I Found Love.
By ImTheRocketeer
Chapter 4: Friendship Quarrel**
+++
**Vince's POV**
"Walangya ka !" *boogsh~*
"Teka teka ho.. Wala po akong masamang entensyon. Patawad po.." takot na takot na sinabi ng lalaking nasapak ko habang nakahalandusay sa sahig sa loob ng sinehan.
"VINCE ?" Laking pagtataka at pagkagulat ni Krystal na makita niya ako sa sinehan.
Oo, nasa sinehan ako at sinundan ko sila ng palihim. Gusto kong malaman ang mga ginagawa ni Clyde kay Krystal kapag wala ako sa tabi nito pero iba ang nakita ko. Habang nasa likod ng pader at nagmamatyag kila Krystal ay may nakita akong kahina hinalang lalaking tumabi sa best friend ko.. Dahil sa madilim ang paligid, umusod pa ako ng mas malapit sa kanila para makita kung anong ginagawa at kung anong nangyayari sa kanila.. Matagal tagal den ang lumipas pero habang nagmamasid, ung lalaking tumabi kay Krystal ay parang ung kamay nito ay paunti unting hinahawakan niya ang hita ni Krystal. Sa sobra kong galit at pagkainis sa nakikita ko ay agad kong sinuntok ang lalaki na sadyang ikinagulat ni Krystal at ni Clyde.
"Vince ? Ang akala ko ba umuwi ka na ? Bakit nandito ka pa ?" pagtatanong ni Krystal sa akin..
"Mas gusto mong malaman yan kesa tanungin kung bakit ko sinuntok tong lalaking to." sabay sipa sa lalaking manyakis.
Sa gitna ng kaguluhan sa loob ng sinehan at sa pagdating ng mga guard para umawat sa gulo.
"Ano bang nangyayari dito ? Anong kaguluhang to ?" pagtatanong ng isang gwardya sa amin pero hindi ko pinansin at hinawakan na lang ang kaliwang braso ni Krystal na akmang hihilain.
"Teka Vince. San kayo pupunta ?" hinawakan ni Clyde un kanang braso naman ni Krystal para pigilan kami.
"Wala kang pake !" marahas kong tinanggal ang kamay ni Clyde sa pagkakahawak nito sa braso ni Krystal. "Di ko talaga alam kung anong intensyon mo sa best friend ko pero kasama mo na siya hindi mo pa alam ang nangyayari. Kasama mo si Krystal, kaya may responsibilidad kang ingatan siya sa mga taong hindi niyo kilala pero anong nangyari ? Wala ka pa ring kaalam alam."
"Pero.. Teka Vince." nagtangka pang magsalita si Krystal pero tuluyan ko nang hinila si Krystal palabas ng sinehan at iniwan na lang sa loob si Clyde. Sobrang nakakapikon talaga siya. >_<
"Teka nga Vince !" hinila ni Krystal ang kamay niya sa pagkakahawak ko."Ano bang problema mo ? Bakit lagi mo na lang ginaganon si Clyde ?! May nagawa ba siya sayo kaya ka nagkakaganyan ?! Wala namang ginawang masama yung tao sayo uh !"
"Pinagtatanggol mo pa siya ? Ni hindi ka nga niya maipagtanggol sa mga taong nambabastos sayo e ! Tapos ngayon para sayo ako pa may kasalanan ?!" halos nagsisigawan na kami pero kahit sa mga taong nagtitinginan ay hindi pa rin namin pinapansin.
"Nambabastos ? Wala namang nangyari pambabastos na nangyari uh ! Ano bang pinagsasabi mo ? Masaya lang kaming naguusap ni Clyde sa sinehan habang naghihintay magumpisa." parang may malaking pagtatanong sa muka ni Krystal dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin nakukuha ang ibig kong sabihin.
"Tignan mo ! Hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo dahil ang saya saya mong kausap siya ! Hindi mo na nararamdaman na binabastos ka na ng isa mo pang katabi sa sinehan dahil tuwang tuwa ka sa taong kausap mo ! Ganyan ka na ba ?! Simula nang nakilala mo yung lalaking un hindi mo kayang magfocus sa paligid mo dahil ang atensyon mo nasa kanya la---!?!"
**PAK~*
Parang tumigil ang mundo sa pagkakasampal sa akin ni Krystal at naririning ko na siyang humihikbi. Ngayon lang nangyari sa amin ang ganito. Hindi kami ganito magaway pero parang iba na ito sa noon. Parang wala nang kapatawaran sa lahat ng sinabi ko tungkol sa lalaking un. Sino ba si Clyde para sa kanya ? Ang alam ko crush lang naman niya un pero bakit ganito na lang siya magreact at ipagtanggol si Clyde.
Bahagyang inangat ni Krystal ang ulo niya at ang sabi "Tama na Vince.. Bakit kailangan ko pang mapaliwanag sayo.. Pagod na kong makipagtalo. Ano ba kita ?" sabay umalis na siya sa harap ko at iniwan akong nakatayo na pinauulit ulit sa isip ko ang huling sinabi niya.
Ano niya ba talaga ako ? Isang hamak na best friend lang naman ako at hanggang dun lang.. Sana malaman niya na kung gaano ko siya kamahal, di lang isang best friend....
+++
Maraming araw na lumipas pero walang nagpapansinan sa aming dalawa ni Krystal simula sa nangyari sa sinehan. May mga pagkakataong magkatabi kami sa isang klase pero kung maguusap man, tanungan at sagot lang. Wala nang mahabang conversation o kulitan na namamagitan sa amin. Halos nagiging awkward ang atmosphere kapag walang nagiimikan sa amin. Kapag lunch break o kaya break time hindi na kami ung magkasabay kumain. Kasama na niya yung mga classmate naming babae at ako naman ung mga kaibigan ko. Minsan para na kaming strangers kung magturingan. Parang walang pinagsamahan. Kapag wala naman kaming prof, nahuhulihan kami ng mata, minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at ganun din siya. Paguwian naman, nakikita ko na magkasama sila ni Clyde, nagtatawanan, nagkukwentuhan at hinahatid ni Clyde si Krystal pauwi. Mukang nagkakamabutihan na talaga sila.. :'(
"Pare, napansin ko lang uh. Bat parang di na kayo masyadong nauusap ni Krystal ?" tanong sa akin ng isa kong classmate na lalaki. Ngayon kasi nasa canteen kami..
"Oo nga pare. Napansin ko din yan. Love quarrel ba ? hahaha !" Sabay apir nilang dalawa. Hanep, kanchawan talaga ako ?
"Love quarrel ? Ang kocorni niyo ! Magbest friend lang kami non no ! Mga bading talaga kayo" kahit kelan naman hindi kami magkakaron ni Krystal ng love quarrel kasi friendship lang meron kami e.
"Aah. Siguro friendship quarrel ? Hahah ! Bat kasi hindi mo pa ligawan ? Ikaw den pare, magsisisi ka." pangungulit pa rin nung isa kong kaklase.
"Ang kulit mo den no ? Friendship lang meron kami at hanggang dun lang un.."
Hanggang friendship lang ba talaga kami ? Baka kung lalagpas pa ako sa linya namin bilang magkaibigan baka mawala pa yung kinaiingatan kong pagkakaibigan. Natatakot din akong magtapat, lalo na ngayon mayroon kaming di pagkakaintindihan. Kailan kaya ulit babalik ang pinagsamahan ?
+++
**DRIIING~ DRIIING~**
"Nagbell na. Wohoo ! Tapos na din ang klase~!"
"Tara ! Gala muna tayo. Wala naman tayong projects pa e."
"Haha ! Maganda yan. Tara na. Magsama pa tayo."
"Uy ! Wait sabay na tayo !"
"Oo. Sige pero daan muna tayo sa mall, may bibilhin pa ako e."
Nagkakagulo na sa loob ng room dahil uwian na kaya mejo maingay kasi yung iba nagyayaan, ung iba naghahanap ng kasama sa paguwi pero ako tinitignan lang sila na nakaupo, ayoko pa atang umuwi e.. Parang kami lang ni Krystal dati. Haaays, kung alam lang talaga ni Krystal. Teka, nasan nga pala siya. Inikot ikot ko ang mata ko para mahanap kung na saan siya pero di ko nakita siguro ay nakalabas na at inihatid na naman ni Clyde. Halos inaaraw araw na nila un.. Sila na kaya ?
Di rin nagtagal nakalabas na sila ng room pero ako nakaupo pa rin at parang ang dami daming iniisip. Takipsilim na bago ako nagdesisyong umuwi. Sa tingin ko wala nang tao dito sa campus. Naglalakad na ko sa hallway at ang tahi-tahimik ng paligid, ang mga yabag lang ng paa ko ang tangi kong naririnig..
Paliko na ako ng biglang...
**BOOGSH~**
"Oow ! Gosh ! I'm sorry.." sabay naming pinulot ang mga kartong na dala dala niya.
"Eto oh." sabay abot ko sa kanya ng mga karton.
"Thank you.." sabay hawi ng maikli niyang buhok.. "Sorry huh.. Nagmamadali lang talaga.." at umalis na siya. Nagpatuloy nama ulit ako sa paglalakad pauwi..
Walang imikan at usapang nangyayari kila Krystal at Vince. Magiging masaya kaya si Krystal kahit wala sa tabi nito si Vince ? At sino itong babaeng nakabangga ni Vince sa hallway ? Konaktado kaya ito sa buhay nilang tatlo ? Abangaaan~~~
+++
Kryster's Note: Kyaaaaw !! Tagal ba ng update ? Super busy ata ako at walang inspirasyon kaya di makapagupdate. Mejo maikli to kumpara sa chapter 3. Hehehe. Pero nandito pa rin naman un thought e. ^_^
Leave your feedbacks at don't forget to vote~ Thank you guys. P.s hindi po lalaki ang ulo ko. Magiging down to earth pa rin ako. Charing ! XD
YOU ARE READING
I Found Love. *On-Hold*
Novela JuvenilMeet Krystal Yulin na naghahanap lagi ng pogi ! Oh no ! I mean "LOVE" Kanino niya kaya makikita ang tunay na LOVE ? Kay Vince Philips na SUPER Best Friend niya na simula bata pa e kasama niya na at nagiging komportable siya kapag kausap niya ito o s...