Chapter 2: I fell head over heels in love**

269 6 3
                                    

Kryster's Note: Hi Guys ! Sino nagenjoy sa 1st chapter ? Hehe. Meron kaya ? XD BTW. Enjoy na lang po sa mga magbabasa at sa mga taong excited na magupdate ako. Please leave your feedbacks. Super thank you. ^_^

+++

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 2: I fell head over heels in love.**

Nalulungkot ako sa twing dumadaan ako dito sa hallway kasi halos dalawang araw na ring hindi nakucross ang daan namin ni Mr. Hallway.. Kahit maraming tao dito sa hallway, iisang tao lang ang hinahanap ng mga mata ko. Sa tagal na hindi ko siya nakikita mas lalo ko siyang nagugustuhan, mas lalo akong nalulungkot kapag di ko siya nakikita.

Everytime na dumadaan talaga ako dito, lahat ng memories nagfaflasback. Lahat ng kahihiyang ginawa at sinabi ko naaalala ko kahit minsan naiinis na ako. Yung feeling na mas gusto mong sumambot ng dinamita kesa marinig niya ung mga sinabi ko.

"Pst Pst.. Hey ! Saglit lang !" may narinig akong may tumawag. Ewan ko kung ako pero hindi ko na lang papansinin baka hindi rin naman kasi ako e. Effort pa.

"Pst ! Hey you ! Wait ! Lumingon ka naman." tumawag ulit siya pero sa pagkakataong to, nilingon ko na siya.. Sa paglingon ko......

OHEEMGEEEE ! Sa nakita ko bigla na namang tumahimik ang paligid pero bigla rin atang tumigil sa pagtibok ng puso ko at ngayon pabilis na ng pabilis na parang umingay na sa buong paligid dahil sa pagtibok nito..

"Hi Miss, ikaw di ba ung nakabangga ko nung isang araw tsaka ung babae sa gymnasium ? Actually kahapon pa kita hinahanap kasi gusto ko lang magpakilala kaso absent ako. Matagal tagal na rin kasi kita napapansin dito sa campus." habang nagsasalita siya nagkakamot siya ng batok na parang nahihiya..

"Huh ?" hindi ko siya narinig. May sinasabi pala siya. Busing busy kasi ako kakatingin sa kanya e kaya hindi ko naintindihan ung sinabi niya.. Aaargh !

**DRIIING  ! DRIIING !

"Aah. Wala wala, sa susunod na lang siguro. Osige na, mauuna na ko sayo." umalis na siya at naiwan na naman akong tuliro sa kinatatayuan ko.. Naiinis ako kasi ngayon niya lang ako kinausap at siya pa mismo unang nagapproach tapos hindi ko man lang narinig ? Nakakainis ng maigi talaga ! \(>3<)/

So sobrang disappointment. Naglakad na lang ako papuntang room, nagbell na rin baka nandun na rin ung teacher ko sa first subject.

Papasok na ko pero napansin ko na parang busing busy si Vince. May sinusulat na naman siya sa isang papel. Lagi ko na lang siyang nadadatnang may ginagawa sa natatandaan ko wala naman kaming assignment ngayon. Haaays. Out of curiosity pinuntahan ko pero this time di na ko magpapahalata. Dumaan ako sa likod niya at dahan dahang inangat ang ulo para makita ang sinusulat niya pero sa pagkaangat kong un bigla nyang tinakpan at....

**BOO  !

"AAAAY ! PALAKA !"

**KABLAAAG. (mga sila nagtumbahan at pati ako.) T.T

"Araaay naman." hinimas himas ko ung nasaktang parte ng katawan ko. Ang sakit ng pwet ko. Adik naman e. T.T

"Chismosa ka kasi e, yan tuloy. Hahaha !" asar. Tawa pa nga with matching hampas hampas pa sa desk niya. Aaargh.

Tumayo si Vince at inabot ang isa niyang kamay para tulungan akong makatayo at nung nakatayo na ko, inayos niya na rin mga upuang nadamay ko sa pagkakatumba. Sa sobra kasing sakit, di ko kayang tumayo ng biglaan. Nakonsensya siguro si Vince kaya tinulungan akong makatayo. Siya naman kasi.. Aaargh. \(>n<)/

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now