Chapter 10: Tounge Tied

134 11 0
                                    

I need a little good luck and a little bit. Cause everytime i get stuck my words won't fit..

-Faber Drive

***

Zee's POV

I'm one of those people who keeps on screaming and shouting for Fallen Angels dito sa coliseum. Eto ang gusto ko, normal na pamumuhay. Yung parang normal lang na tao na nakikitili at nakikisigawan sa mga gwapong nasa harapan namin..

Tapos na ang concert nila Drake at finale na nga ngayon yung kinakanta. Napansin kong namumutla si Kiarely.

" Kia? Okay ka lang ba? Ba't ka namumutla? "

Tumingin si Kia sakin. Nagulat ako dahil bigla nalang may tumulong dugo mula sa ilong nya na ikinagulat ko din. Dali-dali kaming tumayo para samahan sya comfort room. Napalingon ako sa stage at nakita ko si Drake na nakatingin samin na parang nag-aalala. Senenyasan ko naman sya na aalis kami at tumango naman sya upang tugon sa sinabi ko.

Pulang-pula na ang panyo na nilagay ni Kia sa ilong nya pagkarating namin sa cr. She pinched her nose habang naghuhugas ng ilong sa sink kasi yun ang advisable na gawin kesa sa tumingala. Alam kong nagnonosbleed talaga si Kia pero bakit hindi ata maganda ang pakiramdam ko ngayon?

" Kainis naman. Puro kasi english ang kinanta nila Drake. Ayan tuloy nagnosebleed ako. Tsk. " sabi ni Kia habang nililinis ang ilong nya.

" Baliw ka ba Kia dapat siguro magpacheck-up kana. Hindi naman ata siguro normal na bigla-bigla ka nalang nag nosebleed diba? "

Nilalabhan ni Kia ang panyo na madaming dugo at itinapon yun sa basurahan. Mukhang huminto na aa pagdugo ang ilong nya.

" Ang praning mo Zee. Haha Wala to. Halika na. Hintayin nalang natin sa dressing room nila. Tapos na din siguro sila Drake. "

Tumango lang ako at pumunta na kami sa dressing room..

***

Nadatnan na namin sila ni Drake na masayang pinag-uusapan ang successful concert nila habang nagpapahinga. Isa na naman to sa malalaking achievements nila. Lumapit agad si Kia kay Drake ako naman magpapa-autograph sa buong banda.. :D Well except for the JERK.

Una kong nilapitan si Jeremy. Alam kong nakikisabay lang din sya sa trip ko. Kilala naman talaga nila ako eh. Pagkatapos dun ako kay Shawn. Eto si Shawn, sya talaga tong naiinis sa ginagawa ko eh. Parang tanga daw ako sa ginagawa ko..

" Bakit mo ba ginagawa to? " pabulong na sabi ni Shawn sakin habang tinitignan ang notebook na pag-au autographan nya... Kilala nya ako. Kilalang-kilala.

" Hayaan mo na Shawn. Sumakay ka nalang please. Ayokong maramdaman na naiiba ako sa paligid ko. Mas lalo akong nasasakal. " sabi ko sa kanya.

Wala na din syang nagawa at napilitan na pumirma nalang din dun.. Sunod kay Drake naman ako nagpa-autograph. Nag-excuse lang ako sa kanila ni Kia tapos pinirmahan naman agad ni Drake, umalis agad ako para hindi ko sila maistorbo. Masaya nako sa nakolekta kong autograph kaso parang may kulang ata. Nakatingin lang ako dun sa notebook nang bigla nalang may kumalabit sakin.

" Hindi ka ba magpapa-autograph sakin? "

" Ay impakto! "

Tumawa sya na parang nang-aasar at lumapit sakin.

" Grabe. Ganito na ba talaga ka gwapo ang impakto sayo? "

At sino pa nga ba ang asungot nato? Syempre ang impaktong si Oliver! 

" Grabe din! Ganyan lang ba ka low level ang gwapo sayo? Tsk. At saka hindi ako magpapa-autograph sayo no! Dun ka sa mga babae mo. Mag autograph ka dun sa mga dibdib nilang now showing na. Hmp! Makaalis na nga! "

Because You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon