I Found Love.
By ImTheRocketeer
Chapter 7: Revealations And Confessions.**
+++
**Vince's POV**
"Kuya Vince, punta muna tayo sa garden ng campus. Di pa kasi kami nakakapunta ni Nomi don e." pagyaya sa akin ni Icon.
Nasa canteen kami pero sa labas ng school yun.. Ayaw daw nila dun sa loob kasi daw masyado nang crowded at di masaya ang tinitindang pagkain.. Grabe nga kung manira sila sa canteen ng school kaya wala akong nagawa, sumama na lang ako. Gusto ko sana na samahan si Krystal maglunch pero naka"oo" na ako kila Icon, ayoko naman na bawiin ko pa yun..
"Osige.." pagkasama ko talaga sila parang ayokong tumanggi sa mga trip nila.
"Yehey !" natuwa naman si Icon at inalog alog niya pa yung katabi niyang si Nomi.
"Nako ! Lagi naman tayong napapadaan dun sa garden e, ang sabihin mo gusto mo lang magboy hunting don.." minsan talaga may bagay silang di sinasangayunan pero kahit ganoon masusunod pa rin ang gusto ng isa.
"Ang KJ mo talaga Nomi ! Hmp." tumalikod si Icon kay Nomi at sumimangot.
"Oy. Tama na nga yan. Ayan na naman kayo." eto ang lagi kong papel kapag nagkakaganyan silang dalawa. Ang tagaawat.
"HIHIHIHI." sabay silang napabungisngis at parang tinatawanan na ako. Ewan ko ba sa kanila, maya maya nagtatampuhan tapos kapag inawat, tatawanan yung umaawat. Mga baliw talaga to sila..
Matapos naming kumain ng lunch, pumunta na kami ng garden. Umupo kami sa isang bench doon.
"Vince, anong oras pa ang pasok mo ? Baka kasi malate ka dahil sa trip nito ni Icon e." Tanong ni Nomi.
"Ah. Ok lang. Mamayang 1pm pa naman.. Meron pang 30 minutes para tumambay dito. ^_^"
"Oha ! Ambait talaga ni kuya Vince sa akin.." nambola pa tong si Icon. Hehehe. Alam ko namang mabait ako. Hehehe. De joke lang.
"Icon, pwedeng Vince na lang ang itawag mo tulad ng tawag sa akin ni Nomi. Nagmumuka tuloy akong matanda na talaga e." napakamot ako ng ulo habang sinasabi kay Icon ang gusto kong sabihin.
"Ok Kuya Vince ! ^_^v" ay di ata ako naintindihan nito ni Icon. -_-
"Icon ! Vince na nga lang daw e !" sabay batok sa kanya ni Nomi pero mahina lang.
"Aray ko naman Nomi ! Oo alam ko naman e." nagpout na lang si Icon at hinimas himas ang batok na nasaktan.
"Alam daw ??! Kuya Vince ka pa rin ng kuya Vince e. Kapatid mo ba yan ?!" ang sungit naman ni Nomi ngayon. Ano bang kinain nito sa karindirya kanina ?
"E kasi nga gusto kong maging kuya si Vince e" sabay kapit ni Icon sa braso ko. "Ang sungit sungit mo sa akin ngayon Nomi. :3 "
"Ayan na naman kayo.. Ang kukulit niyo talaga." awat ko na naman sa kanila.. Kapag wala kaya ako ganito din sila ? Ang akala ko hindi sila nagaaway ng ganito pero dalawang bes na silang nagaaway. Kanina yung sa karindirya ngayon dito.. Aaays ! -__-
Parehas na lang silang nanahimik. Kaya nagkaroon ng dead air sa amin tatlo. Ako naman nagiisip na pwedeng itanong para naman mabuhayan ulit sila..
"Aahmmm.. Aattend ba kayo sa gathering ? Malapit na yun actually pero wala pang formal announcement sa amin. Sa inyo meron na ba ?" yan lang ang tanong makakarelate sila na naisip ko. Sana magwork.
"Aah ! Oo ! Aattend kami don. Ang dami na ngang nagyayaya sa amin ng date ni Icon e." akala ko ang unang magreresponce sa tanong ko e si Icon pero si Nomi pala.
YOU ARE READING
I Found Love. *On-Hold*
Teen FictionMeet Krystal Yulin na naghahanap lagi ng pogi ! Oh no ! I mean "LOVE" Kanino niya kaya makikita ang tunay na LOVE ? Kay Vince Philips na SUPER Best Friend niya na simula bata pa e kasama niya na at nagiging komportable siya kapag kausap niya ito o s...