Chapter 13.2 : Cebu Trip

81 7 4
                                    

Oliver's POV

" Makatakip ka sa sarili mo, 'kala mo naman gagahasain kita. Tsk. Dream on Zenith. "

" Bwisit ka kasi! Sana nagpumilit nalang talaga ako na matulog 'dun kay Shawn. Mas okay nang sungitan ako nun palagi kesa naman magahasa ng 'di oras. Pervert ka pa naman."

Akay-akay ako ni Zenith habang papasok sa suite ko. Napilitan syang makitulog sa 'kin dahil kung hindi dun sya sa labas nang hotel. Well, marami pa namang hotel na pwede syang mag check-in pero hindi man lang nya naisip 'yun. I know her, hindi sya nakakapag-isip ng maayos dahil sa 'kin. Obvious namang naiintimidate pa 'din sya sakin.

" Ouch naman Zenith. Nakakasakit ka na nang damdamin. "

" Ows talaga? May damdamin ka pa pala ? "

Pinaupo na nya ako sa couch. At dahil kung makainsulto ang babaeng 'to wagas, hinila ko sya papalapit sakin kaya napahiga sya sa may dibdib ko na syang ikinagulat nya.

" Huwag mong insultohin ang nararamdaman ko Zenith. Ikaw lang ang umabuso nito. " i whispered to her ear at bigla nya 'kong tinulak.

" Ewan ko sayo. Huwag ka ngang mag throwback dyan. It is so not you. Hindi na 'ko magpapadala sa pagka playboy mo. "

Tumayo na sya at kinuha sa labas ang naiwang mga gamit namin. Until now, sya pa ang galit dahil sa nangyari noon. Sya na nga ang nang-iwan sya pa 'tong galit. Tsk. Girls are unbelievable. Para silang logic subject, hindi ko maintindihan when in fact ang simple lang pala 'nung problema nila. Hindi nga lang direct sinasabi.

Nakadapa syang humiga sa kama with her hands spread on it. Pagod siguro 'to sa byahe.

Iniwan ko na sya at naglibot muna ako sa hotel. Papadaan na ako sa conference hall papuntang pool ng hotel, may nakita akong pamilyar na mukha. Nasa may pinto sya at nakatingin sya sa phone nya na parang may hinihintay. Nung nalapitan ko na talaga sya, naalala ko na kung sino sya but not her name. Sya ata 'tong dinala ni Drake nung nag-concert kami na kinantahan nya pa. But wait, diba kasama ni Drake si Jessamine ? And i think they're on good terms. Pero engaged naman si Jessamine sa half-brother ni Drake. Ano nya ba 'tong babaeng 'to at may wendy pang nalalaman si Drake nung concert ? Naging playboy na din ata si Mr. Nice Guy.

Nilapitan ko naman sya at medyo nagulat sya nung nakita nya 'kong biglang sumipot sa harapan nya.

" Hi Wendy. " bati ko sa kanya, hindi ko naman kasi alam ang name nya.

" A-ahh hello. Diba ikaw si Oliver Jerk.. este Oliver Scott? Yung kabanda ni Drake? "

" Yes. Why honey ? "

" Ahh. Wala lang. "

" I see. Ba't andito ka sa Cebu? Inimbita ka din ba ni Drake ? "

" Ahh. Hindi eh. May seminar kasi tapos ako 'yung pinadala dito. "

" Ganun ba, dito kasi nakacheck-in ang banda. Akala ko sinama ka nya. "

" Ahh hindi hindi. Hehe. Hindi pa sya nakatext sakin. "

Sabi ko na nga ba eh. May pagka kalahating gago din pala si Drake. Tsk tsk tsk

" I saw you looking at your phone. May hinihintay ka bang text ? Hinahanap mo ba si Drake ? If you want sasamahan kita sa kanya. "

" A-ahhh. H-hindi no. Ikaw talaga. Actually hinahanap ko si Zenith. Ang alam ko kasi ikaw yung sumama sa kanya dito. Asan ba sya? Gusto ko sana syang imbitahin na gumala pagkatapos ng seminar namin. "

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon