098: Narration

1.1K 39 17
                                    

Suvi's

Kahit kanina lang 'yung uwian, the corridors are still packed with students. Pero kung ikokompara mo tuwing dismissal, kalahati lang 'tong mga nandito. Pulang pula pa 'yung mukha ko pati 'yung mga mata ko kaya panay ako ng yuko tuwing may nakakasalubong akong estudyante.

Pinili kong daanan 'yung isa pang exit ng building dahil wala masyadong dumadaan doon. I was about to take my turn nang may biglang humarang sa daanan ko. And this is definitely not Jaehyun. Ibang iba 'yung amoy ng perfume. This guy has stronger scent than Jaehyun.

Umilag ako pero hinarangan niya pa rin iyong dinadaanan ko. I got annoyed kaya napilitan kong inangat ang ulo ko para harapin siya at mag-excuse sa kanya.

Nang mapagtanto kung sino iyon, mas lalo lang akong nainis nang bumungad ang kanyang nakakainis at palaging nakangising pagmumukha.

"Kung ayaw mong makaabala ng taong wala sa mood, will you please get out of my way?" Walang kaemo-emosyon kong tugon sa kanya.

Ang kanina'y nakangisi niyang mukha, unti-unting naglaho nang makita ang nababanas kong mukha sa kanya. I wiped my messed up face and looked away.

He moved forward kaya napaatras ako.

"Sinong gago ang nagpaiyak sayo, ha, Suvi?" Galit niyang tanong at mas lalo pa akong hinarangan. "Sagutin mo ko, Suvi. Sino?"

Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. Para akong nahimasmasan don. Kinunutan ko siya ng noo at nagulat sa inakto niya. Problema ng ulupong na 'to?

Parang kanina lang gustong gusto niya akong pagtripan tapos ngayon sisigawan niya ako? Nasa matinong wisyo pa ba ang lalakeng 'to?

Umayos ako ng tayo. I looked at him sternly.

"Lucas, wala talaga ako sa mood para sabayan ka sa mga kabaliwan mo ngayon. Kung ayaw mong masampal sa 'di malamang dahilan umalis ka dyan sa harapan ko, dadaan ako."

Aalis na sana ako kaso naabutan niya pa 'yung braso ko. He pulled me back at seryoso akong tinitigan. Fear suddenly crept within me.

I've never seen him looking so angry like this. Tuwing nakikita ko ito sa campus, abot hanggang tenga ang ngiti nito. Mahilig mangasar at parang walang iniindang problema. Pero ngayon, kulang nalang kainin niya ako sa galit.

"Seryoso rin ako, Suvi. Sinong nagpaiyak sa'yo?" Nanggigigil niyang tanong. He murmured something under his breath pero hindi ko nakuha kung ano iyon.

Kahit may halong takot at kaba na sa kilos niya, naguguluhan ko pa rin siyang tiningnan.

Ano naman sa kanya kung may nagpaiyak sa akin? Ano naman sa kanya kung iiyak ako? Why is he suddenly asking these questions? Eh hindi naman kami close. Siya nga lang 'tong feeling close sa akin.

"Ano bang nakain mo? Pabayaan mo nga lang ako." Pagod kong tugon sa kanya. "Please, huwag ngayon, Lucas. Pagod ako."

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko saka ito binitiwan na. Tumahimik siya at humalukipkip. Did I hit a sensitive spot? Natahimik yata siya bigla.

Halos mapatili ako sa gulat nang bigla niya akong hinigit sa palapulsuhan ko at iginiya palabas ng building.

Mas lalo ulit akong naguluhan sa inakto niya. I tried to get away from his grip pero ano bang panlaban ko sa lalakeng 'to? Higante 'to habang ako parang lamang lang ng ilang pulgada sa duwende.

"Teka nga, saan mo ba akong dadalhin?" Tanong ko kahit nahihirapan na akong sabayan siya sa bilis ng paglalakad niya.

"Ihahatid kita pauwi sa inyo sa ayaw at sa gusto mo, Suvi." Tanging sabi niya saka huminto sa isang itim na kotse at binitiwan na ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman ako sasama sayo? Sure ka bang safe akong makakauwi kasama ka?"

He chuckled and looked at me with an utter disbelief in his eyes.

"Alam kong medyo gago ako, Suvi, pero hindi naman ganon kagago. May nanay, kapatid at mga pinsan akong babae. I respect all of them so as the other girls. Lalo ka na," marahan at seryosong paliwanag niya at pinagbuksan na ako ng pintuan ng kotse niya.

Medyo nagulat ako sa biglang pagbago ng tono ng boses niya. And somehow, I felt safe hearing his words.

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon