I Found Love.
By ImTheRocketeer
Chapter 12: Krystal Kidnaped?**
+++
*Krystal's POV**
"Wow, ang ganda ganda naman ng anak ko. Bagay na bagay sayo ang white dress mo." tuwang tuwang sabi ni mama na nasa likod ko. Pagkatapos niyang suklay suklayin ang mahaba kong buhok ay napatingin siya sa salamin at tinignan ang repleksyon naming dalawa. Nasa harap kasi kami ng salamin at nakatayo.
"Mama naman, kanino pa ba ako magmamana? Edi kay papa. Hahaha!" pabiro kong sabi sa mama ko na sa tabi ko lang.
"So, kay papa ka pala nagmana ng kagandahan? Edi binabawi ko na yung sinabi ko." sabay kurot ni mama sa kanang pisngi ko.
"Aray! Mama naman. Masakit po." sabay kinusot ko yung pisnging kinurot. "Mama, kayo naman. Di maloko. Ano yun? Maganda si papa? Hahahaha! Syempre po sa inyo po." sabay yakap ko kay mama at naramdaman ko na parang umiiyak na si mama.
"Ang laki laki na ng baby ko. Dalaga na. Di magtagal, iiwan mo na din kami ni papa mo at magaasawa na.Magkakaroon ng sariling pamilya.." nako! Si mama, nagdrama. Wala naman kami sa teleserye e. -_-
"Mama naman, pwede ba yun? Ako nga lang ang anak niyo tapos iiwan ko pa kayo? Syempre, hinding hindi ko po kayo iiwan. Mas pipiliin ko kayo sa mapapangasawa ko balang araw." pagtapos kong magsalita, hindi na umiimik si mama at pinunas na niya yung mga luha niya sabay tumiwalag na siya sa pagkakayakap..
"Sabi mo yan huh. Oh siya, susunduin ka ba si Vince dito?" sabay lakad ni mama papunta sa may higaan ko at inayos ayos kunwari ang mga unan. Di naman kasi magulo, cheni pa busy busihan para di ko makita ang mga namumugto niyang mata. -__-
"Di ko nga po alam e, mukang magcocommute ako ng ganitong itsura." sabi ko at naglakad papuntang sa may kama para umupo.
"Kung hindi ka ihahatid ni Vince sa gathering niyo, edi yung isang lalaki na naghatid sayo nung isang gabi dito sa bahay. Ano nga bang pangalan non?" muka ang tinutukoy ni mama ay si Clyde. Si Clyde lang naman ang naghatid sa akin dito sa bahay nung isang gabi e.
"Aah. Si Clyde? Ewan ko po dun, di na nga po kami masyadong nakakapagusap ulit non e."
"Oh? Bakit naman? Wag mong sabihing choosy ka na huh. Gwapo kaya yung batang yun." nagnod lang ako kay mama. Tss. Alam ko naman e. Syempre, ayoko namang ipakita kay mama na kinikilig ako dahil ang pinaguusapan namin e ang number one crush ko. HIHIHI!!
"E hindi ko po alam dun. Di na po masyadong nakucross ang daan namin ni Clyde. Baka nagiging busy lang siya." napapakamot na lang ako ng ulo. Di kasi ako sanay pagusapan ang mga lalaking nakapaligid sa akin lalo na kay mama pero pag kay Vince, syempre! With matching hampas hampas pa sa balikat niya dahil sa sobrang kilig. XD
*PIIIT! PIIIT!**
May narinig kaming dalawa ni mama na may bumubusina sa labas ng bahay kaya naman agad akong tumayo para puntahan ito pero nang papalabas na ako ay biglang nagsalita si mama.
"Ayan na si Clyde, mukang siya ang maghahatid sayo. Kung pupunta man dito si Vince e sasabihin ko na lang na nauna ka na." pagtapos niyang magsalita ay ngumiti na lang siya na parang sinasabing 'mag-ingat ka'. Aaaw! So touching ang mama ko ngayon.. Why she acting like that? T_T
Lumapit ako kay mama para yakapin siya ulit pero sa pagkakataong to, mas mahigpit kesa kanina. Ewan ko ba, parang namimiss ko ang mama ko kahit araw araw ko naman siya nakikita kapag nauwi ako. Si papa naman kasi, ayaw pang umuwi. Sa ngayon kasi, nasa ibang bansa ang papa ko para magtrabaho. Nakakalungkot man isipin na kapag nasa school ako, magisa lang si mama dito. Nakakalungkot kayang magisa. Dapat kasi gumawa pa sila ng baby para may kasama sila at may little angel kami dito sa bahay.
YOU ARE READING
I Found Love. *On-Hold*
Teen FictionMeet Krystal Yulin na naghahanap lagi ng pogi ! Oh no ! I mean "LOVE" Kanino niya kaya makikita ang tunay na LOVE ? Kay Vince Philips na SUPER Best Friend niya na simula bata pa e kasama niya na at nagiging komportable siya kapag kausap niya ito o s...