Chapter 4: Meeting Prince Christ

234 16 16
                                    

A/N: I would like to dedicate this chapter to ibaako28 dahil sa votes at appreciation nya. ^^ Kumawo <3

- kinx

Nasa harap na ako ng Rock Academy. Nagdadalawang isip pa akong pumasok. Nasa harap ako ng gate ngayon at parang sht natatae ako na ewan sa nerbyos! Nandito na ako! Hihintayin ko nalang lumabas ang mga estudyante. At dahil 5pm ang uwian nila ni Christ alam kong maya-maya'y lalabas na sya.

Magfa-five pm na at may mga batch nang mga estudyanteng naglalabasan. Ako naman nasa may wall na malapit sa exit nagtatago. Palabas ng palabas ang mga estudyante pero no sign.of christ. Baka niloloko lang ako nun! Tinext ko nalang sya upang malaman kung umuwi na ba sya..

To: Christ

Hey! Umuwi ka na ba?

Nagreply naman agad sya..

One Message Received

From: Christ

Papalabas pa lang ako. Bakit?

Nenerbyos naman ako nung sabi nyang papalabas na sya. At ayun! Ayun! May nakita ako di kalayoan na papalabas na lalaki na sa tingin kong kamukhang kamukha ni Christ sa FB display picture nya! Gustong kong sumigaw! Ang gwapooooo nya sa personal kahit malayo.

Nakatayo lang sya sa may gate na naghihintay ata ng masasakyan ng biglang may tumatapik sa likod ko.

"Miss."

"Teka lang manong. May tinitignan ako eh."

"Miss umalis na kayo dyan. Nakaharang kayo sa sasakyan eh. Nasa may exit po kayo nang parking lot!" -Manong guard

Nabigla din ako nung bumusina nang pagkalakas-lakas ang pesteng may-ari nang sasakyan na yun. Kaya ayun napaatras nalang ako nang bigla akong may nabunggo na matigas na mabangong bagay.

"Anong problema manong guard?"

Sabi nung matigas na mabangong bagay na nabangga ko, specifically yung lalaki na nakabangga ko.

" Wala naman po, nakaharang lang itong si Miss sa daan." -Manong Guard

Nung lumingon ako. There! It's him! Shucks! ><

"C-christ???"

Tumingin naman sya sa akin and sa tingin ko he was shocked too.

"K-kiarely? Anong ginagawa mo dito?" -Christ

"Ahhh.Ehhh. Hehe napadaan lang?"

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" -Christ

"Ahhh. Ehhh. Surprise? "

Natatameme talaga ako. Kasi naman! Ang gwapo nya! Pang-artista! Mas babae pa ang kutis nya sakin! Exaggerated ako pero yung rock star type na look na type ko ang looks nya. From the way he dress, his poise, his hair. Damn! My ideal guy!

Naputol ang pagpapantasya ko sa kanya nung may biglang bumusinang napakagandang kotse sa harap namin.

"Halika nga! Sa ibang lugar tayo mag-usap.." -Christ

Hinigit naman ako ni Christ pero gentle yung pagkakahigit nya sakin,binuksan nya ang kotse at pumasok ako sa loob..

Mr. Perfect Traits List:

Gentleman: Check √

Tahimik lang ako na nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin. Ang gwapo kasi nang katabi ko, di hamak na hampas lupa lang ako pag tinabi sa kanya. Sinabi ko pa naman na hindi ako naniniwala na nag-eexist sya o baka poser lang sya. Familiar kasi yung DP nya eh, parang nakita ko sa tv. Pasilip-silip lang naman ako sa tv pag dumaan ako sa sala namin kasi hindi naman ako masyado nanunuod. I spend more time with books, wattpad at sa gitara ko. I'm a person who jails myself on fantasies rather than reality in terms of love.

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon