Chapter 11

7 0 0
                                    

*****Katsumegu Sangu*****

Omggggg!! Huhu!!

Dapat pala hindi ko masyadong nilakasan yung epekto nung bolang tubig T^T

Why? Kasi naman...

"What the hell?! Anong nangyayare dito?!" Tanong ni President Zeke sa amin matapos ng pagsabog.

Yung building na natamaan ko, nagkaroon ng malaking butas sa gitna. Hehe.

Yung building naman na natamaan ni baby girl ko aka Anika, may butas na malaki na nga sa gitna, umaapoy pa.

Bakit nga ba namin nilakasan yun? Hindi naman kami nagpapatayan eh hehe...

"Kaname, kaya mo bang ayusin yan?" Tanong ni President Zeke sakanya.

"Ititry ko po."

Habang inaayos ni Kaname yung building na natamaan ko, binuhusan ko muna yung apoy na kumakalat sa natamaang building ni Anika.

"You try'na kill me?" Tanong ko kay Anika. Umiling siya kaya niyakap ko siya.

"Ohhh I so love you baby girl Anikaaaa~" Hindi niya ako tinulak papalayo pero nakita ko siyang umirap at ngumiti. Mahal na mahal talaga ako ng babaeng to HAHAHAHA

**********

"Seems like nakapili na kayo ng weapons para sainyo. Bukod nalang siguro kay Kumiko at Hikaru. Well, hindi naman na ata kakailanganin ni Hikaru magdala since kaya na niya bumuo ng isang weapon. Yung kay Kumiko naman, pwede mong iattract nalang sayo yung weapons ng kalaban." Tumango kami lahat.

May twin guns ako sa gilid ko at katana sa likod ko. Ang kay Anika naman ay katana sa likod at isang baril. Si Kaito at Kaname ay may twin guns din tulad ko. Si Nico ay may isang katana lang at si Keiko ay may maliit na bag sa waist niya at sa gilid ng thighs niya na may naglalaman na shuriken at kunai.

Madilim na at eto kami kasalukuyang bumabyahe papuntang Akihito Academy para sa pangalawa naming misyon. Tulog karamihan kaso ako hindi. Bakit ba? HAHAHAHA teka ilalabas ko muna tong phone ko.

Pinicturan ko muna silang lahat HAHAHAHA grabe si Keiko, Hikaru at Nico tumutulo na yung laway pfft.

Tapos si Anika at Kaname ang sweeeet nakaakbay si Kaname kay Anika tapos nakasandal siya sa balikat ni Kaname. Kung di ko talaga sila bestfriends mapapagkamalan kong sila na lol.

Si Kumiko nagheheadbang OMG GAHAHAHAHA

Si Kaito? Katabi ko gising. Hindi niya ako pinipigilan sa ginagawa ko pero di rin naman siya sumusuporta. Makausap ko nga.

"Psst boy yelo." Tawag ko kay Kaito. Lumingon naman siya.

"Bakit parang napaka socially akward mo?" Tinitigan niya ako ng mga ilang segundo bago yumuko.

"Wala eh... lumaki akong walang kaibigan. Hindi ko alam kung pano makitungo sa mga taong kaparehas ko lang ng lebel. Karamihan kasi sa mga nakakausap ko ay yung mga masyadong sophisticated since mayaman pamilya namin. Ngayon lang ako nagkaroon ng tao sa buhay ko na tingin sakin ay isang normal na tao."

"Boi ang lungkot naman ng buhay mo." Lumingon kami ni Kaito sa likod at nakita si Keiko na bumubukas ng chips.

"Oy penge ako boy hangin." Nilabas niya dila niya at mas layo pa siyang lumayo samin. Inis ang iksi kasi ng braso ko eh. Tsk.

"Padala ko kaya sa MMK kwento mo? Baka sumikat tayo bro." Sabi ni Keiko at tumawa ng mahina.

"Overrated mo boy. Lalagay ko nalang sa wattpad." Sagot ko sakanya habang sinusubukab paring abutin yung chichirya.

"Liit mo. Boy liit HAHAHAHA!!" Luh.

"Anong boy? Gagu ba si you? Babae ako repa. Penge na kasi ako! Damot mo!" Nakaluhod na ako sa upuan habang inaabot yung pagkain. Nakakainis naman!! Ako pinaka maliit sa grupo tapos siya pinaka matangkad. Kawawa ako napaka unmatched tsk.

"Mananahimik kayo o ako magpapatahimik sainyo?" Err... kilala ko yung boses na yun.

Galit si baby girl T^T ang ayaw niya pala sa lahat yung nagigising siya dahil sa ingay ng tao ng wala namang dahilan.

"Yan kasi ang takaw mo eh." Pabulong na sigaw sakin ni Keiko. Bahala na kayo kung gets niyo lol.

"Lul. Kasi ang damot mo."

"I can still hear your f*cking voices." Umupo nako ng maayos. Martial law kay baby girl pag galit yan mamaya matusta pa kaming lahat ng wala sa oras.

Pero ang amazing ha. Naghehead bang parin si Kumiko habang nakasandal sa bintana. Tulo laway parin si Nico at Hikaru habang nakatingala. At hokage parin si Kaname kaso ngayon nakasandal na siya sa balikat ni Anika.

Biglang tumigil yung sasakyan kaya nagising narin yung tatlo. Wow finally HAHAHAHA!!

Napasilip ako sa bintanang katabi ni Kaito. Bro mas malaki pa siya sa school namin.

"Teka paano nga pala namin malalaman kung may Chosen Eight dito?" Natanong ko bigla.

"Our plan A is to hack into their surveillance cameras ang check kung nagtatraining din sila every weekend like us or may gumagamit ng powers nila in school hours." Si Kumiko ang nagexplain niyan saamin.

"What about plan b?" Tanong ni Kaname.

"We'll set hidden cameras sa mga lugar na hindi nasasakop ng surveillance cameras ng school nila." Sagot ni Hikaru

"And plan c?" Tanong ni Anika

"Some of us will enter this school as Yukiroka Academy spies." Napalingon kaming lahat sa sagot ni Keiko.

"What the hell? Ang laki ng risk nun masyado. Paano kaoag nahuli yung magiging spy dito? Papatayin nila? Itotorture nila for info? Dude you can't be really serious." Sabi ni Nico sa kanya.

"May point si Nico. I think kelangan muna natin magisip ng iba pang plano in case na pumalya yung dalawang naunang plano. Masyadong risky." Dagdag ni Kaito. Tumango ako palatandaan na susundin ko yung sinabi niya. Nagkatinginan yung iba at napatango nalang nalang din.

"Okay ganito. Wala tayong mapa ng Akihito Academy so maghihiwalay tayo and we will search by pair. Kung meron ngang Chosen Eight dito, mataas ang tyansang mapapalaban tayo. Okay lang ba yun?" Sabi ni Kaito at tumango ulit kaming lahat.

"We will be paired based on our powers. Nico and me. Keiko and Kaname. Hikaru and Anika. Then Katsumegu and Kumiko. May objections ba?" Napanganga kaming lahat... well... bukod kay Anika.

Grabe si Kaito nakapagisip na agad ng pairings.

"Uh tanong lang. Pano mo kami pinagpair?" Tanong ni Kaname kay Kaito.

"Hinati ko muna kung saan mas nagsespecialize powers natin, defense or offense. Sa defense ay ako, si Kaname, Hikaru, and Kumiko. Sa offense ay si Nico, Keiko, Anika at Katsumegu. Ah hindi porket di ko kayo pinili sa kabilang side ay mahina na kayo dun. Sadyang mas suitable yung powers natin base dun sa pag hahati ko. Anyways, nahihirapan lang ako sa kung sino ipapair ko kay Nico since lighting siya at baka masira niya lahat."

"Dude ang sakit naman nun." Napakamot nalang si Nico sa leeg niya.

"Tapos yun, nakalimutan ko na kung pano ko pinair yung iba basta yun na yung kinalabasan. A-any objections?" Okay na sana speech niya kung hindi lang siya nautal sa dulo pfft.

"Wala nang kaartehan tara na." Bumaba nalang bigla si Anika at hinatak na rin si Hikaru.

"Teka Anika!" Sigaw ni Nico sakanya kaya lumingon siya saglit at tumalikod ulit pero nakatigil siya.

"Dun kayo sa builing 3. Keiko, Kaname, sa builing 1 kayo. Meg, Kumi, dun kayo sa building 4. Kaito dun tayo sa building 2."

"Meg?" Nasabi ko nalang bigla

"Kumi?" Sabi din bigla ni Kumiko. Napailing nalang kaming dalawa.

"Monitoring room ang hanap natin dito. Yung maliit na earphones na binigay satin ni Pres meron kayong lahat?" Tumango kami sa tanong ni Kumiko.

"Okay na? Then, mission start!"

**********

The Chosen Eight (Yukiroka Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon