Chapter 1: The Departure

472 18 13
                                    

Kiarely's POV

GRADUATION DAY

"This is not the end of your journey, this is just a part of the process molding you as a competent person and successful one in the near future. Be wise enough in making your decisions in life because your future lies in your hands. So again, congratulations graduates."

Nagsipalakpakan ang mga kasama kong graduate students pagkatapos nang  pagtatapos na seremonya. Yung iba hinagis hagis pa ang mga cap nila. Yung iba naman umiiyak kasi mahihiwalay sila sa mga kaibigan nila. Lahat masaya dahil sa wakas, wala nang araw na mukha kaming zombie, wala nang mga hapon na pasekreto kaming umiidlip para matulog, at lalong wala nang nakakapagod na mga gabi. Graduate na talaga kaming lahat bilang isang studyante sa kolehiyo. Pagkatapos nito, ibang kabanata na naman ng buhay ang haharapin namin..

Masayang masaya din ako kasi sa wakas. Ang mga pangarap ko sa buhay malapit ko nang maabot.

Isa akong commoner, mahirap lang kami at ako pa ang kumbaga tinatawag na breadwinner nang pamilya namin, kaya masayang-masaya akong nakagraduate pagkatapos kong magsumikap. Pangarap ko to, at madami pakong pangarap na masisimulan ko na. SYA, kasama sya sa mga pangarap ko..

 

Kinabukasan..

 

Beautiful you know you leave me breathless and you fall into my eyes

My heart belongs to you my angel ( to you my angel )

 

Naalimpungatan ako nang narinig ko yung caller ringtone ko.

 

___

Author’s Note: All Night Dance Parties In The Underground Palace by Alesana ang caller ringtone ni Kiarely. Sa mga hindi hilig nang screamo songs pasensya nalang. Maganda ang message nyan :) ) 

___

Nakapikit pa ko habang kinakapa-kapa yung cellphone ko.

There is just no reason for you to let life bring you down

Please come with me and let me show you..

Hindi ko mahanap-hanap yung cellphone ko, kasi naman nakapikit pa din ako. Ayoko talagang imulat na yung mata ko! Ang aga pa baka hindi ako makabalik sa pagtulog! Gusto ko pa talagang matulog!

 

I know, that at times it may be hard to let go of yourself.. ( Baby girl tonight, leave your cares behind, we'll gonna dance and celebrate )

Nakuha ko na sana ang phone ko, kaso ayun ! Nahulog. Kaya wala nakong nagawa kundi imulat na ang mga mata ko..

All night, long i'll sing and dance with you, my sweet princess..

Atlast nakuha ko na din ito at padabog na pinindot ang answer button.

Alas 7 pa nang umaga. Panira ng tulog. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag kasi inaantok pa talaga ako. Puyat pako sa grad ball kagabi.

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon