I Found Love.
By ImTheRocketeer
Chapter 9: Perhaps Love? WAAAH!**
+++
**Krystal's POV**
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Ngayon pa lang ako uuwi, dahil mejo nagenjoy ata ako sa pagkain ng street food lalo na ang kalamares. Hehehe.. Tapos nun pumunta kami sa park, naglandian sa may fountain. Buti nga mabilis natuyo yung damit namin e. Tapos nakipaglaro sa mga bata doon sa park tapos ang dami pa kaya alas nuebe na ako naihatid ni Clyde dito sa bahay.
Tinanggal na ni Clyde ang pagkakaseat belt sa akin at agad ding lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Di ba how gentle he is. Hihihi ! Kilig tagos sa bones ang peg ng lola niyo..
"Ahmm.. Paano na. Eto ka na sa bahay niyo.. So..... Bukas ulit ?" nasa likod ko na ang gate ng bahay at kaharap ko si Clyde ngayon. Awww ! Talagang nakakakilig kasi naman parang sa koreanovela lang to nangyayari e. \(*U*)/
"Hehehe.. Osige, kung may oras." i said with a big smile. Medyo nahihiya pa nga ako etong lagay na to e. Hehe.
"Meron yan.." nginitian ko lang siya at biglang nanahimik kaming dalawa pero agad din naman siyang nagsalita. " Osige na. Pasok ka na sa loob. Sisipunin ka pa dito sa labas e." at mismo siya na ang nagbukas ng gate namin para papasukin ako. Kyaaaah ! Nanlalambot na ang tuhod ko sa sobrang kilig~~
"Ah ! Ah... Ako na ako na." sabay agaw ng pagkakahawak sa gate at nginitian na lang siya.
"Hmmm.. Osige. Ako, mauuna na huh.." naglakad na siya papunta sa sasakyan niya at pumasok na. Pinaandar niya na ang makina at umalis na. Kahit medyo malayo na siya sinusundan ko pa rin ng tingin ang sasakyan niya.
Sobra pa sa grabe ang kilig na nararamdaman ko ngayong araw na to.. Actually, hindi ako sigurado kasi di ko na matandaan kung anong nangyari kaninang umaga e.. Ang bukod tanging tumatak lang sa isip ko e ang date namin ni Clyde. Haaay nako.. Ang ganda ko talaga. Heheh. De joke lang. ^_^v
Binuksan ko na ang gate at pumasok na sa loob ng bahay. Nadatnan ko ang nanay ko na nasa sala. Nako ! Lagot. Anong ipapalusot ko para di masyadong mapagalitan..
"Sino yung kasama mo ? Gwapo uh." waaah ?! Nagulat ako sa pabungad na tanong ng mama ko ! Hahaha ! Astig si mama. XD
"Po ?" nagmaangmangan pa at pigil na pigil ang kilig na nararamdaman kasi nasa harap ko ngayon ang nanay ko. Baka sabihin e lumalandi na ako.. "Wala po yun. Akyat na po ako." hahakbang na sana ako sa hagdan pero nagsalita ulit ang mama.
"Iha, dumaan pala dito si Vince." si Vince? Oo nga pala. Biglang nagflash back sa isip ko yung huling sinabi ko kanina..
**Vince ! Babalik ako ! Promise !** Ay nako ! Nakakainis. Nagpromise promise pa ako di ko naman pala matutupad.
"Oy. Krystal. Natulala ka. Wag ka jan matulog." ay si mama, nakatayo akong matutulog dito sa hagdan ? Me nakain ba to ?
"Mama naman. May iniisip lang po ako." bumalik ako sa sala para mas makausap si mama. "Mama, ano po palang sabi niya ?" sabay upo sa tabi ni mama.
"Natanong niya lang kung nakauwi ka na ba at sabi ko hindi pa."
"Yun lang po ? Wala nang iba ? Hindi po ba galit ang itchura o ano man ?"
"Wala na, yun lang ang sinabi.. Bat ba ang matanong ka ngayon ? Bat di mo na lang siya kausapin bukas ?" tumingin si mama sa akin at nakasimangot. Ayaw niya kasi sa matanong tao pero ako tanong ng tanong.. Kulit di ba ? XD
YOU ARE READING
I Found Love. *On-Hold*
Teen FictionMeet Krystal Yulin na naghahanap lagi ng pogi ! Oh no ! I mean "LOVE" Kanino niya kaya makikita ang tunay na LOVE ? Kay Vince Philips na SUPER Best Friend niya na simula bata pa e kasama niya na at nagiging komportable siya kapag kausap niya ito o s...