111: Narration

1.1K 37 6
                                    

Lucas' POV

I was the one who told Jaehyun everything. Well, 'yung nalalamam at napapansin ko lang naman ang sinabi ko sa kanya. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga maliliit na bagay na iyon. And to be honest, I just caught her without trying so hard.

Nasabi ko kay Suvi ang lahat dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mas masasaktan lang kasi siya kapag patatagalin ko pa. I don't want her to think that she's a fool. She's still my sister and I care for her. She deserves to know the truth.

Simula't sapul iba naman talaga sana ang pakay ko but I accidentally heard my dad talking to someone on his phone. I was suspicious about at nalaman ko nalang that it was his private investigator talking about his other child na nandito lang daw sa bansa.

Itinago ito ni dad sa amin ng ilang taon. Aside from my dad, ako ang unang nakakaalam sa pamilya namin tungkol sa ibang anak ni daddy. My mom didn't know about it 'nung nalaman ko.

Wala naman talaga sana akong balak na pagtuunan pa iyon ng pansin but then time came when mom knew everything what dad has been hiding from all of us. Yes, she got mad, it's normal. Akala ko nga makikipaghiwalay si mom kay dad noon, but that's just too selfish for her para sa amin na mga anak niya. At isa pa, dad won't even agree to anull their marriage.

I got really surprised when mom told dad to find his daughter and be responsible for everything. To say sorry and to fix the mess he made eighteen years ago. Kahit masakit ito sa parte ni mommy, pinili niya pa ring kilalanin ni dad ang anak niya.

Kinausap nila ako tungkol dito. Nalaman kong naipit sa isang kasunduan ng mga nakakatanda sina mom at dad noon. Mom was already pregnant with me when dad went to a business trip for a year. At doon na nagbunga ang kagaguhan ni dad. Nagalit din ako dahil all this time may kapatid pa pala ako. Dad didn't go deeper about the child kaya mas nacurious ako. I just couldn't ignore the fact na may kapatid pa ako at nihindi ko man lang siya nakilala.

So I went through dad's important documents. Imposibleng walang alam si dad tungkol sa isa pa niyang anak. Inside his office at home, doon ko nakita ang isang school document ng isang babae na sobrang pamilyar sa akin.

It was Suvi Lee, pinsan ni Jungwoo. When I knew it was her, doon na ako nagsimulang sundan siya kahit saan. I wanted to know her more. I talked to my mom about it and she told me na huwag ko munang ipaalam kay dad na nakita ko na ang kapatid ko at lalong lalo na't huwag ko raw munang biglain si Suvi tungkol sa katotohanan. As much as I want to introduce myself to Suvi sinunod ko pa rin si mommy at nagpatuloy lang sa pagbabantay sa kanya mula sa malayo.

Hindi ako galit kay Suvi, galit ako kay Dad at sa sitwasyon namin. Wala siyang kasalanan sa kagaguhang ginawa ni dad noon. Just like my younger brother and I, biktima lang din siya. Mas maswerte nga kami ni Louie dahil lumaki kami na may kompletong pamilya. Meanwhile my sister, she grew up without a father. Pinalaki siya ng nanay niya mag-isa. Kinamuhian niya si dad and I want to say sorry to her in behalf of my father.

The first time that I followed her, it was my vacant time, I saw her walking down the school's hallway. Nagtataka ko siyang tinitingnan nang huminto siya sa harap ng detention room na para bang nagdadalawang isip kung papasok ba siya o hindi. I was completely weirded out when she opened the door and stuck her hand in while holding a small bottle of mogu-mogu then she ran away.

When she left, I checked who's inside the detention room that made her act so weird like that. Bago ko pa mabuksan iyong pintuan, may nagbukas na nito mula sa loob at bumungad na sa akin ang pagmumukha ni Jaehyun.

Pagkatapos non, Jaehyun started to act weird as well. Parang may hinahanap siya. He even asked us sa group chat kung sino daw iyong Vivi na nangungulit sa kanya, nadamay pa kami sa kalokohan ni Suvi. He asked for help to know who was behind the dummy account. Wala pa akong alam 'non kaya ipinagkibit ko lang iyon ng balikat.

Days passed by, binabantayan ko pa rin sa malayo si Suvi. Doon ko narealize na siya pala iyong tinatanong ni Jaehyun sa amin. Noong una hindi ako makapaniwala na siya iyon. I just think she's a little weird pero habang nagtatagal, I realized she isn't. Mabait at matulungin, a normal girl everybody would possibly fall for. Hindi siya weird, nagiging weird lang kapag nasa malapit si Jaehyun.

Doon na ako nagsimulang mangulit kay Suvi sa chat at, syempre, sa personal rin. Gusto ko lang naman maging close kay Suvi. Wala kasi akong kapatid na babae na noon ko pa hiniling magkaroon. It was always me and my annoying little brother at home at si mommy lang tanging babae sa bahay maliban sa mga kasambahay.

I have been suspecting her but I have finally confirmed that the mysterious dummy account was really her. Noong championship ng basketball sa school, alam kong si Suvi 'yung nagsuot 'nung mascot ng varsity team. I was worried na baka masuffocate siya kaya panay ang bantay ko sa kanya, wala pa naman 'yung madaldal niyang kaibigan.

I was hiding when I heard a couple arguing. Narinig din iyon ni Suvi. I checked who it was at laking gulat kong makita si Clara na may kasamang lalake. At hindi Jaehyun! I glanced at Suvi and I saw how surprised she was. I looked on the other side of the hallway and saw Jaehyun. Halos mapasinghap ako ng malakas, buti nalang sa laki ko, kasya naman ako sa pinagtataguan ko. Now this is what you call a nonfiction drama! Live ko pa talagang nakita!

Sinundan ko ulit si Suvi habang nakasunod siya kay Jaehyun. She wore the mascot's headpiece kaya hindi ko alam kung nakilala ba siya ni Jaehyun o hindi. Habang umiiyak si Jaehyun nandun lang siya. Hindi ko sila marinig dahil nasa malayo ako nagtatago. I can only see how they move. I may look crazy but I am not stupid. But one thing's for sure, Suvi is the girl behind the dummy.

The same day that happened, I borrowed Taeyong hyung's phone para tawagan sana iyong mama ko. Pero I accidentally read Jaehyun's new message. Eh may pagkachismoso rin ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong basahin iyong buong conversation nila.

Desidido si Jaehyun na malaman kung sino si Vivi. Eh ako na may clue na kung sino talaga iyon, nagdalawang isip pa kung sasabihin ko ba o hindi.

Pero sa huli, sinabi ko pa rin kay Jaehyun ang alam ko. Hindi naman 'yon magagalit eh. At isa pa, may tiwala rin ako sa kanya. Gabi na 'nung pinuntahan ko siya sa isang malapit na bar, he was almost drunk 'nung sinabi ko sa kanya ang tungkol doon. Ayokong pagdudahan ng kung ano ni Jaehyun kaya sinabi ko na rin sa kanya ang buong detalye kung paano ko nalaman at kung ano ang pakay ko.

Pagkatapos kong masabi ang lahat kay Suvi, napagpasyahan kong ihatid na siya sa kanila. She was a crying mess and she needs a proper rest. Palubog na rin kasi 'yung araw at baka ako pa ang pagalitan ni Tita Savannah kapag hindi ko pa ito inuwi ng maaga.

Dahil hindi talaga ako sanay ng tahimik, I decided to break the ice and talk to her on the way kahit alam kong hindi naman ako sasagutin nito.

"Bakit ka nga pala naglalakad? Wala ba kayong driver?" Tanong ko sa kanya.

She looked away. Nakapirmi sa bintana ng kotse ang kanyang mga mata.

"Meron. Pero sinabihan kong huwag muna akong sunduin dahil may lakad ako." Pabalang na sagot niya.

I was driving but I glanced at her for a little while. Napakunot iyong noo ko sa sagot niya. May lakad? Eh bakit pauwi sa bahay nila ang ruta niya kanina?

"At saan ka naman sana pupunta?" I asked her pero wala akong sagot na natanggap mula sa kanya. Ayoko naman siyang pilitin kaya hinayaan ko nalang.

Napaigting iyong panga ko. I sighed deeply as I tighten my grip on the steering wheel.

"You'll be okay, Suvi," I told her and on my peripheral vision, I saw her slowly nodding kaya dahan dahan akong napangiti.

Vivi | nctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon