Chapter 13.3: Cebu Trip

113 10 10
                                    

Kiarely's POV

"H-hi Kiarely. Andito ka pala. " 

" A-ah. O-oo. I-ikaw din, narinig kong may bakasyon pala kayo. Kung hindi lang sinabi ni Zee hindi ko pa nalaman. " 

Halos utal utal na 'ko magsalita kasi napatunayan kong hindi nya talaga alam na andito ako. Naiinis na talaga ako.

" Yes. We're on a vacation. Hindi ka ba nainform ni Drake ? I thought you were... CLOSE. " sabat ni Jessamine na pinagdiinan pa talaga ang salitang CLOSE.

" Ahh. Ang totoo kasi nyan Kiarely inimbita ko si Jessamine kasi gustong-gusto nya talagang pumunta dito sa Cebu nung bata pa kami. Kaya nung nalaman kong dito kami magbabakasyon sinama ko sya. " 

Tumango lang ako. Kitang-kita sa mukha ni Jessamine ang pang-aasar. Ang sarap hambalusin ng bakal ang mukha nya. 

" O sya. Aalis na kami ni Kiarely at may imi-meet pa kaming mga gwapo. " sabat ni Zee. Alam kong ramdam na nya ang tensyon sa aming tatlo.

" S-sige. " walang pakialam na sagot ni Drake.

" Okay girls, enjoy! Lalo ka na Kia ha ? " plastik na sabi ni Jessamine.

Hinigit nako ni Zee palabas. Ramdam na nya na masama ang loob ko. Nang makarating kami sa baba naupo kami sa couch na syang receiving area.

" Okay ka lang Kia ? " 

Tumango lang ako. Okay lang ako. Walang malisya sa pagsama ni Drake kay Jessamine. Magkababata sila diba ? Kaya dinala sya ni Drake dahil tinupad lang nito ang gusto ni Jessamine nung bata pa sila. YUN LANG. Tama! Wag kang mag-isip masyado Kia!

" Okay talaga ako Zee. San' na naman tayo gagala ? " 

Ngumiti si Zee at tumayo na.

" Manlalalaki tayo! " 

" Ha???"

At bago paman ako magsimulang magreklamo hinigit nya na 'ko palabas ng hotel. 

Lumabas kami ni Zee at pumunta sa mall. Akala ko talaga totohanin nya yunh sinabi nya na manlalalaki kami. Kahit saan kami gumala, namili din kami ng souvenirs. Kinagabihan, bumalik na kami sa hotel at kumain ng hapunan. Nakaupo kami ngayon sa couch para makapagpahinga. 

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon