackmail laban sakin eh. Napailing nalang ako kay Kath at akmang iiwan na sana siya nang biglang nagring 'yung bell.

Nagkatinginan kami at sabay na nanlaki ang mga mata. Late na kami sa next subject!

I was about to run fast nang makabangga ako ng poste- este taong poste. Ay tao nga pala talaga. Hindi poste. Walang posteng naglalakad, Suvi.

"Aray naman." Daing ko.

"Hala bes!" Rinig kong sigaw ni Kath sa likod ko.

Namilipit ako sa sakit ng pwet ko. Ang lakas pala ng pagkabangga ko. Imagine, napaupo ako sa lapag. Nakakahiya!

Tatayo na sana ako pero napatigil ako nang may isang kamay na nakalahad sa harap ko. Sinundan ko kung kaninong kamay gamay galing. I almost cursed under my breath nang mapagtanto ko uli kung sino iyon.

I blinked for a couple of times. Hindi ako nananaginip ng gising diba? Totoo 'to diba? Siya talaga 'to diba?

"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jaehyun.

Muntikan ulit akong napamura. It's him again!

This is seriously the first time na may nakalapit na lalake sa akin na ganito kalapit. I mean base sa distance namin, kitang kita ko kung gaano kaperpekto iyong mukha niya pati balat niya na walang ka-pores pores at sobrang puti na parang pinaglihi sa lahat ng mapuputing bagay sa mundo. Daig pa nga niya 'yung balat ng pinakamaarte kong kaklase na halos every week nagpapa-facial.

"Miss, are you okay?" Ulit niya.

Para naman akong nagising sa aking diwa nang kusa niyang kinuha iyong kamay ko at tinulungan akong tumayo.

Napalunok ako nang magkaharap kami. Para akong napako sa kinatatayuan ako. Para akong pinutulan ng dila dahil sa katahimikan ko. I badly wanted to curse him for making me feel this way. Kakaiba 'yung epekto niya sakin. He is literally the very first guy who made me this nervous. Ano na bang ibig sabihin nito?

"I'm really sorry, miss. Okay ka lang ba?"

Tulala pa rin ako ngunit laking pasasalamat ko nang siniko ako ni Kath kaya umayos na ako.

Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.

"Uhm, oo! Okay lang naman ako." Nauutal kong sagot sa kanya kahit unti-unti ko nang nararamdaman 'yung munting kirot sa pwet ko. "Sorry sa abala."

"It's okay. Sige, una na ko." He geniunely smiled and excused himself.

Feeling ko nagkaroon ng mini heart attack 'yung puso ko nang makita siyang ngumiti sakin. Shet kita pa dimples niya. How to keep calm?!

As much as I want to keep this weird feeling lowkey, hindi ko maiwasang mapangiti ng tipid. Sino bang hindi mahuhulog sa mga ngiti 'non? Wala. Mahuhulog lahat sa patibong niya at uuwing luhaan dahil sobrang hirap niyang abutin.

"Have you ever seen perfection in real life, bes?" Madramang tanong ni Kath sa gilid ko habang nakatingin sa kisame. I decided to play along with her dahil hindi pa talaga ako nakamove on sa nangyari.

I nodded kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Yes, bes, I just did."

Sa pangalawang pagkakataon, nagkatagpo na naman iyong landas naming dalawa nang dahil ulit sa isang aksidente. Ibig sabihin ba nito meant to be kami?

Napailing ako sa kamunduhang pinag-iisip ko. I can't believe I just thought about that. Really, Suvi? Meant to be you say? Meant to be para maaksidente siguro sa isa't isa. My face probably screams bad luck whenever he's near kaya pati siya nadadamay sa ka-estupidahan ko.

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon