Chapter 13.1: Cebu Trip

80 8 0
                                    

Zee's POV 

Nakabusangot ang mukha ko habang naghihintay sa JERK na susundo sakin.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako hindi na excite sa outing. Mahilig ako sa adventure and out of town trips pero ngayon parang nawalan ako ng gana. Sino ba naman ang gaganahan mag-outing kung may kasama ka namang JERK na alam mong maglalandi lang dun? Gagawin pa akong chaperone nya, ano sya siniswerte??? Sasamahan ko lang sya kung kailangang kailangan nya talaga ako. But NEVER, as in capslock NEVER  ko syang alalayan pag may kalandian sya. Over my dropdead gorgeous body! 

" Oh Zee, nakabusangot na naman yang mukha mo. Hayaan mo na kasi yun. Atleast libre ang bakasyon mo sa cebu! " 

Nasa tabi ko si Kia na naghihintay din nang sundo nya. Hahatid daw sya nung Mr. Gwapo na amo nya. Buti pa talaga si Kia. Alam kong magiging masaya yung lakad nya, lalo na't kasama nya yung amo nyang gwapo. Eh ako? Malas. Kasama ko si JERK. 

" Tsk. Kia, gagawin nya lang akong alalay dun. Magmumukha akong yaya nya dun. Kung wala lang talaga akong konsensya sana hinayaan ko nalang na iika-ika ang ugok na yun. "

Napabuntong hininga ako. Feeling ko talaga mabigat sa loob ko ang pagsama sa kanya. Hindi lang dahil magiging alalay nya ko, kundi ayaw ko talagang ma-attach sa kanya. Ayoko na maulit yung dati. Bwisit. Kung pwede lang magback-out eh. Mag back-out nalang kaya siguro ako ? Tama! Ba't hindi ko agad inisip yun?

Mamaya'y may nagpark na sasakyan sa harap ng apartment. Bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko. 

Pero nung binuksan nito ang bintana ng sasakyan nakahinga ako ng maluwag. Si Mr. Gwapo na amo pala ni Kia. 

" Hop in. " 

Ang swerte talaga nitong si Kia. May Drake at Mr. Gwapo. Mas bet ko lang to si Mr. Gwapo kasi nalalandi nung Jessamine si Drake eh. Sus! Kung makita ko lang yung Jessamine na yun, humanda sya sakin. Magbabayad sya sa ginawa nya kay Kia.

" Uy Zee. Nakatunganga ka jan ? Mauna nako ah? " 

" Oh sige. Ingat kayo. Lalo na ang amo mo, baka kasi gahasain mo..

A-aray naman Kia! " 

Makabatok naman tong babae nato.

" Baliw! Sige na. Basta enjoyin mo lang yung bakasyon. Wag kang magpadala sa kanya. Wag kang masyadong magpa-alalay okay? "

" Oo, alam ko. As if naman magpapaalalay ako dun. " 

At magba-backout ako kaya walang pag-aalalay na mangyayari. 

" Good. Sige na bye na. Nakakunot na kasi ang noo nang halimaw. Baka kainin ako ng buhay. " 

" Ikaw Kia ha. Baka ibang kain yan ah. " 

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon