Chapter 10: Something About Her.**

177 4 2
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 10: Something About Her.**

+++

**Vince POV**

"Vince ??" sabi ni Krystal na parang natatakot o kinakabahan. Alam niya kasing ayoko kay Clyde dahil alam niyang wala akong tiwala sa taong to.

Nakita ko na parang may binubulong si Clyde na tipong siya lang ang nakakarinig dahil kahit mismo si Krystal ay hindi napansin ito dahil patuloy pa ring itong nakatingin sa akin.

Nilapitan ko kaagad si Krystal para hilain na ito palabas at nang makalayo na kay Clyde. Talagang ayoko lang sa amoy ni Clyde at sa masamang kutob ko sa kanya..

"Halika ka na." kinuha ko na ang kamay ni Krystal pero marahas naman na hinawakan din ni Clyde ang kamay ko para mapigilan si Krystal na umalis.

"Bakit ka ba ganyan pare. Wala naman akong masamang ginagawa sa best friend mo huh." nagsimula nang magsitinginan ang mga tao dito sa canteen pero nung tinignan ko sila ay umiwas na rin sila at pinagpatuloy ang kanya kanya nilang ginagawa. Binaling ko ulit ang tingin kay Clyde at tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin..

"Wala... ka.... nang.... pake...." dahan dahan kong sinabi kay Clyde at papalapit sa muka niya para mas lalo niyang maintindihan.

"Nakikipagusap lang naman ako kay Krystal pero parang nagSESELOS  KA." inemphasize talaga niya ang pagkakasabi ni Clyde sa huling sinabi. Di lang ako nagseselos, naiinis din ako sa muka niyang mukang hito ! Bwiset !

"Tumigil na nga kayong dalawa, gumagawa na kayo ng iskandalo e." awat naman ni Krystal sa amin na pumagitna pa.

"Pagsabihan mo kasi yang best friend mo na kahit konti bigyan ka ng space. Best friends lang kayo pero umaact siyang BOYFRIEND  MO !" sabi ni Clyde kay sa amin at eto ulit siya, inemphasize ang huling sinabi. POTEK ! Oo ! Best friends lang kami pero di ko naman maiwasang hindi umakto ng ganito no !

"E ang lakas din naman ng loob mong magsalita. Ikaw ? Ano ka ba niya ?" itinabi ko si Krystal sa likod ko dahil ngayon pa lang nararamdaman ko na ang tensyon.. Iba na ang pakiramdam ko at kailangan ng itabi ang pinoprotektahan ko.

"Aba ! Nakakalalaki ka na uh !"

**BOOOGSH !** sinuntok ako ni Clyde pero nakatayo pa rin ako. Hinawakan ko ang panga ko dahil sumakit. Malakas lakas din manapak to uh.

"Lalaki ka ba ?" sarkastikong sabi ko at **BOOOGSH !* sapak ko pabalik sa kanya dahilan para matumba siya. Hina pala ng tuhod nito e.

Hanggang sa nagkakasuntukan na kami at naghihiyawan ang mga istudyante doon. Nakakarami na siya ng suntok sa akin pero mas nakakarami naman ako.

"Tama na yan !!!" rinig ko ang sinisigaw ni Krystal. Gusto ko man itigil to para sa kanya pero kelangan ko ding ilabas ang galit ko sa lalaking to.

Ngayon, nagsasapakan pa din kami ni Clyde. Nasa ibabaw niya ako at sinusuntok suntok pero pagnakakabangon siya at nakakaganti, sa ilalim naman ang punta ko pero ang sabi ko nga mas nakakarami ako ng sapak. Ganun ganun na lang ako kalakas at kamacho.

**PRIIIIT !!* "Tama na yan ! Magsitigil kayo !" napatigil ako sa pagsuntok kaya nakaisa si Clyde sa akin. Potek di niya ba naririnig na may nanunuway ng teachers at guards ? Isang words lang ang nasabi ko."Yari."

Tumayo na ako at ganun na din si Clyde. Nakita ko si Krystal na parang natatarantang natatakot sa nangyayari.. Basag basag ang muka ko lalo na si Clyde. Kahit papano proud ako kasi sa tala ng buhay ko ngayon lang ako nakipagsuntukan at ako pa ang nakakalamang. Mabait kasi ako e.

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now