Chapter 9: Somewhere In Neverland

179 12 20
                                    

A/N: May konti akong inedit sa ibang parts nang Chapter 1 to 5 ata para mas polished sya.. Okay lang kung hindi nyo babasahin, pero mas better kung babasahin nyo ulit. xD Hindi ko naman kayo pinipilit. Pupunta pala ang banda ni Drake ( CNBlue) sa Pilipinas ngayong 2014.. :D Punta kayo ah? x)

-kinx

" Kia!!!!! Huhuhuhu " 

Lumapit si Zee sakin habang bitbit ang sangkaterbang damit. Kala mo kung ano talaga ang pupuntahan, gig lang naman. =_=

" Anong problema ? Bakit mukhang namatayan ka jan? " 

Naupo si Zee sa kama ko at ibinagsak lahat ng damit dun. Napabuntong-hininga naman sya na akala mo kung ano kabigat ang problema.

" Huy Zee, ano nga ba ang problema mo?  Kutosan kita jan eh! " 

Parang baliw naman syang umiiyak.habang ginigulo ang buhok nya. Ay ewan .. =_=

" Kia! Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko!!!!! Huhuhuhuhu! " 

Napailing nalang ako at natawa. Baliw talaga si Zee kahit kelan. Akala mo sya pa yung ininvite eh. Mas problemado pa sya sakin.

" Cge na nga, tutulongan kita.." 

Kinuha ko yung mga damit at namili ng nababagay sa kanya. Sa totoo lang, bagay naman talaga sa kanya kahit ano. Hindi ko naman maitatanggi na may ibubuga talaga ang kagandahan nya, at sexy diin sya, kaya lahat bagay naman sa kanya..

" Eto Zee oh.. Eto.. Eto pa.. "

Inabot ko lahat yung mga damit na babagay sa kanya. 

" Ayoko nito Kia. Ayoko nito. At nito.. Ayoko nito! "

Halos lahat na yun ayaw nya! Naknang! Sarap sapakin eh! 

" Bahala ka nga jan! Ewan ko sayo, magbibihis na din ako. " 

Pumunta nako ng CR para fresh naman akong pupunta dun sa gig ni Drake. Kahiya naman, baka mapagkamalan pa ako mamayang dakilang utosan. 

Paglabas ko nakita ko si Zee na bihis na. Buti naman, kala ko hanggang bukas pa sya matatapos sa kakapili lang ng damit ehh.  Naka sleeveless lang sya na dirty white tsaka nakalugay lang ang mahaba nyang buhok na may curl sa baba. Jeans lang din ang sinuot nya sa pangbaba at naka high-cut. ( see picture on the side to picture out Zee)  Naka-light make-up lang din sya. Ang ganda-ganda nya! *O* Parang model lang. Sana nagmodel nalang sya, may potential eh ..  Ako naman, simpleng red na parang sweater ang suot ko at naka skinny jeans din tsaka naka-sneakers..

" Oy Kia! Bakit nakanga-nga ka jan? Nagagandahan ka sakin no? Natotomboy ka na? Sorry pero di kita type. " 

Pang-iinis na sabi ni Zee.

" Tomboy agad? Asa ka! " 

" Hahaha! Aminin! " 

" Ewan ko sayo. Halika na nga! Baka malate pa tayo nyan eh.. " 

Paglabas na paglabas namin, may naka-abang na sasakyan sa harapan ng apartment ni Zee. Lumapit naman samin ang lalaking naka suit na itim. 

" Kayo po ba si Miss Kiarely Fuentes? " 

" Sya po! Sya si Kiarely Fuentes! "

Sabi ni Zee habang tinuturo ako. As usual, inunahan na naman nya ako.  

" Pinapasundo po kayo ni Sir Drake. This way maam. "

Sumunod kami sa kanya papunta sa limousin. Sa lahat ng sasakyan, ito lang talaga ang kilala ko. 

Grabe si Drake, may special treatment talaga eh no? Kinikilig tuloy ako. Hindi ko yun idedeny!  

" Uy Kia! Pa-VIP tayo ahh. Ang swerte mo naman kay Drake! Sana may masungkit din akong katulad nya mamaya.. Yieeee! "

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon