030: Narration

1.1K 45 20
                                    

Suvi's

Pagkatapos sumapi ni Vivi sa akin, itinago ko na agad iyong phone ko at bumalik na sa pagiging Suvi. Baka mabulgar pa ako sa kabaliwang 'to kung magiging pabaya ako lalo na't nandyan lang siya sa paligid.

Tinawag iyong pangalan ko 'nung barista kaya lumapit ako roon para kunin iyong order ko. At dahil medyo naconcious ako dahil nasa iisang bubong lang kami ni Jaehyun, dali-dali kong hinablot 'yung drinks na nasa counter.

Nung tumalikod na ako, halos naestatwa ako sa tinatayuan ko nang marinig ko na naman ang isang pamilyar na boses. Kaboses na kaboses 'nung narinig kong nag-aaway sa pangalawang exit ng school namin.

Napapikit ako ng mariin at dali-daling naglakad. Ngunit bago pa man ako makalayo, may narinig akong tinatawag 'yung barista. Imposibleng ako iyon dahil wala naman akong sukli na kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. But not until someone softly poked my shoulder.

"Miss, wait!"

Huminto ako at ginapang kaagad ng kaba. I swear yung puso ko parang lalabas na sa pinaglalagyan nito. It was beating so fast at hindi ko na alam anong gagawin ko. Kahit ganon na ang nararamdaman ko, I still pretended to act natural.

I wore my sweetest smile as I glanced back at the person who poked my shoulder. Para akong natuyuan ng lalamunan nang makita si Jaehyun sa harapan ko. Bahagyang nanlaki iyong mga mata ko ngunit agad din akong nakabawi. Mahirap na at baka mahalata pa ako nito.

All you have to do is to keep your cool and act like you don't know him at all, Suvi. Tutal wala naman siyang kaalam alam kung sino si Vivi eh. And aside from that, hindi ka rin niya kilala bilang Suvi kaya kumalma ka at wala kang dapat ikatakot ngayong kaharap mo na siya ngayon.

"Ano po 'yon?" I asked him.

He politely smiled sabay turo 'nung bitbit kong inumin. Napatingin naman ako sa dala ko at napakunot iyong noo saka nagtataka siyang binalingan ulit.

"Suvi, right?"

Nanlaki iyong mga mata ko sa gulat at halos gusto nang magpakain sa lupa.

"Paano mo nalaman?" Nauutal kong tanong sa kanya.

I may look so chill on the outside but I swear 'yung utak ko ngayon kung saan saan na lumilipad sa pagpapanic. Alam na niya kaya kung sino ako? Pero paano? Paano niya malalaman eh... oh my goodness! Baka si Kath? Pero bakit naman ako ilalaglag 'nun eh siya nga nagpasimuno 'nung dare ko.

Bumalik ako sa katinuan 'nung nagsalita ulit si Jaehyun kaya nasa kanya na naman iyong atensyon ko. The more I look at his face, mas lalo ko lang niloloko ang sarili ko na hindi ako natitinag sa mukha niya. Ang gwapo talaga ng lalakeng 'to.

Kumurap kurap ako at napailing sa iniisip.

"Oh about that, I think you got the wrong drink, miss. This one's yours I guess." Sabi niya sabay lahad 'nung dala niyang inumin na may nakalagay ng pangalan ko.

I immediately checked the one that I grabbed in a hurry earlier.

Jaehyun.

My eyes went wide at agad na humingi ng paumanhin sa kanya. Sa taranta ko, agad ko iyong inilahad pabalik sa kanya.

"Hala, I'm so sorry! Hindi ko napansin! Pareho kasi tayo ng order eh." I nervously laughed, gustong gusto nang magmura sa kahihiyan. "Don't worry hindi ko pa naman 'yan ginalaw."

Ngumiti lang siya sa akin at tumango saka ibinigay rin 'yung order na dapat talagang para sa akin. I mentally facepalmed in embarrassment.

"It's okay." Aniya. "Hindi na sana kita tatawagin pa because you seem like you're in a hurry and I wouldn't mind if our orders got mixed since we ordered the same thing naman. My only concern is my coffee. It has four shots of espresso on it and I'm thinking you wouldn't like it."

Halos malaglag 'yung panga ko habang pinapakinggan siyang nagpapaliwanag gamit ang wikang ingles tungkol sa nangyari na dapat ako naman talaga sana ang magpapaliwanag in the first place.

Grabe, ang bait naman ng lalakeng 'to sa personal. Sana ganun din siya kay Vivi sa chat, ano?

Para akong timang habang naglalakad palabas ng cafe. Jusko, Suvi, nang dahil sa katangahan mo muntikan ka nang mabisto! Nang makarating sa loob ng classroom, ibinagsak ko ang sarili ko sa upuan ko at wala sa sariling napaisip sa nangyaring aksidente kanina.

Aksidente na naman.

Nang dahil sa aksidenteng mishap ng drinks namin nagkatagpo na naman ang landas naming dalawa.

"Hoy, Suvi, para kang baliw dyan! Alam mo bang sign of kabaliwan na 'yang ngumingiti mag-isa?"

Napatingala ako just to find Kath hugging her books on her chest while giving me a weird stare. I just shrugged and gestured her to sit down.

"Saan mo naman 'yan nakuha?" Kuryuso kong tanong sa sinabi niya.

Kinunutan niya ako ng noo pagkatapos niyang inilapag 'yung mga librong dala sa desk. "Basta! And... you're weird today."

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon