Suvi's
Kasalukuyan akong nags-scroll sa profile ng Jaehyun na 'yun. Nabother lang talaga ako sa dare ni Kath at saka wala rin akong magawa kaya naisipan kong bisitahin 'yung account niya.
Gaya nga ng sabi ni Kath sa akin, halos lahat ng posts and photos ni Jaehyun ay nakaprivate. Sobrang nagulat nga ako 'nung in-accept niya ako. Pero alam ko naman na may kinalaman si Kath doon kaya hindi ko na iyon isinasaisip pa. She has her own little ways and I don't need to know about it.
While scrolling, I stopped at a one particular post of him. Actually status niya 'to at nung chineck ko kung kailan niya pinost, noong nakaraang araw lang. Bago pa.
Jeong Jaehyun is feeling broken 💔.
Sinaktan. Iniwan. Nagpost. Bow. Thank you google for translating everything in Filipino.
Napangiwi ako habang binabasa 'yung status niya.
Aba! Ang senti naman pala ng lalakeng 'to. Seryoso, hindi halata sa mukha at pisikal niyang anyo. Tyaka ano daw sabi? Google translate? Patawa rin 'tong lalakeng 'to eh.
Habang nags-scroll ako sa timeline niya, to be very honest, nababanas ako sa pictures nila ni Taeyong. Sandamakmak na selfies nila ang ina-upload kaya naman kotang kota sa photos yung timeline niya. Hirap na hirap tuloy akong nagscroll pababa nang dahil dyan. Buti na nga lang gwapo sila kaya hindi ko na nireport.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng timeline niya, I just realized that what I was doing is so not me. I am stalking! At lalake pa talaga ang ini-stalk ko ha. Great. First time yata 'to in the history.
Napailing ako at agad na naglog-out. This is all because of Kath's influence.
Hinagis ko 'yung phone ko sa malayo at napahiga nalang sa kama ko. Tumingala ako sa ceiling at sinampal ang sarili dahil sa kabaliwang pinaggagawa ko ngayong gabi.
Ano ba, Suvi. Pare-pareho lang 'yang mga lalake. Manloloko. Iiwan ka rin 'yan gaya ng pag-iwan ng papa mo sa inyo ng mama mo. Huwag na huwag kang magpapadala sa mga kalandian nila, please lang.
Paulit-ulit kong paalala sa sarili in case na makalimutan ko. Hanggang sa naka-tulog na ako, 'yan pa rin ang nasa isip ko at laman ng panaginip ko.
Kinabukasan, kinulit na naman ako ni Kath tungkol sa Jaehyun na 'yun. Nakita kasi namin siyang hinatid ng driver nila gamit ang isang magarang sasakyan pagdating niya rito sa loob ng campus. It's impossible not to notice his presence. Sasakyan pa lang na ginamit, kapansin-pansin na.
"Chat mo na ngayon din! Mas mabuti 'yung nandito ako para may witness na ginawa mo talaga." Hindi mapakaling giit ni Kath sa tabi ko. "Gora na, Suvi! O baka naman gusto mong ako na magchachat sa kanya gamit 'yang personal account mo?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Hanggang nakarating kami sa loob ng classroom 'yan pa rin ang bukambibig niya sakin. Inirapan ko siya pagkatapos maupo sa upuan ko.
"Mamaya na, okay? Nasa loob pa tayo ng eskwelahan kaya aral muna bago lande, Kath." Inis kong sagot sa kanya.
She glared at me. Mukhang may isasambat pa sana siya sa sinabi ko ngunit eksaktong dumating 'yung subject teacher namin kaya natahimik 'yung bruha at back to 'education is life' mode na siya.
The last bell rang. Uwian na.
Uwian na pero hanggang ngayon puro Jaehyun pa rin si Kath. Todo pilit pa rin siya sakin na ichat ko ulit ang lalakeng 'yun or else papatayin niya raw ang Lucas ko- not the man. Si Lucas, 'yung tarantulang alaga ko. Sinunod ko kasi ang pangalan niya kay Lucas the Spider. It was cute so I named him that.
"Uy, si Taeyong oh!" Sigaw ko sabay turo ko sa bandang likuran ni Kath. Ang malandot agad namang lumingon kahit jino-joke time ko lang. Uto-uto talaga.
I took that opportunity na takasan siya. Gusto ko lang talagang umuwi nang matiwasay without Kath's stupid dares.
Sa back door/gate ng school ko naisipang dumaan para iwas Katherine Choi talaga ako sa pag-uwi ko. Pero mukhang wrong move yata ako. Mukha kasing mayroong nagsasagutan- ay hindi more like nag-aaway sa dadaanan ko sana.
Huminto ako sa paglalakad at agad na nagtago sa pinakamalapit na pwedeng pagtataguan.
I didn't mean to eavesdrop. Hihintayin ko lang sana silang matapos para makauwi na ako. Kasalanan din nila kung bakit naririnig ko silang nag-aaway dito. For their information, daanan ito at hindi ito lugar para sa mga magjowang may love quarrel.
"So it's really over now, huh? I flew here just to personally get back to you, Clara. I transfered in this shitty university for the sake of our relationship that I thought we can still fix. But what the hell is this? Can you please further explain your 'I can't continue this relationship anymore'?"
Mangiyak-ngiyak na sabi ng lalake. Napakunot naman iyong noo ko. Medyo pamilyar 'yung boses nung lalake kaso hindi ko lang mapoint out kung kanino talaga. Narinig ko na 'to somewhere eh. O baka naman kaboses lang. Hindi ko alam.
There was a moment of silence. Kung may makakakita talaga sakin dito masasabi talaga ng taong iyon na nakikichismis ako sa magjowang 'to when in fact, dadaan lang naman talaga sana ako tapos ito pa 'yung bumungad sakin.
"Please, tanggapin mo nalang na wala na tayo. Ayoko na, okay? Ayoko na sa relasyon na 'to." Sabi naman noong babae. Halatang umiiyak din.
Hala. Ang lungkot naman ng relasyon nila. Para naman yata akong nakikinig ng drama sa radyo nito in an instant eh. I can't help myself but to get invested with their talk too.
When I thought they were done with their business, lalabas na sana ako mula sa pinagtataguan ko. I was assuming na umalis na sila at sa exit na dumaan but I was wrong! So wrong. Akala ko lang pala 'yun.
I heard footsteps na papalapit kung nasaan ako kaya mas nagtago pa ako at humalukipkip sa sulok. Ang tanging nagsisilbi kong proteksyon para sa sarili ko ay iyong mga boxes lang na walang laman. May advantage rin pala ang pagiging maliit ko.
I heard footsteps again at para akong naestatwa sa pinatataguan ko nang makita kung sino iyong dumaan.
My eyes widened in shock.
"Jaehyun," mahinang sambit ko at agad napatakip ng bibig.
My heart started beating so fast at the sight of him walking out. Siya lang mag-isa ang dumaan doon. The girl probably took the other way. Doon na ako nakapagreact ng husto sa nasaksihan ko.
Pinaghalong gulat, kaba, awa at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon. I covered my mouth again with my hands upon realizing everything that I have witnessed.
Ang isang Jeong Jaehyun na apo ng isang presidente ng unibersidad na ito na tinawag niya pang shitty ay nagtransfer dito mula sa Estados Unidos para lang sa isang babae?
Napaismid ako sa iniisip. Ibang klase rin ang lalakeng 'yon no.
BINABASA MO ANG
Vivi | nct
FanfictionA girl who has been liking this guy from afar, anonymously sending nerdy jokes and puns, and who has no intention of expecting anything in return. Pero palaging tandaan, walang usok na natatago mula sa kamay. NCT Jaehyun Epistolary Completed and Ed...