Chapter 5: First Day With The Monster

205 16 2
                                    

Kiarely's POV

*boink* *boink*

Nagising ako sa kakalundag ni Zee.

Eto na naman ang daily habit niya. Ang manira ng moment ko kasama ng mga unan at higaan. Panira talaga kahit kailan!

"Hmm.. Zee! Tumigil ka nga! Natutulog pa ang tao eh!"

Sabi ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.. Patuloy pa din sya sa paglundag-lundag sa kama ko. Tapos bigla nalang nya akong dinaganan.

"Ano ba Zee! Ang aga-aga pa eh. Patulogin mo muna ako pleaaaaase!"

Pagmamakaawa ko sa kanya. Pagod na pagod talaga ako sa kakalakad kahapon. Kailangan ko nang madaming tulog! ~___~

"Gutom nako Kia! Kain na tayo! Alas nwebe na nang umaga!" -Zee

"Mauna ka na Zee. Hindi pa naman ako nagugutom eh. Tsaka tulog talaga ang kailangan ko ngayon. Mauna kana, baka malate ka pa sa trabaho mo."

"Hindi ako papasok, ikaw? Hindi ka ba magpapatuloy sa paghahanap ng trabaho?" -Zee

Bigla nalang nawala ang antok ko at napabangon bigla. Shucks! Nakalimutan ko! Hindi na pala ako maghahanap ng trabaho kasi may trabaho na ako! At first day ko ngayon!

"Aray Kia! Hinay-hinay naman sa pagbangon! Nahulog tuloy ako!" -Zee habang hinihimas himas ang likod nya

Hindi ko namalayang nahulog pala si Zee. Grabe pala ang pwersa ko pag nabibigla ano? =____=

"Zee! May trabaho na pala ako! Nakalimutan ko! First day ko ngayon! Siguradong sabon ang aabutin ko sa aking among gwapo! Na hindi ko kayang abutin!"( kung hindi po obvious kinakanta nya ang bridge part nang Time In na kanta ni Yeng Constantino xD )

Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko. Tumayo naman ako para kumuha na ng damit at gamit sa paliligo. Si Zee naman hindi ako tinatan-tanan, nagmamadali na nga yung tao!

"Anong among gwapo? Saan ka na ba nagtatrabaho?" -Zee

Pumasok naman ako sa banyo, sinarhan ko si Zee pero patuloy pa din sa pagtatanong.

" Uy Kia! Sino yung amo mo? Gwapo ba? Bakit hindi mo sinabi sakin?"

Sabi ni Zee habang kinakatok ang pinto. Basta gwapo talaga, hindi ka nya titigilan!

"Mamaya ni Zee! Ikikwento ko sayo. Tantanan mo muna ako okay?"

"Tsk! Oo na nga! Maghahanda na ako ng almusal." -Zee

Atlast wala nang sagabal!

Pagkatapos kong maligo dali-dali akong nagbihis at nag-ayos. Pagtingin ko sa salamin...

@___@  Whoa! mukha akong living dead! Pero bahala na nga. Baka double dead ang labas ko nito mamaya sa amo kong halimaw!

Pagkalabas ko sa kwarto pumunta ako ng kusina at andun na si Zee naghihintay.

"Oh ano na?" sabi ni Zee habang kumakain ng toasted bread.

Umupo naman ako sa upoan na nasa harap ni Zee at kumain na din.

"Anong ano?"

" Sagutin mo na yung mga tanong ko! Ano ang pinagtatrabahuhan mo? Anong pangalan nung boss mo na gwapo? " -Zee

"Ahh. Insurance company yun. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nung amo ko."

Napabuga naman si Zee ng gatas na iniinom nya nung sinabi ko yun.

" What? Hindi mo alam? To think na gwapo ang boss mo pero hindi mo man lang inalam ang pangalan nya? " -Zee

" Eh nawala sa isip ko eh. Tsaka Zee! Yung lalaki sa airport, sya yung amo ko! Yung pangit na epal! "

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon