Chapter 6: Best Friends forever !**

162 3 0
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 6: Best friends forever !**

+++

**Krystal's POV**

Pag ka labas ko ng room, napansin kong patay ang ilaw. Kinalibutan ako kasi biglang humangin ng malamig. Kahit ganoon, mas pinili kong magdire-diretso..

Paliko na ako ng hallway at may natanaw ako sa malayo na lalaking nakacoat at napapalibutan ng mga kandila na nakaayos na nakakorteng puso. Mejo lumuwag luwag yung dibdib ko sa takot dahil akala ko e walang tao dito sa hallway yun nga lang ang weird weird ng mga nangyayari..

Naglakas loob pa din ako tumuloy.. Habang naglalakad padiretso sa liwanag ng mga kandila ay may biglang kumalbit na batang lalaki na ang edad ay parang na sa anim o walong taong gulang. May halong pagtataka dahil sa may bagay siyang inaabot sa akin..

"Ate, may nagpapabigay po." sabay bigay sa akin ng isang piraso ng pulang rosas at may nakalakip na maliit na sulat.

"Aah. S-sino ? Pwede mo bang sabihin ?" at tinanggap ko ang binibigay ng bata.

"Dumiretso na lang po kayo para malaman niyo po kung sino po. (^u^)" itong batang to kahit sobra na sa paggamit ng 'PO' ay marunong na rin kaagad maglihim ?! Nako naman.. Nakocurious tuloy ako lalo kung sino yung lalaking nakatalikod sa may dulo ng hallway.

Tumakbo na paalis yung batang kausap ko kanina.. Naiwang nakatayo pa rin ako kung san niya ako iniwan.. Sa binigay nung bata may maliit na piraso ng papel na nasulat "Miami Heat ka ba ?" Miami heat ? An'to ? Lokohan na ata to. Hahahaha ! Pero dahil sa sobrang nakucurious na ko kaya naglakad ulit ako padiretso.

"Ate. Bulaklak po oh." sa pagkakataong to, batang babae naman ang nagbigay at sa tingin ko nasa anim o walong taong gulang rin ang edad.

"Salamat." inabot ko rin naman kaagad yung bulaklak na inaabot nung bata at tumakbo na rin kaagad paalis. Binasa ko na rin yung sulat na nakalagay at ang sabi "Sa puso ko kasi, panalong panalo ka e". Sa nabasa kong yun, nakaramdam ako ng konting kilig at nagkaroon pa lalo ng interes kung sino ba yung lalaking nakatalikod na yun.

May mga sumunod pang mga bulaklak at sulat...

"Tae ka ba ?"

"Kasi mahal ki...TA-E !"

At ang huling sumunod...

"Halika, samahan mo ko. Punta tayong home for the agent."

"Kasi I wanna grow old with you e"

Palapit na ako ng palapit sa lalaking nakatalikod. Ngayon, nakaramdam ako ng tensyon at kaba.. Ewan ko kung bakit. Naglakad ulit ako at dumaan sa mga red petals na nakakalat sa sahig..

Sa pagharap ni Mr. Unknwon e nakamaskara naman. Pabitin naman, akala ko makikita ko na siya..

"Krystal, araw ka ba ?" sa pagsalita niyang yun parang pamilyar.. Parang si Clyde...

"B-bakit ?" napahigpit ang pagkakawak ko sa mga rosas. Tama ba tong ginagawa ko.. Nakakaloko na kasi e. Di ko to inaasahan..

"Kasi you light up my world like nobody else e."  at sabay tanggal niya ng maskara at ang nasa likod nito ay si Clyde at dahilan para mapatras ako ng konte.

"Clyde ?" sabay ngumiti siya at lumuhod sa harap ko at dahil don ay napaatras na naman ako. "Ano ba to ? Ano tong ginagawa mo ? Anong ibig sabihin nito ?" pero hindi niya pinansin yung mga tanong ko. May kinukuha lang siya sa bulsa niya na maliit na nakakahon.

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now