****Anika Hiragi****
Halata namang nagsisinungaling si kuya sa akin eh. Tss. Inis.
At talagang kinunsinte pa siya nila daddy?! Kairita ha!
Why the fuck did my mom died?! I wanna know! Pero tinatago nila! And I was kidnapped? Hell, I wasn't even aware that it happened! Masyado ba akong bata nung time nayun? O nagkaroon ako ng amnesia? Tangina ang cliche ha.
"Meg tell me, bakit nagsisinungaling ang tao?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman ako tinatanong niyan? Honest person kaya ako!" Sabi niya sa akin, tae nagmaktol pa.
Inirapan ko siya kaya tinignan ko naman ngayon si Kaname. "Answer my question."
"People lie to either protect themselves or to protect the person they love." Sagot niya sa akin at sumubo ng kanin
"Uy pusit. Hingi ako Kaname... hehe..." At bigla nalang nawalan ng tatlong pirasong pusit si Kaname.
"Takaw mo Katsumegu. Tumataba ka pero hindi ka tumatangkad." Kaya ayun, nakatanggap ng hampas si Kaname. Nagaway yung dalawa. Hindi ko sila pinansin kasi lutang ako.
Bakit nagsisinungaling sa akin pamilya ko? Badtrip. Tss...
Iniwan ko sila doon para bumili ng pagkain. Nababadtrip ako kaya bibili ako ng pagkain.
Nakasalubong ko si Kaito kaya napairap na naman ako. Alam kong kakampi ko siya, pero hindi ko maiwasang mairita kasi siya si Mr. Oh so genius. Kapag pinapagalitan ako ng teachers, siya lagi ang kinukumpara sa akin. Tss... malamang sa gera walang kwenta yan. Mukhang mahina eh.
Matapos bumili ng maraming pagkain ay bumalik ako sa pwesto namin kanina kaso wala na sila. Grabe, mga kaibigan ko ba talaga sila? Bigla bigla nalang akong iniiwan?
Sabagay, ako naman unang umalis eh.
Umupo nalang ako sa bench at nagsimulang kumain. May tumabi sa akin pero hindi siya ganun kalapit. Hindi ko na nilingon. Kilala ko na kung sino.
"P-pwede naman siguro akong makiupo dito ano?"
"Magtatanong ka kung kelan nakaupo kana? Tss..." Isang tao lang naman ang tinatarayan ko nang ganyan.
"Anika... yung totoo, bakit sobrang taray mo sa akin?" Hindi ko pinansin ang tanong niya at inubos ang pagkain ko.
Nang naubos niya rin ang pagkain niya ay tumayo na siya. Saka ko sinagot ang tanong niya.
"You're annoying. Ikaw nalang magaling lagi eh. Tss..." Nakatayo lang siya doon. Tumayo na rin ako at nilagpasan siya.
Biglang nagring ang phone ko. Si kuya Zeke lang pala. Tss...
"Oh?" Pamumungad ko sa kanya.
"I'll meet you guys at my office. 2pm sharp." Binaba niya rin agad ang telepono.
Tss... probably another annoying mission tapos magbibigay siya ng false info.
Tinignan ko ang orasan. 1:26 pm palang. Hinanap ko muna sila Katsu bago pumunta sa opisina ng wala kong kwentang kuya.
*********
"Investigate?" Nakataas kilay kong tanong sa kapatid ko.
"Yes. May nagsabing mataas ang posibilidad na may Chosen Eight din ang Akihito Academy. Never sila nasangkot sa kahit anong School Wars kaya gusto naming manigurado."
"At bakit kailangang kami ang magimbistiga nun?" Tanong ni Keiko kay kuya
"Kung totoo nga ang nabalitaan, maaring sugurin nila ang nagiimbistiga. Natural, gagamitin nila ang sarili nilang Chosen Eight para pabagsakin ito. Hindi kami Chosen guys. Kahit yung dati Chosen, hindi na rin ganun kalakas lalo na't nalipat sa ibang tao ang Ikimono nila."
BINABASA MO ANG
The Chosen Eight (Yukiroka Academy)
FantasyYukiroka Academy is one of the prestigious schools in Shioku District. Maganda ang uniform, facilities, magaling magturo ang teachers, extra ordinary activities, ibang bansa pa yung field trip. Kaso may tinatago pala ang school na ito. Ano yun? The...