Chapter 3: Job or Love Hunting?

219 15 1
                                    

Maaga akong nagising kahit pagod ako, at tingin ko may jet lag pako. Late reaction nga ang jet lag ko eh.

Kahit gano pa kakomportable dito sa apartment ni Zee naninibago parin ako. Namimiss ko na din agad ang higaan ko tsaka sila ni mama. Kahit gano pa kagulo sa bahay namin hindi ko maipagkakaila na namimiss ko na din sila..

Pagulong-gulong ako ngayon dito sa kama ko habang si Zee naman mahimbing ang tulog sa kabilang kama. Alas 6 pa nang umaga kaya humihilik pa sya, tulo laway pa! Napaupo ako at nakita ko ang phone ko na nakapatong sa mini shelf na nasa pagitan namin ng kama namin ni Zee. Nung binuksan ko yun.

30 Text Messages Received

Agad-agad kong binuksan ang inbox at BOOM! 10% nang mga text ay GM yung 90% ay mga text ni Christ! Grr! Kasalanan to nung pangit na epal eh! Kasalanan ko ba kung gwapo sya? Ay erase erase! Pangit pala sya! Kung hindi nya ko na-stress sa kanya kahapon edi sana nagka-oras pa ako na tignan ang phone ko! Hay!

Imbis na magwala ako sa galit, tinext ko nalang agad si Christ. Sa tingin ko kasi gising na sya ngayon.

To: Christ

Hey. Pasensya na hindi ako nakatext sayo eh medyo busy kasi kahapon tsaka may demonyong nagstress sakin.

Hindi ko pa pala masyado na elaborate ( chos.english! xD ) kung pano ko nakilala si Christ.. Sabi ko na na nagkakilala lang kami sa SNS tapos hindi ko naman sya masyadong pinapansin, nakikita ko naman sa mga post nya about Jessamine. Fan sya sguro nito.

Tapos ayun tinopak, isang araw lang bigla nalang sya nag-chat. At dahil gwapo sya............. Ayun! Chatmate kami hanggang humingi sya nang number at halos ang tagal naming nagtetext at nagtatawagan.

Mabait naman sya eh tapos hindi mahilig sa babae (sabi nya) kaya nagustuhan ko sya. Pero sa kabila dun nagdududa ako, kasi yung pagkilala ko sa kanya parang PERFECT PRINCE kung baga. Yung hindi ka sasaktan at lolokohin. Kaya ayun parang nasabi ko sa sarili ko na, may ganun ba talaga ngayon? At dahil isa akong dakilang idealistic pagdating sa LOVE, umaasa akong SANA totoo nga yung pinagsasabi nya kahit anjan ang DUDA.TOO GOOD TO BE TRUE.

Hindi ko sinabi sa kanya na nandito ako sa Manila ngayon, gusto kong hulihin kung totoo ba ang pinagsasabi nya na nag-aaral ba daw sya isang Rock Academy na gusto ko ding pasukan someday. Ganun naman talaga ang plano ko eh, istastalk ko sya. Malay ko ba na baka may girlfriend na yun at pinagtitripan lang ako. May balak nga akong pumunta sa school nya mamaya pagkatapos kong mag job hunting kasi hindi pa naman closing nila. Gusto ko din kasi makita ang school. May picture naman sya sa SNS kaya makikilala ko naman sya kung makikita ko sya sa school na sinasabi nya..

Mga 7am na nung nagreply siya..

One Text Message Recieved

From: Christ

Okay lang. Kumain ka na? Ang aga mo ngayon ah. Asan ka ba ngayon?

Nanibago siguro siya na maaga akong nagising. Madalas kasi 9 or 10am ako gumigising pag walang klase. Sinabi ko pa naman pag naninibago ako sa lugar dun lang ako maagang gumising.

Kaya imbis na replyan ko sya naligo nalang muna ako at nagluto nang pagkain para sa almusal namin ni Zee. Tulo laway at sarap ang tulog nya eh.

Ion's POV

When i woke up, i immediatley went to the bathroom to take a bath. Maaga akong pupunta ng office kahit tinatamad ako. That girl yesterday was really stupid. I'm f*ckin pissed because of her clumsiness and her stupidity. Na-late na nga ako sa appointment ko kahapon dahil sa tagal nang pag-gising nya sa eroplano. Tulo laway na tapos nagsi-sleep talk pa! Pinagalitan nya pa ako just because i woke her up in the middle of her fantasies of having a prince in her dream.. Minalas pa talaga ako sa kanya! Hindi pa ako nakatulog nang maayos dahil sa inis sa kanya. Hinding hindi ko talaga makalalimutan yung mukhang yun na nakapagmalas-malas sakin. Mabuti hindi nagalit masyado ang investor sa kompanya. Kung hindi malilintikan talaga sa akin ang tulo laway na babaeng yun..

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon