Chapter 11: For The Second Time.**

166 2 0
                                    

I Found Love.

By ImTheRocketeer

Chapter 11: For The Second Time.**

+++

*Vince's POV**

Time Check: 10.26am

Date Check: March 5, 2017. Saturday.

To: Krystal

 Best friend! Samahan mo naman akong bumili ng maisusuot para mamaya sa gathering.

...Message Sent.

Wala pa pala akong maisusuot para mamaya. Di ko din naman kasi aakalaing sasama talaga ako e. Ngayon tuloy, namumoblema ako sa gagamtin ko. Tinext ko si Krystal para samahan ako saglit sa mall para makapamili na.

*BZZZZZT!** (vibrate ng cellphone ko.)

From: Krystal

 Wrong timing ka naman best friend e! Nasa salon kasi ako ngayon. Hindi kita masasamahan.. Ikaw na lang! Malaki ka na. Kaya mo yan. Hahaha! Ingat brad!

...Message Delete.

Ang malas. Sino pwede kong yayaing samahan ako? Asar. Ayokong magmall magisa no. Tsk!

Icon Calling...

Sakto namang tumawag si Icon. Napaisip isip ko na kung sila ni Nomi na lang kaya ang yayain ko. Hmmm..

"Hello?" bati ko nung masagot ko na ang tawag niya.

"Kuya Vince! Hi! Kamusta? May gagawin ka ba ngayon?" sabi ni Icon sa kabilang linya.

"Ahmmm.. Bakit mo natanong?"

"Mall tayo! Samahan mo kami ni Nomi bumili ng shoes para mamayang gabi!"

"Tamang tama. Naghahanap nga din ako ng makakasama mamili din e. Osige, kita kita na lang tayo sa mall. Ok ba yon?"

"Oo ! Sige sige !" masiglang sagot ni Icon at pagkatapos nong ay nagpaalam na ako sa kanya.

Ayos! Buti may makakasama na at saktong sakto naman na dun din sila pupunta. Kaya nagmadali na din akong nagbihis at nagayos para makapunta na din kaagad sa mall. Ayoko namang maghintay yung dalawa dun..

30 minutes past, paalis na ako ng bahay para puntahan sila sa mall. Ginamit ko na rin yung sasakyan ni papa para mas mabilis at tsaka para maihatid ko din sila sa bahay nila..

"Nasan na ba yung dalawang yun?" tanong ko sa sarili habang tinitignan ang paligid. Minsan kasi kung saan saan na lang sumusulpot yung dalawang yun e. May lahing mushroom kasi yun sila minsan.

(.")

(".)

(.")

('_')

Sa tagal na paghahanap sa kanila dito sa tapat ng isang fast food e nakita ko din sila. Mukang nakapamili na. Napatagal ba ako o sadyang excited lang sila.

Nung makita na ako ng dalawa, agad agad na din silang pumunta sa kinatatayuan ko.

"Vince! Nandito ka na pala. Bakit hindi ka man lang nagtext?" unang pagbati ni Nomi sa akin sabay higop ng zagu niya.

"Oo nga! Nauna na tuloy kaming makapamili sayo." pinakita sa akin ni Icon yung mga paper bags na dala dala nila at mukang hindi lang sapatos ang binili nila. Pati ata yung botique na pinagbilhan nila e sinama nila. -__-

"Mukang mauuna na kayong umuwi niyan at mukang hindi niyo na ako masasamahang bumili ng sa akin." sabi ko at nagnod silang dalawa at tumabi sa akin.

I Found Love. *On-Hold*Where stories live. Discover now