Chapter 5: Who Are This Two Little Crazy Girls ?**

181 4 0
  • Dedicated to Anne Marisol R. Sulpico
                                    

Kryster's Note: Hi guys ! Nakagawa ako ng UD ng maaga aga kasi nagkaroon ng long weekend dahil sa bagyo. Wohooo ! Dala na rin to ng walang magawa. XD de joke lang.. BTW. May bago po tayong characters, sila Icon Portacio and Nomi Chan. Hehehe. Salamat ! ((:

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 5: Who Are This Two Little Crazy Girls ?**

+++

**Vince's POV**

Two hours break kami ngayon dahil may important business daw na pupuntahan ang prof namin. Ngayon, ako lang magisang nakaupo sa bench na malapit sa field buti na lang malilim dito dahil sa puno ng talisay. Nakakalungkot kasi ako lang magisa, kung sana walang nangyaring di pagkakaintindihan between me and Krystal edi sana nangungulit siya ngayon..

Wala masyadong tao dito ngayon kaya mejo tahimik, pwede magisip isip ng kung ano ano, magmuni muni, magrelax. Haaay.. Napadekwatro ako at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo ko na nakatingala. Kamusta na kaya si Krystal ? Matagal na den, sana ok siya. Sana inaalagan siya ni Clyde. Napapikit dahil sa ihip ng hangin na nakakaantok..

"HI KUYA !!" Napadilat at napatayo ako dahil sa gulat. May dalawang babae na bumati sa akin.. Di ko sila kilala, ang annoying nila kasi halos bawat galaw nila e nagkakasabay.. Ang pangiti at pagkaway.

"H-Hi.. Bakit ?" napakamot ako ng ulo, ewan ko. Parang nahihiya ako na ewan !

Lumapit silang dalawa sa akin at bahagyang napahakbang ako pabalik.. "Ako si Icon Portacio." inabot niya yung kamay niya sa akin at makikipagshake hands kaya nakipagshake hands din ako.."Hi ! I'm Nomi Chan !" Nakipagshake hands din siya at sabay silang kumaway sa akin... Teka, abnormal ba to ??

"Anong kailangan nyo ?" pagtatanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo para naman hindi na strangers ang tingin mo sa amin ?" sabi nung Icon ? Icon yata kasi siya yung unang nagpakilala sa akin..

"Vince, Vince Philips. Teka, ano ba kasing kelngan nyo ?"

"Since mga first year pa lang kami, gusto lang namin na makipagfriends. Actually, hindi talaga kami taga dito. Transfer lang kami ni Icon." aah.. Friendship ang gusto nilang dalawa. E bat ako pa ? Ang dami dami naman studyanteng nagaaral dito sa campus..

"Aah.. Osige, nice to meet you girls. Aalis na ko." pero nung paalis na nga ako e bigla nilang hinila ung sleeve ko at sabay na nagpout ng lips.

"Dito ka muna. Let's have a little chitchatting.. Puhleassse ?? *pout*" imagine ? Sa haba ng sinabi nilang un e sabay na sabay ? How annoying girls..

"Ok ok, bitaw na muna kayo. Magugusot kasi e." tapos bumitaw na nga sila at sabay na nagyehey. (-__- )

"Kambal ba kayo ?" di ko na matiis, tinanong ko na sa kanila ung gumugulo sa isip ko..

*HAHAHAHA* kahit sa pagtawa e sabay pa sila at nagapir pa.. Aaaysos. Anong nakakatawa sa tanong ko ??

"Sabi na e ! Wala talagang taong hindi sasabihin sa amin yang tanong yan." sabi ni Icon at hinawakan nila ung braso ko at inupo sa bench na nasa gitna nilang dalawa.

"We're most and the best of friends kami nito ni Icon. Hindi kami opposite as in magkasundo kami sa lahat ng bagay. Kahit nga birthday at pangalan ng nanay namin e parehas. Sa tingin namin ang pinagkaiba namin e ang muka. Actually mas maganda ako kay Icon. HAHA !" tapos tinapik ni Icon si Nomi ng mahina pero sa tingin ko naman hindi siya napikon sa sinabi ni Nomi tungkol sa kanya.

"Grabe ka naman makadecribe sa sarili mo Nomi uh ! Nakakatampo ka na. *pout*" kahit nagkukunwaring nagtatampo si Icon e nakuha pang tumawa ni Nomi.

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now