Chapter 3: Poor Vince.**

251 4 2
  • Dedicated to Jameson Austria
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 3: Poor Vince.**

+++

"Iha ! Gumising ka na, may naghihintay sayo dito sa sala. Bilisan mo. Wag kang lalabas na hindi pa nakabihis. May lakad daw kayo"

Weekend na weekend ginigising ako ng nanay ko.. Sa natatandaan ko, nagpuyat ako kagabi kasi ang alam ko wala naman kaming lakad ngayon pero sino ung sinabi ni mama na may lakad daw kami ?? Aaargh ! Ang sarap sarap pa nung tulog ko e. \(~'o'~)/

Lumabas na ako ng kwarto. Di ko sinunod yung nanay ko na bago lumabas e magayos na. Nacurious kasi ako kung sino ung naghihintay dito sa sala. Talagang pagkabangon na pagkabangon ko e lumabas na ko.

Pababa na ako ng hagdan ng makita ko sa sala si Vince. Nakita kong bihis na bihis na akala mong me date. Hmm.. San naman kaya kami pupunta ?

Tumingin siya sa wristlet-watch niya at tumayo sabay sabi "Alas dose na pero antok na antok ka pa. Tanghali na uh, ano bang ginawa mo kagabi ?"

Nainat inat ako habang pababa ng hagdang at kinukusot kusot ang mga mata.. "Anong ginagawa mo dito ? Ang aga aga. Tsaka san ba tayo pupunta ?"

"Di ba sabi ng nanay mo bago ka lumabas ng kwarto mo e magbihis ka na ?" haynako ! Wala nang tanong na nasagot. Para kaming tangang magusap.

"Eee ! San ba kasi tayo pupunta ?"

"Magbihis na ka na kasi ! Umakyat ka na, bilisan mong magbihis huh" aaargh ! Kakulit talaga neto ni Vince. Ayaw pang sabihin. Pasuspense suspense pang nalalaman e. \(>n<)/

"Vince naman !!" I shouted him on the top of my lungs. "Nakakaasar ka. San ba kasi tayo pupunta ?!" ang aga aga pero nagsusumigaw na kagad ako. Gustong gusto ko na kasi malaman e.

"Di mo ba naalala kung anong araw ngayon ? Anniversary natin !" anong pinagsasabi neto ? Di ko naman siya boyfriend para magkaroon ng anniversary. "Taon taon na nga natin to sinecelebrate e. Di mo pa rin tanda ?"

Nagisip isip ako saglit at biglang nagpuff sa isip ko na parang may bumbilyang lumabas. Ay ! Oo nga pala. Friendship anniversary namin. Alam kong baduy ang pagkakaroon ng gantong okasyon pero kung alam nyo lang na napakaimportante to kay Vince. Aaargh ! Nalimutan ko ! >n<

"Oo nga pala no. Friendship anniversary naten.. Hehehehe." napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko. Adek naman kasi, di ko akalaing tanda nya un. "Sige na muna. Aakyat na ko para makapagbihis na.. Sorry huh. Nasigawan pa kita." then I bite my lower lip. Nakakahiya na kasi e.

"Oo na. Ganyan ka rin naman taon taon e. Sanay na ko" tapos umupo na siya ulit at parang binagsakan ng langit at lupa ang muka. Aaargh ! Nakakainis, halos taon taon nga ako ganito. T_T sorry Vince.

Tumalikod na ko at umakyak na ulit para bumalik sa kwarto. Iniisip ko pa din ung hindi ko naalala. Asar talaga, nasigawan ko pa siya. Di ko naisip kagad. Shunga shunga ko naman.

+++

Nasa fancy fastfood na kami sa isang mall at kumakain. Sa naalala ko, dito kami taon taon pumunpunta. Kasi may memories dito nung mga bata pa lang kami.. Actually  halos dito kami nagkakilala ni Vince. Dati, ang nanay at tatay niya ay nasa tabing table lang namin kaya kami naman halos magkatabi den ni Vince. Naalala ko, natabig ko ung cokefloat ni Vince tapos natapon sa kanya e malamig pa yun kaya iyak siya ng iyak non. Hahaha ! Sa twing naalala ko ung tawa ako ng tawa tapos si Vince gumanti ! Sosko, ang ginawa naman kinuha niya yung kinakain kong spaghetti tapos ipinaligo sa akin. Talagang sa ulo ko ang unang bagsak ng spaghetti edi iyak din ako non. Hahaha ! Nakakaloka talaga twing naalala ko un.. Ung mga magulang tuloy namin walang tigil kakasorry sa isa't isa tapos kami ni Vince nagpapaluan na sa likod nila.

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now