Chapter 11: The Robot Model

147 15 2
                                    

Oliver’s POV

Papunta kami ngayon sa recording studio kasama ang banda, pinatawag kasi kami ng papa ni Shawn which is our manager para pag-usapan ang success ng concert namin. I hope he’ll give us girls as a reward of our success bwahaha!

Papasok na sana kami sa office nang may nahagip akong isang babaeng pamilyar sakin..  Lalapit sana ako kaso tinapik ako ni Drake.

“ Oliver? Ano pa bang tinitingin-tingin mo jan? Pumasok kana, naghihintay na si tito sa loob.”

 Tumango lang ako kay Drake, nilingon ko muli kung saan yung babae pero wala na sya dun. Malamang namamalikmata lang ako. Tsh. Grabe talaga ang epekto ng babaeng yun, napapahallucinate na ako ng di oras.

Nasa loob kami ngayon sa office ni tito Sebastian, ang daddy ni Shawn which is also our manager.  Nakaupo kaming lahat sa malaking sofa katapat ng sofa din ni tito Sebastian. Nakangiti syang humarap samin habang hawak-hawak ang kape na iniinom nya.

“ Before I will tell you the good news,gusto ko kayong i-congratulate dahil sa success na naman ng concert nyo. Sold-out ang tickets nyo at madaming gusto kayong kunin para mag-advertise sa iba’t-ibang malalaking kompanya. Na-settle ko na lahat nang mga i-aadvertise nyo at ang mga susunod pa ninyong mga concerts at syempre yung irerelease nyo naman na album. The good news is..”

Napataas ang kilay ko dahil sa pa-thrill effect ni tito. Dinadalangin ko na sana .. Sana nga chix ang ibibigay nya samin. (as if)

 “For now, I want all of you to have a break. I’ll give you a free vacation for 3 days, dun kayo magsti-stay sa resthouse ko sa Cebu. Is that okay with you? “

Direkta at dire-diretso na sabi ni tito Sebastian.. CEBU for real?  Aww, akala ko bibigyan nya kami ng hot chic .. -__-

Napatayo si Jeremy sa sobrang saya habang niyayakap si tito. Mukha tuloy syang bading.           

“Salamat tito! Makakapunta na din ako sa Cebu! Maraming nagsabi na marami daw dung magagandang beaches. Sana makapunta din tayo sa gig ng Drive Me To Juliet! Gusto kong makita ang crush kong mala-Hayley Williams ang boses!”

Naka poker face lang ang mukha ni tito habang niyayakap nya to. Napa face palm nalang din ako sa ginagawa nya adik lang kay Kaye Racho ehh. =____=

“ Oo Jeremy, alam kong excited ka, pero pakibitaw  naman. Hindi ako makahinga sayo. Para kang bading makayakap eh. “

Napabitaw naman agad si Jeremy at napakamot sa ulo. Tumawa lang kami, eto talaga ang gusto ko sa banda namin, parang magkakapamilya lang. Nakita kong si Shawn tahimik lang na walang kaemo-emosyon as usual, habang si Drake nagtetext. Maya-maya’y tumingin si Drake kay tito habang nakangiti.

“ Tito, pwede po bang magpasama? “

Siniko ni Jeremy si Drake na parang inaasar ito.

“Sino bang isasama mo Drake? Yun bang babae na pinapunta mo sa concert? Si Kiarely ba yun? “            

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon