Suvi's
Lucas' car pulled over at narinig kong bumukas iyong pintuan ng kotse niya pero binalewala ko lang ito at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Alam kong nasa likuran ko lang siya at tahimik akong sinusundan.
Huminto ako sa paglalakad at seryoso siyang nilingon. Naiinis na nga ako sa sarili ko dumagdag pa 'tong feeling close na lalakeng 'to sa mga problema ko.
Wala pa nga akong sinasabi ay itinaas na niya ang kanyang dalawang kamay as a sign of surrender. Kinunutan ko siya ng noo. Ano na namang trip ng Lucas na 'to?
"Hindi ka ba talaga titigil kasusunod sa akin, Lucas?" Inis kong tanong sa kanya. I tried to look tough but my voice cracked at parang hahagulgol na.
Nagulat siya roon. Mabilis na nag-iba ang kanyang ekspresyon nang makita akong nanghihina ulit.
"Umiyak ka na naman ba?" Seryosong tanong niya sa akin habang nagkasalubong na naman ang dalawang kilay.
Sa pangalawang pagkakataon, si Lucas na naman ang nakakita sa akin na wala sa wisyo at napapagod na. After Jaehyun saw me crying for the first time, si Lucas ang sunod na nakakakita sa akin na umiiyak. Ano bang meron sa lalakeng ito at siya nalang lagi nakikita ko tuwing ganito ako?
Wala akong masagot kaya tumalikod nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hinigit niya ang kamay ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. Bumuntong hininga ako ng malalim saka siya pagod na hinarap.
Watching this tough and happy go lucky guy looking down at me softly makes me tear up more.
Nang dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ay pinagpapalo ko siya sa kanyang dibdib. Nagulat siya nung una ngunit hinayaan lamang ako. Ibinuhos ko lahat nang inis at galit ko sa kanya. My tears rolled down my cheeks na para bang wala na itong hangganan. I am a crying mess in front of this man I barely know.
"Suntukin mo lang ako hanggang gusto mo, Suvi, okay lang sa akin." Mahinahong tugon niya. "I deserve it too."
Napahinto ako sa pagsusuntok sa kanyang dibdib nang marinig ko ang sinabi niya. Kunot-noo ko siyang binalingan.
I wiped my tears and looked up to him curiously. Anong ibig niyang sabihin? I barely even know him tapos sasabihin niyang deserve niya rin ang mga suntok ko? Bakit? Sino ba siya at ano ang ginawa niya?
Not all boys but some boys, minsan hindi ko rin kayo gets eh. Minsan sweet, minsan naman hindi. It makes girls overthink. Sobrang paasa niyo. Pinapaniwala at pinapaasa niyo ang mga babae sa wala. Nasaan ang hustisya doon?
"I'm sorry, Suvi." Biglang sambit ni Lucas.
Mas lalong kumunot iyong noo ko at nagtaka sa sinasabi niya. Bakit siya nagso-sorry sa akin? Ginago niya rin ba ako?
Rin? Suvi, wala namang nanggago sayo. Sadyang umasa ka lang talaga sa taong alam mo namang hinding hindi magiging sayo.
"I'm sorry dahil ang daldal ko at sinabi ko kay Jaehyun na ikaw 'yung babaeng tumutulong sa kanya." Pagpapatuloy niya.
Otomatikong nanlaki iyong mga mata ko dahil sa gulat. Siya? Siya ang nagsabi kay Jaehyun na ako si Vivi? Kinunutan ko siya ng noo. Maraming tanong ang nagbuhol-buhol sa aking utak.
Paano niya nalaman na ako si Vivi? Hindi ko naman siya kilala noon ah. Hindi kami close pero bakit siya pa ang nakabisto sa mga pinaggagawa ko? Ang taong hindi pa talaga konektado sa akin ang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Vivi.
I glared at him feeling so betrayed. Wala ba siyang common sense? Kaya nga hindi ko pinagsasabi sa iba dahil ayokong malaman ni Jaehyun na ako 'yon. Tapos heto siya, diniretso pa talaga kay Jaehyun ang nalaman niya.
Gusto ko siyang sipain palabas ng universe pero naisip kong hindi ko naman yon kaya kaya pinagliban ko ang ideyang 'yon. At isa pa, wala na ring sense kung magagalit pa ako sa kanya. Alam na ni Jaehyun ang totoo eh, huli na para magalit pa ako sa higanteng ito.
Unti-unti akong napayuko habang naiiyak ulit. Grabe, ano pa bang hindi ko alam?
"I'm sorry din sa ginawa ng dad." Dagdag pa niya na siyang dahilan kung bakit ako napatingala ulit sa kanya.
"Malaki ang naging kasalanan ng dad sa inyo ng mommy mo, Suvi." Aniya at hinayaan ko siyang magsalita because it seems like he has more to say.
I am totally confused tungkol sa mga pinagsasabi niya ngayon. Niisa nito ay wala akong naiintindihan. Why is he apologizing once again?
"Anong ibig mong sabihin?" Nauutal at kunot noo kong tanong sa kanya.
"My dad is also your biological father, Suvi. And in behalf of our dad, I am deeply sorry for what he did before. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, Suvi, sobra pa sa kasamaan ni satanas ang ginawang pagtalikod ni dad sa responsibilidad niya bilang ama mo."
Napanganga ako sa mga pinagsasabi niya. I stiffened. What the hell did he just said? Nalala ko ulit iyong gabi na bumisita sila sa bahay. Napasinghap ako.
Look how small the world is. Nakilala ko na pala ang magaling kong ama. And news flash, may kapatid pa pala ako!
BINABASA MO ANG
Vivi | nct
FanfictionA girl who has been liking this guy from afar, anonymously sending nerdy jokes and puns, and who has no intention of expecting anything in return. Pero palaging tandaan, walang usok na natatago mula sa kamay. NCT Jaehyun Epistolary Completed and Ed...