Chapter 1: Si Mr. Hallway !!

370 5 11
                                    

Kryster's Note: Waaaah ! Story ulit ? Hahaha ! Pasensya sa mga naiinis sa akin dahil sa 6 Days Of Heaven. XD Babawi ako dito. Hahaha ! Support support na lang ulit huh ! Maraming salamat ! \(^u^)/

+++++++++++++++++++

Naglalakad ako sa hallway na feeling nerd sa dami daming librong dala dala ko.. Napansin kong wala masyadong tao ngayon di tulad ng mga karaniwang araw. Parang kung ano mang kahihiyang gagawin mo walang makakakita. Kung madapa man ako walang tatawa at hindi ako mahihiya. Hahaha ! I'M FREEEEE !

Paliko na ako nang biglang......

**BOINK !! (Talsik lahat ng libro sa sahig.)

"GRABE ! Ang saya. Nalaglag lahat ng gamit ko ! Kalaki laki ng daan, mababangga pa ako ! Grabe naman.." Sa sobrang badtrip ko kung ano ano na ung sinabi ko habang pinupulot ung mga gamit kong nagsitalsikan. Pano ba naman di ba, wala namang tao, walang nagsisiksikan pero bakit me banggaan portion ! Aaargh !

"Miss, sorry talaga. Di kita nakita kasi e. Nagmamadali lang talaga ako. Pasensya na." aba ! Sa laki kong to di niya ko nakita ? Aaargh ! Masasapak ko na talaga to e.

"Sa susuno----" naputol ako. Nablangko ako bigla. Nawindang sa nakikita ko ngayon. Pagkabigay na pagkabigay niya ng mga gamit ko parang bigla na lang nagshut down. Isa lang ang masasabi ko sa nakikita ko.

"Ang liwanag mo. Saan planeta ka nanggaling at ngayon lang kita nakita.." siyet. Anong sabi ko ? Nababaliw na ko. Bat ko sinabi sa kanya un !!!

"What ? Ok ka lang ba miss ? Nagkabrain damage ka ba sa pagkabangga ko sayo ??" brain damage ? Oo ata ! Nako ! Naloloka na ako. Nakakahiya yung sagot ko. Nung una sinusungitan ko siya pero ngayon iba na ung sinasabi ko. Nakakaloka na talaga.

"Ah. E. Ano. Aaahm..." un lang bukod tanging lumabas sa bibig ko. Sa sobrang kahihiyang ito halos lahat ng pawis, langis at mantika sa katawan ko e lumabas na. Parang gusto ko nang lumubog na lang sa kinatatayuan ko kesa makipagusap pa sa ubod ng gwapong ito.

"Ok ok.. Sorry ulit. Kelangan ko na ring mauna. Sorry sorry." sabay lumagpas na siya sa kinatatayuan ko pero kahit gaano na siya kalayo sinusundan ko pa rin siya ng tingin.

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Love at first sight ba to ? Grabe, ang bilis ko talagang mafall. Kahit nabangga niya na ako lahat lahat, nainlove pa rin ako.

Naglalakad na ako papasok ng room pero dala dala ko pa rin ang ngiti sa muka ko at tingin sa kawalan. Di ko pa rin malimutan ang naging experience ko kanina lang.

Back to reality.

Nakita ko ung bestfriend kong si Vince na may sinusulat sa piraso ng papel kaya nilapitan ko siya para tignan kung ano ung sinusulat niya pero pagkalapit na pagkalapit ko bigla na rin niyang tinago. Aaargh ! Dapat pala hindi ako nagpakita. Hehehe. >:D

"Ano yung ginagawa mo Vince ? Assignment ba yun ? Pakopya. Hehehe."

"Pakopya ka jan ! Gumawa ka ng sayo no ! Oo nga pala, bat ngayon ka lang ? Dati ikaw ang nauunang pumasok kesa sa akin uh." sa pagkatanong sa akin ni Vince, naalala ko na naman ung nakabanggaan ko sa hallway. Napangiti na naman ako bigla at nawala sa wisyo.

"Nakangiting aso ka naman jan ? Un pa lang natatanong ko ngumingiti ka na. Ano bang nangyayari sayo ?" nagtanong ulit si Vince. Di ko kasi kayang sagutin ung mga tanong niya dahil sa naalala ko. Hahaha ! Nikikilig ako ! XD

"Alam mo Vince kasi may nakabangga sa akin kanina sa hallway papunta dito."

"E ano naman ? Tanga tanga ka kasi, di natingin sa dinadaanan e."

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now