I Found Love.

1K 8 1
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Introduction~~

I'm Krystal Yulin. 3rd year college student at education ang kinukuhang course. Ewan ko ba kung bakit educ ang kinuha kong course e hindi naman connected sa personality ko. Dapat medicine ang kunin ko para magamot ko ang sarili kong puso. Haaay nako. Kelan ko kaya magagamot to o sino ang gagamot nitong puso kong sinira ng expectations ko. Akala ko kasi masaya ang magkaroon lang ng crush pero mukang daig ko pa ang kakagaling lang sa break up kung makapagemote. Haaay ang pagibig di parang pusa, kapag maingay. Ililigaw na lang. XD

+++++++++++++++++++

 

"Gutom na ko Vince !! Utang na loob, punta na tayong canteen please.." sobrang pagmamakaawa ko sa bestfriend kong study hard. Mas inuuna talaga ang pagaaral kesa kumain ! Sosko talaga.

"Oo ! Eto na, itatabi ko na ung notebook ko oh. Excited ka naman kasi e.. Di ka na naman ba kumain ng breakfast at atat na ata kang kumain ngayon ? Tsk tsk tsk" mukang masesermonan pa ako nitong Vince na to uh ! Kasalanan bang magutom ng maaga ? Aaargh ! Kundi ko lang to bestfriend kanina ko pa siya ginawang breakfast. Hehehe.

Nagugutom na nga ako, ang dami pang tao dito sa canteen. Konti na lang susuka na ako sa sobrang hilo. Halos nagtutulakan na sila sa pila akala mong elementary kung magagawan sa tinitinda.

"O ? Anong kakainin mo ? Ako na bibili, namumutla ka na kasi sa sobrang gutom. Hahaha ! PGness ka talaga." tawanan ba ako ? Grabe talaga tong si Vince ! Aargh !

"Oo ! Ako na patay gutom. Kasalanan ba yun ? Ilibre mo na lang ako ng tatlong burger at dalawang mineral water. Hahaha ! Seryoso ako uh. Un ang gusto ko" PGness pala uh. Ikaw ngayon ang mamumublema. Hahaha ! >:D

"Wala na talaga akong masabi sa laki ng kweba mo jan sa tyan. Osige na, umupo ka lang jan at intayin mo ko. Bibili lang ako" nagpapaalam na si Vince para bumili ng machichibog.

"Osige ! Makitulak ka na rin jan uh ! Ingat ka, tanga ka pa naman. Hahaha !" nagwave na lang siya habang nagsusumigaw.

Umupo na ako sa upuang nasa harap ko. Kung lalayo pa ako baka di na alam ni Vince kung nasaan ako..

Habang nagiintay, tinitignan ko na lang ung mga taong nasa paligid ko. Naghahanap na rin ng pogi at kung kanino pwdeng magpacute. Hehehe.

Tingin.Tingin.Tingin.

OMO ! Sino to ? Kegwapo gwapo naman ! Nakakasilaw ang sobrang puti ng uniform niya pati ng ngipin niya.. Teka.... Nakatingin siya sa akin pero bat parang di ko maiwas ung tingin ko ? Nastock up ung buong katawan ko at hindi ko na magalaw. Napapanganga na ako habang tumatagal sa pagtingin sa kanya.. Sobra ata akong nastarstruck sa kanya.

*BOOO !*

"AY ! SANGGOL ! Sino ba yun ! Walang magawa uh, nangugulat na lang !" May nanggulat ! Shitlangs. Nasa climax na ung pagtingin ko kay Mr. White e. ! Aaargh !

"Nakanganga ka naman Krystal Yulin !!"

"Vince naman ! Ginulat mo ko ng maigi don uh ! Halos tumalsik sa upuan ko ! Wala kang virtue talaga." halimaw talaga tong si Vince. Nasa climax na ako ng pagtitig e ginulat pa ako ! Anak ka talaga ng nanay mo Vince !

"Gutom ka ba sa pagkain o gutom sa mga magagandang nilalang ? Nakakita ka na naman ng target mo no ! Tsk tsk !"

"Talagang "target" ang term ? Ang sakit uh. Parang nakakita lang ng gwapo e. HMP !" kunyaring galit galit. Hahaha ! Baliw naman kasi e.

"Hay nako Krystal ! Ayan ka naman ! Eto na ung burger mo nang magkalaman na yang tyan mo at matigil na yang pagtingin tingin mo sa iba." sabay abot sa akin ng tray at inumpisahan ko nang kumain..

 

**DRIIING ! DRIIING !**

"Ang dami daming kumain, ang bagal bagal naman ! Bilisan mo nang kumain, nagbell na e.." si Vince naman ngayon ang pinagmamadali ako. Istorbo talaga kahit kelan.

"Oo na ! Eto na di ba ? Tatayo na." tumayo na ako at sabay alis kaagad dahil baka malate kami sa next subject namin.

Tuluyan na silang umalis at hindi nila napansin na may nalaglag na sulat sa upuan ni Vince. Kanino kaya un at ano ang nakasulat don ?

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now