Chapter 8: Love Exchange ?**

180 2 0
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 8: Love Exchange ?**

+++

**Krystal's POV**

"Krystal, pwede ba kitang maging date sa gathering ?" kyaaaah ! Eto yung hinihintay ko talaga kay best friend e. Ang pagyaya niya sa akin na maging date niya sa gathering. Uwaaaa ! Nakaramdam ako ng kilig kahit di naman dapat. Ewan ko ba kung bakit pero ang saya ko lang talaga.

"Huh ? Hahahaha ! Bat naman hindi ?" pilit akong tumawa para hindi kami makaramdam ng hiya o awkwardness.

"Talaga Krystal ?" hinawakan ni Vince ang dalawa kong balikat at inalog alog ako at dahil doon nakaramdam ako ng konting pagkahilo. -__-  "Ang buong akala ko kasi irereject mo ko pero dahil hindi, hindi na rin ako magmumukang tanga sa gathering dahil may makakasama na ako. Best friend ko pa."

"Oo naman Vince no ! Hinihintay lang kita na yayain mo ko, di naman bagay kung ako pa magyaya sayo no at tska pa---" naputol ako sa pagsasalita dahil naririnig kong may timatawag sa akin kaya tinignan ko yung lugar kung saan ko naririnig ang boses.

"KRYSTAL !" nakita ko si Clyde na tinatawag ang pangalan ko at tumatakbong papalapit sa amin.

"O Clyde ? Bakit ? Tumatakbo ka naman.."  bungad na tanong ko sa kanya.

"Huff huf.... Pwede ba kitang makausap ? May gusto kasi akong sabihin pero sana tayong dalawa lang." tumigin siya kay Vince na para bang nagpapaalam sa kanya.

"Huh ? Importante ba yan ? Pwede bang bukas na lang ? Uuwi na kasi kami ni Vince at may dadaanan pa kami e."  sagot ko kay Clyde na hinihingal.

"Sandali lang to. Gusto ko nang sabihin sayo ngayon at gusto ko na rin malaman ang sagot mo. Please Krystal." hinawakan na ni Clyde ang mga kamay ko at mukang nagpapaawa..

"Sandali lang talaga to uh." sabay tingin ko kay Vince na parang nagpapaalam na sasama ako kay Clyde. "Osige na." sino ba ako para tanggihan ang si Clyde na number one crush ko ? Dala na rin ng kuriyosidad kaya ako pumayag sa gusto niya.

Hinawakan niya yung kaliwa kong kamay at sabay hinila kung saan basta sa lugar na walang tao. Nung papalayo na kami. "VINCE !! Babalik ako ! Promise !" nilingon ko si Vince para sabihin yan sa kanya. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko simbolo ng pangangakong babalikan ko siya..

Dinala ako ni Clyde sa kotse niya na nasa parking lot ng school. Pinagbuksan niya ako ng pinto at dahan dahang inalalayang makapasok. Feeling ko tuloy prinsesa ako kahit lagi naman ganito ang ginagawa niya sa twing ihahatid ako ng bahay.

"Teka Clyde. Bakit siniseat beltatan mo ko ? Maguusap lang tayo di ba ?" nagumpisa na akong magtaka dahil ang alam ko lang e napakasaglit lang nito..

"Oo nga. Ako na ang maghahatid sayo sa bahay. Ibigay mo na lang sa akin ang number ni Vince at ako na ang magtetext sa kanya." binuksan niya na ang makina ng sasakyan at inumpisahan nang paandarin ito. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin pero sana wala siyang gawing masama..

Kinuha ko yung telepono ko sa bag para itext si Vince pero biglang kinuha naman ito ni Clyde na nagmamaneho. "O teka Clyde ! Ano ba yan ginagawa mo ? Nagmamaneho ka.. Ako na lang ang magtetext kay Vince." pero di niya ako pinansin at mukang maytatawagan siya.

"Hello. Vince. Si Clyde to. Umuwi ka na. Ako na lang ang maghahatid kay Krystal paguwi. Bye." sabay baba ng telepono at hinagis sa back seat.

"Oy Clyde ! Ano bang problema mo ?" sinubukan kong hanapin sa back seat ang cellphone ko pero nabigo lang ako. "Wala na yung cellphone ko ! Bayaran mo un."

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now