108: Narration

1.2K 38 23
                                    

Suvi's

Pagkatapos magpaalam ng last subject teacher namin, agad na lumapit si Kath sa akin. Nag-aya siyang magsalon daw kami ngayon. It's been a while na rin kasi 'nung huli naming pamper sa sarili, plus, the party for the students is nearing.

"Ang aga mo naman atang magprepare para sa acquaintance night natin, Kath. Ang layo pa kaya 'nun, may requirements pa tayong isa-submit." Natatawang saad ko sa kanya.

Sumimangot naman ang bruha sa sinabi ko. "Eh sabado naman bukas, beshy! May oras ka pang gawin 'yang sinasabi mong requirements this weekend."

Napailing ako. "Masyado ka lang talagang excited para dyan dahil si Taeyong ang magiging partner mo."

Bigla naman siyang ngumisi at parang may naisip na mas magandang ideya.

"Alam ko na! Si Taeyong nalang yayayain kong magsalon." Masayang tugon niya.

Napahalakhak naman ako sa idea niya. 'Yan tama 'yan. Drag your boyfriend instead.

Tumango lamang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. "Tama. Kayong dalawa nalang magdate."

Ang bruha, mabilis na hinugot iyong phone niya mula sa kanyang bulsa at lumayo layo na habang tinatawagan ang suplado niyang boyfriend.

Nang matapos na akong magligpit ng mga gamit ko, isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at naglakad na palabas ng classroom. I checked the time at may isang oras pang natitira until Jaehyun's last class dismissal.

Bago ako nagpunta sa labas ng building nila Jaehyun, pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng maiinom. Binilhan ko na rin si Jaehyun, nahihiya na ako doon eh puro nalang libre niya tuwing magkasama kami. Ang kapal na ng mukha ko sa paningin niya.

Pagkatapos kong bumili, dumiretso na agad ako sa building nila. At dahil mainit pa sa labas, sumilong muna ako sa tapat na building. Mula rito, kita ko pa naman ang mga estudyanteng labas masok ng building kaya mapapansin ko pa rin kung lalabas na siya.

While sipping on my second yogurt drink, eksaktong alas kwatro ng hapon, lumipat ako ng pwesto. Hindi na gaanong mainit kaya malapit na talaga sa building ako mismo naghintay sa kanya.

Right when I saw a familiar silhouette walking through the exit, otomatiko akong napatayo nang makita siyang naglalakad pababa ng hagdan. When I saw him clearly at nasisigurong si Jaehyun nga iyon, agad na may ngiting sumilay sa aking labi. Akala ko ba mamaya pa labasan nila? Napaaga yata siya.

Hindi naman masyadong halata na excited ka, Suvi, no?

Nasanay na rin kasi ako na lumalabas kami tuwing Friday ni Jaehyun. Parang cheat day na rin para sa amin. Sa sobrang drained ko na sa mga requirements at school works ko, kailangan ko rin ng pamparelax minsan.

I waved my hand para makita niya ako pero parang hindi niya yata ito napansin. I frowned. Lalapit na sana ako nang tumalikod siya at nagjog sa kabilang daan.

Napakunot iyong noo ko. Nakalimutan niya bang sa labas ng building ako maghihintay? Kahit mukhang jog lang iyon para sa kanya mabilis pa rin ito kaya kailangan kong tumakbo para masundan siya. He stopped and I realized we're in the parking lot.

Kahit hinihingal mula sa pagtakbo, I was about to call out his name nang may nakita akong isang pamilyar na likod ng babae na lumabas mula sa itim na suv at saka nilapitan si Jaehyun.

My smile automatically disappeared when I realized who it was. Parang pinipiga iyong puso ko nang makita ulit silang dalawa na magkasama. Pero mas sumikip iyong dibdib ko nang makita ko siyang kusang sumama kay Clara papasok sa loob ng kotse sabay paharurot nito palabas ng campus.

Mapait akong napangiti sa sarili at tumalikod na. Sino ka ba para pag-aksayahan ng oras ni Jaehyun, Suvi?

Then after that, I felt my phone vibrated from my uniform's pocket. Hinugot ko ito saka chineck kung sinong nagtext.

While reading his name, naramdaman ko nalang na may tumulo na pa lang luha mula sa mata ko. Agad ko naman itong pinahiran. Ano ba, Suvi, akala ko ba independent ka? Akala ko ba hindi ka kaagad umiiyak sa maliliit na bagay?

I opened it at napatango nalang sa chat niya.

Jaehyun:

Can you wait for me a little bit longer? May aasikasuhin lang ako saglit. Promise, Suvi, madali lang 'to.

I left it seen. Para saan pa't magrereply ako? Alam ko naman na hindi totoo 'yang sinasabi niyang saglit lang. Si Clara ang pinag-uusapan natin dito. At hindi siya basta bastang kaibigan lang ni Jaehyun. Ex-girlfriend niya 'yon at minahal niya 'yon. O baka nga mahal pa eh? I really don't know. Basta ang masisiguro ko lang, magtatagal pa 'yon kasama si Clara kaya uuwi nalang ako.

Tinitigan ko iyong fresh milk na binili ko para sa kanya kanina. There was a big trashcan nearby. I walked near it at walang pag-aalinlangan itong itinapon. Wala namang ibang iinom 'non kundi siya lang at para sa kanya talaga iyon. But he's not here and I don't drink pure milk.

Before we met and got to know each other, may Clara pa palang nauna na kesa sa akin. May Clara pa siyang mahal na mahal pa niya.

Ano bang panlaban ko sa babaeng 'yon?

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon